May sarili talagang meter ng price ang coins.ph kasi napansin ko lang ito ha, nung presyo ng bitcoin ay nasa $2,250 something umabot ang sell ni coins.ph = P130k pero ngayon na tumataas na ulit yung presyo ni bitcoin at sa preev ay $2,378 sa coins.ph naman = P122k kaya sa discussion sa blog nila about sa price naguguluhan parin talaga ako haha at dapat mas mataas na ang selling rate. Pero sana maging stable na siya sa 120k.
Kakaiba nga ang coin.ph para silang may sariling mundo dapat ayusin nila system nila dahil kung ganyan sila nang ganyan maraming mga user ang magsisi alisan sa kanila dapat sundin nila kung anong tamang price para hindi magulp hindi naman talaga exact ang price pero dapat magkalapit. Maganda sana ang coins.ph pero sa pinapakita nila gahaman nasila sa pera niyang ginagawa nila.
may dahilan yung pag adjust nila ng presyo at para sakin ay tama lng yun kesa naman mwalan sila ng supply ng btc e di mas nagkagulo pa. tingnan mo yung blog nila, basahin at intindihin para hindi ka nag rarant xD
Boss naiintindihan namin na need talga ng adjustment pero ang samin wag sana sobrang layo ng adjustment from the actual market price. Katulad ng mga unang post ko dito pano naman ang mga low ballers lng na nasasaktan na sa transaction fee pa lng what more sa napakalaking difference nila ng conversion rate.
Actually, may alternative na sa coins.ph pero hindi pa nadidiskubre ng karamihang cryptocurrency users dito sa PH kaya di pa nau-utilize.
May ewalletph na. Di ka masasaktan sa buy or sell price ng pesos-bitcoin conversions dahil pesobit to pesos ang conversion na gagamitin. May visa card or mastercard ka pang magagamit if you request for one at mai-cashout mo sa banks yung nasa account mo. Nasa pilot testing pa lang ito pero at least, working na. And pesobit is still cheap now pero once na ma-utilize fully and pesobit, aakyat din ang price nyan. Marami akong hawak na various cryptocurrencies and maganda ang opportunity ng ewalletph through pesobit. At least hindi pa ganun ka-volatile ang price fluctuation ng pesobit so from there, lipat mo na sa pesobit wallet mo then convert mo na sa ibang crypto like bitcoin, ethereum, waves, zcash, etcetera na gagamitin mong pang trade
But like coinsph, regulated din yan ng banko central so may kyc requirements muna kayong dapat ipasa...