Pages:
Author

Topic: Car dealer na tumatanggap ng Bitcoin - page 2. (Read 274 times)

legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
April 23, 2024, 08:59:29 AM
#5
Tingin ko is wala pa din nag support ng bitcoin pag dating sa mga dealers ng mga auto loan at mga bike loans kasi nga hindi pa din nila ito kilala at alam nila ang risk ng market volatile nito. Unlike sa financing ng bank is madali lang sila makapag background check kasama ung mga credit history ng mga client if approved ba sa kanila or hindi.

I guess if they will support they need to have a third party pa that convert into fiat currency. Also is most of the clients naman ata financing or cash ang payment.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
April 23, 2024, 05:35:49 AM
#4
I don't bro na may car dealer dito sa tin na tumatanggap ng Bitcoin. Dati may nabasa ako parang bahay at lupa naman parang sa Iloilo ito o something. Pero pagtapos nanahimik na ang balitang iyon. Iniisip ko baka wala naman naka deal na pormal talaga.

So tingin ko isang dahilan is kahit maraming nag bibitcoin na mga Pinoy, hindi parin exposed ang karamihan na ginagamit din to as micro-payment, or payment scheme at ano ang advantage and disadvantage pag ginamit mo to.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
April 23, 2024, 02:05:00 AM
#3
Kung sa bagay tama at may punto naman itong sinabi ni @mk4, dahil meron namang ibang mga p2p merchants na pumapayag ng meet up transaction tapos kung sa bitcoin mo idadaan yung payment ay siyempre ibibigay nalang ng merchant na buyer yung btc address kung saan mo ipapadala yung bitcoin. Sa ganyang transaction mo nalang magagawa yung ganyang mga pagconvert ng bitcoin mo sa pera.

Or pwede rin naman na magtanung ka muna moneybees na nagpapaover the counter sa tambunting pawnshop kung nasa magkanong halaga ba ang maximum na pinapayagan nila na mailabas mo mula bitcoin. Pero mas maganda parin yung sa p2p merchant sa aking palagay.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
April 22, 2024, 11:10:32 PM
#2
Mahirap maghanap nyan kasi kahit 2024 na, mejo niche parin ang bitcoin lol.

Ang pwede mo siguro gawin is makipag usap sa seller na idadaan through Binance/Bybit P2P ung pera na papasok sa bangko niya. Plus points kung may Binance account na talaga ung seller, para rekta send mo nalang ung BTC/stablecoins.
hero member
Activity: 2786
Merit: 705
Dimon69
April 22, 2024, 10:10:31 AM
#1
Since hindi active ang pamilihan group natin para sa bentahan ng mga physical goods. Mayroon ba na may alam sa inyo na mga crypto group or car dealer na tumatanggap ng Bitcoin as direct payment?

Nagbabalak kasi ako na bumili since nakaipon na dn naman ako pero ayaw ko na iwithdraw pa sa bank yung Bitcoin ko para lang bumili ng kotse dahil mahigpit ang bank ko pagdating sa withdrawal ng malaking halaga. Need pa ng supporting documents if ever nagdeclare ka na bibili ng car or house. Shout out BPI!

May alam ba kayo na marketplace na pwede bumili ng direct using Bitcoin?
Pages:
Jump to: