Yung teacher ko sa highschool, ngayon nasa Japan. Nagtuturo ng English yata. Ang maganda doon, if you like Japanese cars, or Japanese food, or even Japanese culture. Like yung martial arts nila, nandun lahat: karate, aikido, jujutsu, judo ...
Pag may pera ako, or mayaman, gusto ko pumunta doon at maging Uchi-Deshi sa mga Shihan o Sensei ... hahahaha. Kay Kazushi Sakuraba. hahhaha. Seriously, baka pili ako ng either karate o aikido sensei.
Nag bakasyon ako sa Japan many years ago. Ngayon meron daming blog at mga mp3's on how to learn the language. "Eigo-ga wakarimasu ka?" (Do you speak English?)
Tumira ako sandali sa USA, bilang studyante, many years ago. Chicago Bulls, Michael Jordan... well, American naman yon, hindi masyado mahirap mag adjust para sa pinoy. Canada ganun din, basta medyo okey ang ingles mo; malamig lang nga.
May mga nakilala din ako, umikot na ng Europe, as ship crew. Mga seaman. Syempre sa Middle East, madami dyan mga professional engineers and trades, especially sa construction.
Ang daming Pinoy at Pinay sa Hong Kong / Macau, usually sa restaurant o casino, pati na rin as DH (yaya ng bata, o taga linis ng bahay.)
It's one thing to work in a country, and then come back, and another to actually migrate, move, live and possibly retire there. Meron work permit / work visa, meron immigrant visa o for permanent residence, at syempre mga tourista na overstaying (wag nyo gawin to, sira lang record nyo.)
Ang maganda sa ibang bansa, depende na rin kung ano sitwasyon mo, kunyari meron free schooling para sa mga bata, magaganda pa and standard of education kasi karamihan K-12 na. Pag iipunan mo na lang kolehiyo para sa mga anak mo.
Kung single ka naman, well, maraming tax benefits. Karamihan ng ibang bansa walang 13 month pay, pero meron sila bonuses, at mas mataas (in general) ang sweldo compared sa same job sa Pinas.
Ganito gawin mo: pili ka ng bansa, then hanapen mo official website nila for immigration. Nandun lahat usually, for all visa requirements for all purposes. Marami ka rin forum mahahanap specifically for the country you picked. Sa aken lang, kung balak mo mag abroad, pumili ka sa mga English speaking countries first. Opinyon lang. USA, Canada, UK, Australia, New Zealand. Lahat yun meron ng pinoy naka punta.
Walang bansa yata na walang pinoy, so ... you have 200+ choices.
Ito pinaka most popular:
https://en.wikipedia.org/wiki/Overseas_Filipinos United States 3,535,676
Saudi Arabia 1,028,802
UAE 822,410
Malaysia 793,580
Canada 721,578
Australia 397,982
Italy 271,946
United Kingdom 218,126
Qatar 204,550
Singapore 203,243
Hong Kong 201,094
Kuwait 198,289
Japan 182,917
Taiwan 89,195
Bahrain 72,083
Greece 61,716
South Korea 59,839
Oman 55,590
France 48,018
Germany 47,214
Spain 42,804
New Zealand 39,091
Israel 36,400
Brunei 32,765
Jordan 29,766
China 29,691
Lebanon 29,113
Papua New Guinea 26,153
Netherlands 21,789
Switzerland 20,910
Cyprus 19,948
Norway 18,088
May mga kilala din ako nasa Netherlands at Norway. Maganda at tahimik buhay doon. (Mabilis pa internet.)
Good luck sa inyong paghahanap ng hanap buhay.