Pero dahil dito, na realize ko tuloy na mas okay sa Binance p2p dahil mas maganda ang rate at mabilis naman din.
At least meron na akong Binance and coins.ph, more options mas mabuti.
Thanks nga pala sa inyo sa mga suggestions ninyo.
Mabuti naman at Ok na account mo sa Coins bro. Wala akong idea na e suspend pala nila yung account mo pag di ka nag comply sa enhance verification. Nag comply naman ako kaso rejected pero wala naman ng yari sa account ko, pero after ilang months ang dami ng hinihingi. COE, Certificate of residency, tapos hiningan ulit ako ng ID na may clear signature specimen daw. Kaya ayon napilitian akong gumamit nlng ng p2p sa Gcash. So far ok naman hinayaan ko nalang Coins account ko at minsan ko nalang ginagamit sa maliliit na tx lang.
Ingat2 lang din sa p2p kasi may mga scammers din. Check bank account or gcash lang before release ng funds.
Siguro dadating din ang araw na ma suspend account mo kabayan, yung akin, hindi naman na suspend again, it takes months pa bago nila na suspend pero sa awa ng Diyos, mabuti at nabalik na rin sa normal. Pero maganda talaga ang p2p in fairness, Binance to Gcash, mas madali.
Lock ko na rin tong thread na ito kasi okay naman na problema ko.