Kaso Inactive na sya at may Bad Reputation pa.
Hindi ko kasi alam kung ano mga rules dito dati kaya basta comment na lang ako kung saan-saan at paniwalain pa ako sa mga hyip sites
Kaya nagkaroon ako ng Bad Reputation
Well Newbie pa lang din naman yung Account na yun, at sa tingin ko hindi ko na din gagamitin yun at dito na sa account na ito ako magfofocus.
Tanong ko lang may pag-asa kaya na mawala yun?
Curious lang po
Kahit anong feedback ang natanggap mo, ang pinakamabigat ay manggagaling sa trusted feedback. Iyon ang mga nasa Default Trust list at talagang naka pinned na iyon sa account once na may bumisita sa profile mo.
Yes may pag-asa mawala iyon pero kung troll ang kausap mo at wala sa DT list medyo malabo mawala iyon. Kung sa DT naman galing ang feedback, madali naman sila kausap kung talagang wala kang ginawang mali or mapatunayan mo na malinis ang account mo.