Author

Topic: Cash Less Society - Nararapat naba? (Read 221 times)

sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
June 01, 2020, 02:12:01 PM
#9
Kung ang financial technology ang paguusapan siguro available na lahat online ang tanong lang kung handa naba ang gobyerno at ang mga pinoy kung magkataon man E-implement ito? Sa tingin ko hindi, pero sa tamang proseso pwede. Susuportahan ba ng government ang pagamit ng BTC? Sa tingin ko hindi rin, possible na CBDC ang ilalabas ng gobyerno para sa mga tao dahil mas kontrolado nila ang serkulasyon.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
June 01, 2020, 11:54:12 AM
#8
@OP gumawa ako ng sarili kong thread para sa sagot ko sa tanong mo. Originally dapat i-rereply ko nalang dito sa post mo pero nakita ko masyado ng mahaba yung sagot ko and at the same time nakita ko na informative ito kaya ginawaan ko ng sariling thread.
member
Activity: 1120
Merit: 68
June 01, 2020, 10:31:58 AM
#7
Panahon naba para pag-aralan at ipromote ng ating gobyerno ang cash less society o kung saan hinde na naten kailangan maglabas ng cold cash para sa mga transactions na ating gagawin. Sa panahon ngayon maraming online businesses ang nagsilitawan at marami naren ang mga online sellers and buyers, sa tingin mo ba panahon na para iadopt naten ang cash less transactions? May chance ba na maging option din si BITCOIN kung magkataon?

Sa tingin ko, nararapat na talaga i-implement ng ating gobyerno ang paggamit ng cashless transaction habang may pandemic at community quarantine dahil dito maiiwasan natin magkaroon ng physical contact sa iba't ibang tao upang hindi mahawaan ng corona virus. Kaya nga lang mayroong mga tao na ang hindi kaya sumabay sa cashless society dahil sa financial status nila na ang iba ay walang mga smartphone at walang mga credit card. Kaya pinag-aaralan parin ito ng ating gobyerno kung ano ba dapat ang gawin.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
June 01, 2020, 09:07:59 AM
#6
Matagal na yata nilang pinag-aaralan 'to however 'di lang magawang i-totally adapt 'tong major shift. So, yeah, possible pero it will take a lot of time till maging cashless ready na 'yong bansa or moreover independent na sa physical cash. There are more to consider rin kasi mga bagay-bagay lalo na sa security. Saka may mangilan-ngilan naman ng applications na gumagawa nito as mentioned above kaya nga lang limited lang 'yong availability para sa kung ano lang 'yong supported nung app.

To add:
Quote
"We target that 20 percent of retail transactions would be electronics by 2020. Our goal is a 'cash-lite society', not totally 'cashless' for now,"
Quote
According to Diokno, the Philippines cannot be cashless yet by 2023 but EGov Pay and QR Ph will help the country become cash-lite four years from now.

Late 2019 ko pa nakuha 'yong both article, well, as what it indicates cash-lite society tayo meaning may dependency parin tayo sa physical money na 'yan. (Do I get it right? Please correct me if I'm wrong, I got a bit confused rin Grin), compared sa cashless na almost all possible transaction ay digital na. Sobrang convenient pag nagkaroon at the same time marami rin mapag-iiwanan.

Option si Bitcoin? Yep sa tingin ko madadamay rin naman 'to, and it was always been naman Undecided.

Source: article 1 & article 2
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
June 01, 2020, 08:49:27 AM
#5
Partly, but not 100% cashless.

Ang pagiging cashless ay surely advantageous lalo na sa panahon ngayon kung saan as much as possible ayaw nating humawak ng mga bagay na hinawakan rin ng ibang tao, and for convenience narin siguro para hindi na nakakatamad maghintay ng sukli.

With that said though, we can't go truly 100% cashless lalo na't maraming mahihirap na tao na walang smartphone. Along with that, though in the surface sobrang lamang talaga ang PayMaya/GCash payments, wag nating kakalimutan na cash parin ang isa sa pinaka private na methods of transacting.

