Kapag verified address level 3 ka, 400k monthly tapos verified business naman more than 400k monthly cashout. Tanong lang may nakacashout na ba dito ng 400k monthly ung address verified? So ibig sabihin pwede magcashout sa coins.ph annual ng 4.8 million? Tama ba?
tama. pwede naman. depende na lang sa bank kung saan papasok ang cashout mong 400k a month. if your account is active, and hindi nila paghihinalaan yung account mo, walang problema sa cashouts from coinsph. sa bpi, union bank, at metrobank, wala pa naman akong problems. pero ang daming issue sa bdo.
nung 2015, walang problema sa bdo. doon ako usually nagtransact from 2015 to 2016, mapa cash in sa coins and cashout from coins. parang end of 2017 and this year sila naging nega sa deposits from coinsph.
just be ready to answer bank inquiries squarely and politely and everything will be alright.
Yes iwas tayo sa BDO. Sa ngayon BPI pa lang natry ko na mag cashout ng rektang Php 400k and all goes smoothly. Pero sa mga new accounts mas maganda kung sa unang deposit e medyo mababa lang para di alarming. Iyong sa akin kasi matagal na iyong BPI account ko at marami na rin akong napasok at nalabas na pera sa kanila although few times ko pa lang nagagawa iyong rektang Php 400k.
Level 3 is Php400k monthly and annual is Php4.8m ang iisipin na lang dito is kung walang mangyayaring problema sa side mismo ng piniling withdrawal option. At kung continous siya gagawin (for a year with Php400k monthly) talagang di maiiwasan na masisilip to kaya expect na may tatawag para sa ilang katanungan.
Iyong isang Legendary rank na nagpost dito if kung tama pagkakabasa ko did some P400,000 withdrawals every month pero nakareceived ng tawag sa BPI within few months na continous na paggawa nito. Alarming talaga kung sa buong taon e ganyang amount ang ilalabas. Banko lang din ang way natin para makapaglabas ng ganyang amount monthly so talaga di natin maiiwasan na matawagan nila tayo.
Pero gaya nga ng ginawa ng iba, maging confident at sumagot ng maayos sa kanila at walang magiging problema.
refresh ko lang ang experience ko...inaraw araw ko yung 400k... millions din ang nilabas ko, tinawagan ako ng bpi kasi hindi lang sa substantial ang amount na pumapasok, dahil na din sa hindi yun ang nakalagay sa customer info ko sa kanila(bpi)..kundi yung business ko noong 2013 ang nilagay ko sa source of funds at hindi ko nilagay ang crypto, besides nakakahiya/walang maniniwala/at walang kwentang tao/gawain ang tingin sa mga nagccrypto noon...end of december 2017 at early jan 2018 ako nag apply ng custom limits, dalawang beses akong natawagan ng coins.ph..siguro nagka redundancy lang sa part nila...ngayon may link sa coins.ph na pag apply sa custom limits..
kung na clear yung custom limits ko eh di nakabili ako noong nag dip sa 5k yung BTC..income sana ako ng millions pagbalik sa 10k ng btc...double the money...cleared na yung bpi/bank ko sa pagiging crypto trader ko yung coins.ph naman ewan, bagal...
pag nag attempt pa ako ng custom limits parang ika tatlo ko nang apply....wala naman nagyari noon hindi ako inupdate kung pass o hindi o kung may kailangan pang iba....siguro iilan lang ang may custom limits sa coins.ph..baka friends pa with the owners..sana may magshare dito kung may custom limits sila at ano ang experience nila..
anyway good job sa coins.ph kung mag aadd sila ng other crypto coins at sa bago nilang exchange...pero kung papahirapan ninyo ang mga traders na lakihan ang limits i can say mediocre service yan kasi ang gusto natin lahat dito ay yumaman..kung hindi tayo makakagalaw ng malaki wala din tayong malaking profit.
warning: malaki ang taya malaki rin ang talo...hindi lahat panalo.