Minsan mapapa isip ka talaga kung safe ba talaga ang pera mo sa mga bangko although may insurance naman talaga sila pero sobrang hassle ng experience na bago makuha yung dineposito mong pera ay pipila ka ng napaka haba para kompletohin ang requirements bago mo mailabas ang pera mo sa kanila.
Interesting tong balita to
BSP order to close first cooperative bank ang aritikulong ito ay galing sa cebu daily newsKaya di talaga ako naglalagay ng malaking pera sa bangko at usually yung emergency funds lang nilalatag ko dyan dahil ayaw ko ng hassle. Mas pinipili kong e invest yung pera ko sa makabuluhang bagay dahil para sakin pangit kung natutulog lang ang pera mo sa bangko at sila lang ang makikinabang nito.
Malaking tulong talaga na andyan ang bitcoin at crypto dahil may alternative option tayo na paglagakan ng pera natin bukod sa physical asset investment na pwede nating e grab.
Kayo ano opinion niyo dito?
- Well, una sa lahat wala naman akong savings sa any bank, at kung sakali man na maglagay ako ng pera sa banko siguro hindi ko palalagpasin sa amount na 500k. Mahirap kasing maglagay ng pera na milyong halaga sa banko.
Sapagkat kapag nagdeklara kasi ang banko ng bankarote na sila ay nasa halagang 500k lang ang ibabalik nila sayo, kahit pa na milyong halaga yung pinasok mo sa banko nila, yan ang katotohanan dyan.
Yes since I think yan yung insured amount kung di ako nagkakamali. Mas mainam talaga na ganito para iwas sa ganitong issues. Yun din kasi yung pinangangamba ko ang mag file ng bankruptcy ang bangko dahil sakit sa ulo ito sa mga depositor nila. Kaya iwas talaga sa pag lagay ng malaking pera tsaka lalo na nasa crypto din tayo mahirap at baka ma flagged ng AMLA.
Yeah Isa rin ako sa mga takot sa banko ngayon, di ba mga balita last yung mga major bank sa US nag si bankruptcy. May mga banko sa US na nag-file ng bankruptcy noong nakaraang taon. Kung di ako nagkakamalo ang Silicon Valley Bank at Signature Bank ay parehong nag-file ng bankruptcy noong mga 1st quarter ng 2023. Isa sa mga dahilan at sanhi ng mga isyu sa liquidity at mga problema sa kanilang investment portfolios, na nakaapekto sa kanilang operasyon. Na pwedeng mangyari rin dito sa mga Banko sa Pilipinas mangyari. Kaya hindi mo masisi kung ang iba takot na mag deposit sa banko.
Nabalitaan ko din yun at isa din yang malaking institution sa US kaya kahit reputable bank sila ay mahirap parin talaga maging panatag lalo na kahit kailan pwede sila mag file ng bankruptcy lalo na pag na down yung negosyo nila.
- Tama ka dyan kabayan, may naalala tuloy ako na pinagtrabahuhan ko na isang company, na kung saan yung may ari nito ay naikwento nya sa akin na before daw ay meron siyang bank business, hindi kilalang banko, ngayon, nung time daw na yun ay may mga client daw siya na nagdeposito sa banko nya at mga milyon ang halaga ng mga clients nya, ngayon nung nakita daw nya na meron ng hawak ang banko nya ng worth 40M sa pesos ay bigla daw siyang nagdeclared ng bankcruptcy.
Sabi nya sa akin, kahit nagdeclared daw siya ng bankruptcy kumita parin daw siya ng milyones kahit pa daw may binalik siya ng tig 500k sa mga clients nya, kaya dun ko nalaman na kapag tuso yung bank owner ganyan daw talaga ang ginagawa in which is yung dati kung amo ay isa din sa mga tuso, dahil before din siya nagdeclared ng bankcruptcy sa banko nya ay nangutang din daw siya ng worth 50M sa pesos at nung na release na yung pera saka siya nagdeclared. Grabe yung tao na yun sa totoo lang. May mga ganung tao pala talaga na ganun.