Ako din gagamitin ko pa rin sila kahit na sinubukan ko yung hold USDC feature nila. Affordable amount lang naman dineposit ko doon at mukhang XRP lang naman affected dito. Antayin lang natin official statement nila o baka hindi na sila mag release niyan para makalimutan lang.
Mahirap din naman kasi gumamit ng iba lalo na nakasanayan na natin si coins.ph at tsaka napakaraming option ang offer nila lalo na sa pag cash out. Kaya sa ganung bagay ko nalang gagamitin si coins at hindi na ako mag iiwan ng malaking halaga since dumagdag naman itong kasalukuyang issue sa red flags nila. Pero tingin ko malalampasan din naman ito ni coins.ph since hindi naman sila maliit na platform pero yun ngalang ingat parin naman talaga tayo dahil di natin alam kung kailan sila mag down knowing malaking halaga din ang nawala sa kanila at ewan lang kung mababawi paba talaga nila yun.
Oo, huwag nalang mag iwan ng malaking halaga kung gagamitin siya. Base nalang din sa mga sagot nila, parang hindi talaga part ng plano nila na i-announce yung nangyari at nireport ng The Block.
Sinubukan ko lang ng one week yung USDC feature nila pero pinull out ko rin dahil mahirap talaga mag tago ng malaking halaga kay coins.ph since may issue talaga sila dati na pag close ng account na walang matinong explanation.
Mukhang malaking halaga ng USDC nga talaga yung nilagay mo kaya mahirap ipagkatiwala sa kanila. Mapapaisip ka sa weekly na kita mo o di kaya safety ng funds mo lalo na nangyari itong issue na ito.
Unless magagaya nila ang binance na naibalik yung nawalang pera baka hindi ganun kadami ang mabawas sa mga users nila, need kasi dito sa issue ng trust eh talagang mailabas mo yung pera nung mga nadamay, or kung ayaw mo mag admit na may nangyari ngang hack eh need ma-make sure na talagang my pondo at hindi mahihirapan mailabas yung perang naideposito ng mga users sa platform nila.
Sa ngayon, sila lang ang maaaring mag confirm nung insidente at kung anong action plan nila patungkol dito.
Hindi na nila siguro ibabalik yung nawala at automatic cover naman na nila siguro itong losses na ito. Wala pa naman akong nakitang user na nagrereklamo na nawala yung funds nila at isa sila sa nadamay sa nangyaring ito.