Not exactly. Malaking bagay din ang user experience. May mga usual concerns na di na need ng answer straight from coins.ph e.g how to withdraw via a) b) c) , sharing methods, etc.
Kung may tanong talaga na tingin mong coins.ph lang ang makakasagot then rektahin mo sila via contact support. Ang shinashare ng iba dito iyong experience nila and point of view if may pangyayari sa account nila. Di rin naman kabigat mga sagot dati nung representative nila dito. In general ang sagot (sabagay obvious naman kasi iyong sagot sa ibang tanong) tapos in the end, CONTACT US.
About Cebuana, di talaga ako nanghihinayang sa kanila. Kanila na fees nila. Lugi na nga ang users sa exchange rate ng coins.ph tapos papatungan pa ng malaking fees. Ramdam niyo ang bigat ng fees pag malakihan ang cashout. Ganyan sila kagarapal hehe. Naway makahanap ng ibang paraan iyong iba na ang concern is malapit sila sa Cebuana. Ramdam ko kayo kasi malapit din kami sa Cebuana pero matagal na ako nag stop sa kanila.
So ang matitira na "instant" cashout option is:
-LBC
-Security Bank EgiveCash