May chance ba na maging option din si BITCOIN kung magkataon?
We have Coins.ph, so it's already an option. Kumbaga nakadipende nalang kung tatanggapin ba ng mga stores ang Coins.ph payments.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
June 01, 2020, 06:31:28 AM
#4
There's no doubt na malaki nga talaga ang naitutulong ng cashless transactions sa atin mga kababayan sa panahon na laganap ang pangamba sa pandemiya. Isa ako sa proponents ng cashless society, dahil nababawasan nito ang cost ng pagprint ng money, ang logistics sa pagdistribute at ang pag-harvest ng raw materials na maaaring i-repurpose for export. Sa paglipana ng mga serbisyo gaya ng Gcash, Paymaya, Paypal at iba, maaaring makakuha ng idea ang gobyerno sa kung paano nila ipapatupad ito. Sa usaping macroeconomics naman, madaling mamamanipula ng gobyerno ang ekonomiya depende sa sitwasyon ng ating bansa. Sa kabuuan, marami talagang merito ang pagiging cashless, pero may kaakibat din itong pangamba.

Sa eCommerce na lamang halimbawa, hindi sanay ang karamihan sa mga Pinoy na bumili ng mga bagay-bagay online, kahit pa sabihin nating digital na lahat dahil na rin sa pagiging unconventional nito sa scenario ng ating society. Dagdag mo pa na karamihan sa mga nakakatransact ngayon ay mga scams at purely panloloko na nakakawala ng confidence ng mga Pinoy sa ganitong kalakaran. Magiging panatag lang marahil ang mga Pinoy kung magkakaroon ng solidong batas na pumuprotekta sa kanila sa ganitong mga bagay at kalakaran. Hindi sapat ang anti-cybercrime law dahil masyadong vague pa ang clauses nito at hindi talaga saklaw ang kalaliman ng mga cashless transactions ngayon.

All in all, malaki ang posibilidad na magshift towards digital fiat ang mundo. Ginagawa na ito ng ibang bansa prior sa pandemic, at napalakas lamang ang pagkampanya sa mga ito dahil nga maaaring maging vector of infection ang physical cash. Pero kung tutuusin talaga, kaya naman nating magtransition. Ang problema eh kung anong gagawin sa physical cash in circulation. Maaaring i-hybridize ang cash system at gradual ang pagkawala ng physical cash, pero until then makakakita muna tayo ng mga mukha nila Rizal, Quezon at nila Aguinaldo for the time being.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
June 01, 2020, 04:48:36 AM
#3
Hindi papayagan ng gobyerno ng mga bagay na hindi sila kikita at ngayon diba nababalita na kukunan na ng mas malaking taxes ang mga nag oonline businesses?so bakit nila papayagan ang cashless society kung wala naman silang malaking pakikinabangan,kaya nga hindi pa din magkaron ng adoption ng Crypto sa pinas(pero hindi naman pinag hihigpitan kaya ok lang din satin) pero kung para sakin?gusto ko cashless na tayo kasi hirap na magkaron ng physical contact now so sa cashless safe tayo sa virus.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
June 01, 2020, 04:38:41 AM
#2
Ang problema lang talaga sa atin dito sa bansa ay yung gusto ma-monopolize lahat ng different private companies. Imagine mo, andami na nagttry ng mga different approach to cashless society and the real-world application nito ay hindi gaanong wide-spread. Parang GCash ang isa sa mga popular applications for cashless pero hindi pa din ito mapalaganap sa transportation parts unless i-pangload mo or something. Dadaan pa ito kay Beep kung para sa mga transportation. Iba ang mayari, hindi papayag na hindi sakanila ang gamitin. Sana may magawa ang gobyerno tungkol dito.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
June 01, 2020, 03:54:09 AM
#1
Panahon naba para pag-aralan at ipromote ng ating gobyerno ang cash less society o kung saan hinde na naten kailangan maglabas ng cold cash para sa mga transactions na ating gagawin. Sa panahon ngayon maraming online businesses ang nagsilitawan at marami naren ang mga online sellers and buyers, sa tingin mo ba panahon na para iadopt naten ang cash less transactions? May chance ba na maging option din si BITCOIN kung magkataon?
Jump to: