Salamat ulit sa pagsheshare para madagdagan awareness namin kabayan.
Walang ano man kabayan mas mainam talaga e share ang ganitong modus para aware tayong lahat na existing ito at makapag warning tayo sa malalapit nating kaibigan at kamag anak para maka iwas sila sa ganitong scam.
Hehe... ang dali mo naman matukso sexy lang yung naginvite hindi kana nakatanggi... Ngayon, ako naniniwala na malaki nagagawa ng mga seksing nagiinvite at the same time kung maganda pang babae ito.
Yan talaga kahinaan ng karamihan na lalaki o kalalakihan, maganda ba talaga? hahaha, Ako immune na ako sa ganyang mga invitation, kahit seksi o maganda pa yan. Dahil hindi pinupulot ang pera.
Napatawa mo ako kabayan biruin mo babae lang pala talaga ang kahinaan mo at nahikayat kang sumali ng mga seksing babae kaya next time ingat nalang talaga dahil di talaga basihan kung ano ang hitsura ng tao sa mga ganito dahil kung gipit talaga ay may kakapit talaga sa patalim para kumita lang. Yes kahinaan talaga ng mga lalaki ang magagandang babae lalo na pag may pagka mahilig karin sa chicks hahaha.
Buhay pa rin pala ang scheme na ganito, akala ko nagimprove na sila pero katulad ng scheme ng Seataoo na dinaan sa ecommerce style na ang dropshipping daw kung saan eh kapag may bumili sa isang seller ay magdedeposit siya ng pera worth ng binili ni buyer at mafifreeze iyong pera after sometime pare tumubo ng 7% yata iyon...
Buti na lang nga at nagask ng advice ang kaibigan mo kung hindi malamang iyak-tawa ang mangyari sa kanya kapag naginvest sya dyan.
Di yan mawala - wala since may mga newbies parin talaga ang nabibiktima nito. May mga taong naniniwala parin kasi na madali lang yumaman online kaya ayon yung iba na scam at masaklap pa malaking halaga ang nakukuha sa kanila kaya mabuti talaga ang may alam para maka iwas.
Kaya nga buti nag ask sya ng advice dahil kung hindi isa na sana sya sa mga umiyak lalo na alam ko gipit yun sa pera.