Yan din tanong ko nung nirequire nila ako for the 3rd time na magsubmit ng another KYC and video interview.
Iyong another KYC (via form) is parang update lang. Sa video interview talaga ako nabwisit kasi sobrang hassle. Imagine, di mo mapili iyong preferred date mo kasi full slot so need mo pa antayin talaga iyon bago ma-enable ulit cashout ko. And iyong 10 days period after interview, di rin nasunod. Ako pa nag follow-up tapos reply nila ok na so ibig sabihin baka matagal ng ok pero di nasabi agad.
Around December this year, sana naman wala na email na tatawag ulit or something. December 2018 kasi ako nakatanggap nun ng verification noticed para sa year 2019.