Last April pumutok ang hiwalayan nina Charice at Alyssa. At mula nu’ngApril, hindi na nakita ng mga fans si Charice.Hindi nga siya nag-active sa social media. Ang Twitter account niya na may 925,400 followers ay walang kabuhay-buhay, dahil wala ngang mga bagong tweets.Ang Instagram account naman niya na may 127,000 followers, burado na rin ang mga photos niya, o photos nila ng ex-girlfriend niya.At ‘yun na nga, last Thursday (June 15) night, ‘yung halos pa-12 midnight na, biglang binulabog ni Charice ang Instagram. Nag-Instagram live nga siya nang walang kaabug-abog.Sa simula, hindi mo iisiping si Charice `yon. Dahil iba na nga ang IG name niya, na mula sa pagiging @supercharice, biglang naging @jakezyrusmusic (Jake Zyrus).Ang Twitter account niya ay Jake Zyrus din ang name na nakalagay.Anyway, after 2 months, mukhang naka-move on na nga si Charice sa hiwalayan nila ni Alyssa. Kunsabagay, sabi naman noon, mutual decision nila `yon.Sa itsura, ganu’n pa rin si Charice. Barakong-barako ang porma, na naka-cap na pabaligtad, na kadalasang gimik ng mga boys, at simpleng t-shirt lang.Ang asong si Eggsy ang kasa-kasama ni Charice sa IG live na `yon.Siyempre, umulan ng maraming tanong kay Charice, na ang iba ay Jake na nga ang tawag sa kanya. Teka lang, parang Rustom Padilla rin kaya ito, na pinatay si Rustom, at binuhay si BB Gandanghari?Na sa kaso ni Charice, dead na rin ba si Charice, at ipinanganak naman si Jake Zyrus?Medyo nasa mood si Charice/Jake na sagutin ang ibang katanungan, at pagbigyan na rin ang request na kanta ng mga followers niya.Kapansin-pansin din na ibang-iba nasi Charice ngayon, na makulit na nga.Na say ng follower niya, ito raw ba ang ‘the other side of Charice’ na kinorek ni Charice, na hindi, dahil ito raw ang tunay na Charice.‘Yung nakikita raw sa TV ang ‘the other side’ niya. Hirit pa nga niya, ‘wag daw masyadong nagpapaniwalasa mga nakikita sa TV. Dahil sa TV nga raw, parang lahat ay dapat pinu-project.May mga nag-comment na kesyo lasing lang si Charice, kaya biglang-bigla ay nag-IG live siya, o humarap siya sa kanyang mga fans.“I’m not drunk! I’m not drunk!” sagot ni Charice, na patawa-tawa.“Dahil sa mga isyu-isyu na `yan, kung anu-ano na lang naiisip ng ibang tao. Hindi ako adik! Nagpa-tattoo lang, adik na? Hindi ako adik!” sey pa rin ni Charice.May mga followers si Charice na tinanong kung kumusta na ang ex-girlfriend niya.“I don’t know? We don’t talk anymore!” sagot niya.Anyway, hiling nga ng mga fans ni Charice, na sana ay mag-post namansiya ng mga photos niya. Burado na nga kasing lahat ang mga photos niya sa Instagram.Na understandable naman, dahil kailangan na nga niyang ibaon sa limo tang lahat ng ala-ala ng pagsasama nila ni Alyssa.
nakakagigil yang charice na yan e , sinayang nya career nya sa patomboy tomboy nya e , ano akala nya aiza mangyayare sa kanya , di mangyayare yun kasi si aiza kaht na tibo sya maayos e sya ? nagpapalit pa ng pangalan kala nya matutuwa sa kanya tao ,