Posible kaya mas mauna silang magkaroon ng VASP License bago ang ibang exchange tulad ng Binance sa bansa natin?
they are showing interest, so they will most likely get VASP license before Binance or other foreign exchange sites. also, may nakita rin akong balita recently na nakipag partner na rin ang coinbase sa PDAX, so from the looks of it, they are really interested on expanding the Philippines. this partnership might also increase PDAX's user base.
Ay, bakit nakikipag partner sila kay PDAX. Mas pabor sa tingin ko lang kung sa coins.ph sila or maging independent body nalang sila para mahigpit ang kumpetisyon sa bansa natin.
Im not sure what they trying with this meeting. Nakapagset sila ng meeting with Coinbase pero sa Binance eh grabe ang push back or panggigipit nila, Im not sure something fishy about this.
If the meeting held sa ibang bansa means hindi ang coinbase ang lumapit or nagset neto, but the representative from Phil Govt. Not a bias on political side but not into Senator Recto since then.
Tingin ko nagmeet lang sila dahil sa World Economic Forum at baka nagkataon nalang din nakapag set sila ng meeting sa kanila dahil nandun naman din sila at present naman.
Sa pagkakaalam ko dati ay for US citizen lang itong coinbass since gusto ko sanang gamitin itong alternative sa coins.ph pero need ng KYC from US citizen only kaya hindi ko ito nagamit. Also wala pa ako nakikita na gumagamit nitong coinbase app sa mga friends ko sa social media.
May coinbase account kb OP?
Magandang alternative ito since ban na ang Binance while isa ang coinbase sa may malaking trading volume na exchange.
Pwede kahit hindi US citizen sa coinbase basta huwag ka lang galing sa bansa na restricted nila. Nagcreate ako dati isang beses pero sobrang tagal na nun at hindi ko na maalala pero kung maging ok sila, gagawa ako ng account sa kanila ulit dahil hindi naman na KYC yung unang account ko sa kanila.
Finally isang malaking tao sa government natin ang nagakita ng suporta sa cryptocurrency through negotiation sa Coinbase, mahirap din kasi na mayrrong monopoly ang isang local exchange sa atin, pwede nilan gi iimplement ang gusto nila at wala tayo magagawa doon.
Tulad na lang nitong super laki ng transaction fees nila sa altcoin $2 to $3 ang katumbas sa minimum kung meron tayong Coinbase dito baka mapilitan anh Coins.ph na magbaba na ng kanilang transaction fee.
Ang kaso nga lang sabi ni acroman, parang makikipag partner sila kay PDAX kaya may monopoly pa rin kung ganun ang mangyayari.
Possible naman ito, dahil ang priority naman talaga ng coinbase ang magexpand pansin naman naten yan kumpara sa ibang mga exchange laging nauunang available ang coinbase sa mga bansa na hindi pa naaabot ng cryptocurrency kahit dati pa talaga noon kasagsagan pa lang ng crypto at hindi pa talaga masyadong napapansin ito. And sa tingin ko makikioperate itong coinbase dahil alam naman naten na malaking investment rin sa kanila ang Pilipinas, I think naman may data sila sa mga ganyan kaya kung nakikita nila na maraming mga Filipino talaga ang nagtatrade or nagiinvest sa cryptocurrency for sure ilelegalize nila ang Coinbase dito sa bansa isa pa malaking promotion din or marketing sa kanila kapag naannounce yan, even though hindi na ko gumagamit ng coinbase dahil medjo malaki rin talaga ang mga fees, similar sa coins.ph sa pagkakatanda ko dati kaya rin ako nagstop, pero maganda ang mga interest rate nila sa coinbase.
Sobrang tagal na wala pa rin balita sa Binance mukang walang move na ginagawa ang Binance since may ginawa na rin naman ang SEC para mablock yung Binance pero accesible pa rin namn talaga sa atin so i guess may kunteng fear lang talaga pero nakakapagtrade pa rin tayo. Gumagamit pa rin ba kayo ng Binance or lumipat na kayo sa ibang exchange?
Yung binance kasi makikipag cooperate naman yan sa gobyerno natin kaso nga mukhang may mga nakakuha na ata ng slots ng BSP para sa VASP license at baka ito yung isang hint diyan, si coinbase ata ang nagwagi. Pero antayin pa rin natin yan at sana mas dumami pa ang available exchanges sa bansa natin.
Big news pag mangyayari ito, kawawa mga ibang crytocurrency exchange na local sa Pilipinas pag gagawa mismo ng susubsidiary company ang mga kilalang cryptocurrency exchange global like Coinbase or kahit na Binance, madami na ganito sa ibang bansa.
Malaking impact din ito sa cryptocurrency sa bansa natin, mas makikilala pa lalo ang Bitcoin or cryptocurrency pang nangyari ito.
Parang nakikita ko ay hindi hahayaan ng mga local exchange natin na mangyari yan kaya baka magprotesta yang mga yan tapos ang magiging deal ay dapat partnered sa kanila at itong mga local exchanges sa atin ang maging subsidiary nila.