Parang malabo. Baka di rin ma-consider. Competition eh.
Maiba nga ako, out of curiousity lang, natanong na rin sa taas, paano mo nilolodan load wallet mo? Saka ano mga advantages? Di ito comparison sa coins.ph, gusto ko lang malaman kasi magtatayo kami ng tindahan sa probinsya as side income tutal sayang ang pwesto. Medyo mahina data dun or kung malakas man iba pa rin kapag puwede ka magload ng di na kailangan ng internet.
matanong ko lang kung bakit hindi mo ginagamit si coins.ph kung ang magpapaload ay smart number e kung globe naman yung mabagal sa loading para sayo? kasi mas makakatipid at makakatubo ka ng mas malaki kung si coins.ph ang ginagamit mo both network
Meron kasi sako smart retailer sim, sa Innoserve (dealer) ako nagpapa reload ng load wallet meron kasi office samin. Dati nag tetext lang ako sa agent kapag nauubusan ako ng panload. Ang advantage nya ay instant ang pag pasok ng load dahil nga offline sya unless may maintenance. Saka may mga direct promos na exclusive lang sa kanila.
Ginagamit ko lang yung globe eload sa coins.ph dahil nawala ko yung retailer sim ko na globe.
advice ko lang pala sa may mga balak ng offline loading business, iwas kayo dun sa mga One sim Load all networks. Sakit sa ulo yan, marami na akong na try na mga ganyan kaso binitawan ko rin, daming codes and gateway, etc. Tapos madalas error pa at matagal pumasok load kaya nag stick na lang ako sa mismong one sim, one network.