So musta naman ang kitaan natin diyan?
Ang bilis niyo naman panghinaan ng loob sa BTC. Dapat doing both pa rin. Take profit sa ETH pati sa BTC. May ETH din ako pero di ko priority. Nasa 5ETH na rin mayroon ako. Not worth it pa itrade. Ang baba pa ng palitan. Ihold ko na lang muna iyong ETH ko.
Teka baka maoff topic na tyo kung sa ETH ang usapan. Basta ako sa Bitcoin lang, walang choice e. Walang pangpuhunan sa mga alt coins na yan
Paano naging off topic iyan e BTC price ang title. Pati factors puwede pagusapan kung bakit ganito o ganyan ang current btc price kaya napasok ang ETH. Puwede ba wag pasok ng pasok para lang sa signature campaign.
kung mabilis ang movement sa price ng ETH, magkano nakukuha mong profit sa isang araw at magkano ang puhunan mo? parang gsto ko din mag altcoin trading ngayon e
I can say na kung may 1 btc ka pwede kang mag earn ng 500-1000 pesos sa ETH every successful day. Pero may mga times naman kasi na di maabot ung mga order mo kasi ung price movement ay against sa gusto or target mo. Like kaninang umaga naabot ung Sell orders ko kasi tumaas ung price. Naglagay ako ng mga Buy orders na mas mababa sa current price para abangan ko ung pag dip ng price pero unfortunately di sya bumababa dun sa target kong price so naka pending lang ung orders ko. Ayaw ko naman bumili at current price kasi may possibility na mag sell ung mga traders din kasi mataas ung price e.
Ang tanong niya magkano kita mo sa everyday trade. Gumalaw na ang btc price ng $20. Pag nagtuloy pa yan di na ganoon magiging kaputok ang ETH. Take profit lang talaga ang ibang altcoins. They aren't meant for long term kaya sa BTC pa rin ako magtratrade at side earnings lang yang other altcoin.