Cloud mining. Ang cloud mining ay ang pag gamit ng computer processing power sa mga data centers. Basically parang nakikihiram ka ng computer sa mga kompanya para mag run ng mining software mo.
Sure ako marami sainyo ay naenganyo na dito dati o baka hanggang ngayon. Syempre naman. Kikita ka ng bitcoin o anomang crypto nang hindi mo na kailangan i-iwan pa ang computer mo na naka on magdamag. Sarap isipin, hindi ba?
Ayun nga lang, maraming risks ang pagsali o pagbili ng cloud mining services. Siguraduhin na basahin muna itong post na to bago kayo magdesisyon.
Pros ng cloud mining:
- Walang gastos sa kuryente
- Hindi mo na kailangan mag invest sa hardware(computers)
- Hindi mo na kailangan bumili ng heater pag nasa malamig ka na lugar
- Hindi ka na mag aalala kung nasusunog na ba ang bahay mo dahil sa overheat ng hardware
Cons ng cloud mining:
- Mababa ang profit (dahil nagrerenta ka ng hardware, may extra fees)
- Kakulangan sa control
- Kadalasan ang mga cloud mining sites na inaadvertise ay Ponzi/HYIP lamang
- Mataas ang chance na scam ang sinalihan/binayaran mo
- Malabo ang kontrata (e.g. kailangan pala ay lagi ka nag uupgrade para hindi huminto ang payouts)
Conclusion: Worth it ba?
Siguraduhin rin lang na legit ang balak mong salihan na cloud mining service. Tanungin mo lang ang sarili mo, "too good to be true ba itong sasalihan ko?" dahil pag "oo" ang sagot mo, malamang sa malamang too good to be true nga lang talaga. Lalo na ung mga sites na, "pay 0.0001 BTC to earn 0.15 BTC a day"; kung ganun pala karami ang pwedeng maging tubo jan e bakit pa nila ipaparenta? Hindi ba mas kikita pa sila pag sila nalang ang gumamit? Minsan kailangan lang talaga natin ng common sense, at wag magbulag bulagan dahil lang sa pera.
Pero pwedeng pwede maging profitable ang cloud mining. Siguraduhin lang na icalculate muna ang magiging potential payouts mo, at kung gaano katagal bago mo mababawi ung investment mo. Take note lang na, habang parami ng parami ang nagmimine ng bitcoins, pahirap rin ng pahirap ang pagkita sa mining; so wag mong iexpect na stable ang matatanggap mo daily/weekly/monthly, dahil habang humihirap ang pagmine, pababa rin ang magiging payouts mo.