Weird, yung gantong scenario since hindi naman nila pwedeng i-reject yung transaction maliban na lang kung ibabalik nila kung saan nanggaling yung funds pero still magkaka-issue pa rin like kung sa gambling or exchange platform nanggaling yung funds, so basically mawawalan ng access si user dun sa ni-transfer nya sa coins.ph.
"Rejected Transaction" more like confiscated funds. Anyways, thank you sa pag-share neto, hindi ko pa na-encounter yung ganto at sa tingin ko hindi ko na gagamitin yung coins.ph ko when transferring crypto funds dahil dito.
Rejected transaction yung label nila pero nasa kanila ang funds, syempre medoy hassle din sa part ko kasi need ko pang i contact ang support ng exchange para mag message sa kanila, paano kung hindi nila gawin? syempre TY na ang pera, hehe.. saklap talaga.
Ano kayang reason kung bakit ang isang address ay na sanctioned?
Nasa TOS nila yan, maaaring may mga tainted coins at yun yung basis nila para sa isang exchange na i-ban ang sending address na yun. No choice naman sila kundi i-receive yun, yun nga lang iba-ban ka na din nila kahit mag comply ka pa sa kyc.
Isa pa, coins.ph kasi ngayon hindi na tulad ng dati. Masyado silang nag invest masyado sa ads nila kasama sa Miss Universe Philippines ba yun at pati na rin sa PBA pero ang service nila, hindi na kasing ganda ng dati. Account ko nagkaroon din ng note na kapag hindi ako nakapagcomply sa re-kyc nila by December iko-close nila, pero nag comply pa rin ako.
Dahil na rin siguro sa mga updated laws ng BSP kasi regulated lang naman sila ng BSP, hindi nila papahirapan ang customers nila kung walang directives sa supervising agency.
Kaya share ko lang to, lesson learned, ingat sa mga transactions, maagi p2p nalang siguro ng Binance.