Namamahalan sila sa Bitcoin kaya ang pinipili nila ay mga altcoins na puwedeng tumaas ng hindi inaasahan lalo na ngayon merong mga meme coins na yan ang tingin ng marami na sasabay sa bull run.
Bakit hindi ba posible? hanggang ngayon naman meron paring mga potensyal na altcoins na pwede talagang umarangkada ang price value nito sa merkado. Maging sa ibang mga meme coins tulad ng Pepe coin nalang, first time nitong mararanasan na makaharap sa bitcoin bull run, sa tingin mo ba hindi makakasabay ito sa mga top altcoins sa merkado?
Na kung titignan naman natin sa reality na kahit sabihin pa nung iba na shitcoin ang Pepe coin, or sinasabi ng iba na masasayang lang daw ang pera nila dito dahil meme coin siya, bakit kasama ang Pepe coin sa mga top crypto sa merkado, at karamihan na mga exchange makikita mo ang pepe coin din. Ibig sabihin kahit saan naman talaga ay pwede tayong kumita ng crypto na makakapagbigay sa atin ng magandang profit ng higit pa sa Bitcoin, hindi ko sinasabing panget ang Bitcoin subok na yan ang point ko lang hindi lang talaga sa bitcoin pwedeng makakuha ng profit andyan pa ang alternative coins o altcoins.