Dati meron. Yan si OP kung babasahin mo yung original post sya yung representative dito kasu balita ko nagresign na daw sya sa coins.ph. Tapos dati meron sila sa mismong app ng live messaging chat ngayon wala na din. Ang gagawin mo na ngayon ay mismong mag i e-mail ka na sa support nila kaya medyo hindi na okay yung support nila. Rereplyan ka lang nila agad nanatanggap na nila yung ticket mo pero yung regarding dun sa issue ang tagal bago mag reply.
Nung nagka issue ako sa Coins.ph dahil sa egivecash, hindi ko nareceive agad yung code, after ilang beses ko mag try makipag communicate sa kanila through chat na ang tagal sumagot, pinuntahan ko na sila sa Office nila mismo sa Ortigas Pasig since malapit lang ako dun. Kung paanong matagal sila mag reply sa message through chat, ganun din sa personal.
Nung dumating ako dun may mga empleyado sa labas nag picture taking since mag Christmas yun, nakita na nila ako pero dedma, walang pumansin sa akin kung ano pakay ko, tuloy lang sila sa picture picture nila. After 20 minutes kong naka upo na walang pumapansin lumapit na ako dun sa grupo na nag picture taking, duon pa lang gumulong ang isyu ko. Pagdating sa relationaship with their users, bagsak ang Coins.ph if you ask me.