Tingin ko dito magging madali ang adaption dahil sa mga nagkalat ng company at ngbubuild ng kanilang crypto project dito sa pinas. hindi rin ganun kadali at aabutin pa ng ilang mga taon. Ngayon ay nasa early stage pa rin ang ating bansa para sa crypto at hindi pa tayo handa para tawaging cashless society. Isa pa na dahilan ay hindi stable ang crypto para gamitin sa pang araw araw na pamumuhay. Marami pa din ang hindi masyadong techy lalo na ung mga nagdaang henerasyon at siguro mga isang dekada pa para sa ganyan.
Sa crypto oo pero ung ibang ways ng cashless medyo gamit na gamit na rin ng mga pinoy, meron atm,CC at yung mga katulad ng Paymaya at GCash medyo nakakapa na rin sila ng mga pinoy kung hindi man majority pero malaki na rin ang nasasaklaw ng mga cashless payment process.
Maganda talga maging cashless nalang lahat ng transaksyon, kumbaga hindi na tayo mahihirapan na magdala at masuklian nga mga perang papel at barya.
Sa ngayon mahirap pa makaka adopt ang mga pilipino sa ganitong transaksyon dahil maraming sa atin ay hindi pamilyar sa pag gamit ng mga ganito at takot sila na maloko dahil hindi sila marunong gumamit, kailangan lang talaga ituro ito sa mga mamamayan pilipino.
Tama ka dyan, kung sakaling maging fully cashless dapat meron talagang tamang guide, madami ang takot kasi syempre pera ang pinag uusapan, sa dami ng scam mahirap pa makakumbinsi lalo dun sa mga wala talagang kaalam alam sa mga ganitong proceso.