Pages:
Author

Topic: Coins.ph VS GCASH Money Making Tips - page 3. (Read 902 times)

legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
December 18, 2019, 10:48:32 AM
#12
Gusto ko sana mag invest jan sa gcash kaso umuutang rin ako sa kanila pag gusto ko mamili sa robinson.
Yung mga iniinvest dun mismo sa gcash pinapautang rin nila na may interest e pano kung hindi nag bayad yung mga pinauutangan nila?

Na yari nga ako sa due date ng load nila penalty ng 200 so ang gcash kumikita lang sa penalty yung interest is para sa loan naman.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 264
December 18, 2019, 10:45:19 AM
#12
Okay din ang pagpapaliwanag mo kabayan at makakatulog ito kung ayaw mong mag accumulate ng BTC o altcoins dahil sa takot na bumababa ang presyo ng mga ito. Hindi ko pa nasubukan na mag-invest sa Globe pre siguro sa susunod ay gagawin ko na ito.

Mas mainam talaga ang passive income kahit ito ay annual at may mapagkukuhanan sa oras ng pangangailangan.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
December 18, 2019, 10:40:50 AM
#11
Hi OP, user ako ng both platforms and I find GCash more convenient pagdating sa payment and money transfer. Hindi ko alam na malaki pala ang porsyentong bigay ni GCash mula sa nabanggit mo OP. Well, may pros and cons naman sila pareho ni Coins pero kung profit wise ang hanap mo, then invest kay GCash para kahit wala ka nang gawin.

Malaki ang 3.5 - 5%/yr. Halos talunin pa ang bangko ha.

Anyway, thanks for the information. Sana lang may link ka ng sources.
Ang liit naman ng percent ng tubo na yan kumpara sa ibang investment kung malaki ang ipapasok na pera malaki ang return pero kung sa obang investment yan ipapasok kahit maliit na puhunan maaaring lumaki kaya naman pero disadvatange at advatange ang pag-iinvest kaya mamili dapat kung saan ipapasok ang pera natin doon tayo sa safe na magandang return.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
December 18, 2019, 10:35:57 AM
#10
Sa tingin ko hindi na mainam mag invest ng pera sa Gcash dahil nitong nakaraan lamang maraming costumer ang nag reklamo sa kanilang mga balance na nawawalaat ang iba naman inaakusahan na ang kanilang pondo ay galing sa illegal nasa kinalaunan daw e inside job ang nangyayari . Kaya naman wala akong tiwala sa GCash,  at may nakapag sabi din na hindi na daw connected ang Gcash sa Globe. 
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
December 18, 2019, 10:21:31 AM
#9
Hi OP, user ako ng both platforms and I find GCash more convenient pagdating sa payment and money transfer. Hindi ko alam na malaki pala ang porsyentong bigay ni GCash mula sa nabanggit mo OP. Well, may pros and cons naman sila pareho ni Coins pero kung profit wise ang hanap mo, then invest kay GCash para kahit wala ka nang gawin.

Malaki ang 3.5 - 5%/yr. Halos talunin pa ang bangko ha.

Anyway, thanks for the information. Sana lang may link ka ng sources.
legendary
Activity: 2240
Merit: 1069
December 18, 2019, 09:17:28 AM
#8
Ngayon ko lang nalaman na may investment options pala sa GCASH. Maganda siya pang entry level sa mga gustong subukan mag invest. Pero siguro kung pang malakihan na ang ilalagay na pera, mas maganda kung sa stocks na lang. Sa ATRAM kasi TIME deposit ang pinaglalagyan ng pera so minimal lang talaga ang pwedeng maging interest. Pero kung sa stocks, kung naging maganda performance ng stocks mas malaki ang makukuhang interest.

Sa coinsph kasi maganda talaga magimpok ng btc and other altcoins sa gcash naman di pa pwede e.

Huwag po natin gawing storage ng crypto ang Coins.ph. Ang purpose ng coins.ph ay exchange. Kung gustong mag-ipon ng crypto, ugaliing gumamit ng wallet na hawak mo ang private keys.
sr. member
Activity: 882
Merit: 269
December 18, 2019, 08:39:08 AM
#7
Hindi ko alam na pwede pala mag-invest sa gcash at pwede pala kumita doon? At sino naman ang napakagtry na legit ba talaga? Kasi ako kung mag-iinvest sa gcash if mayroon ba talaga sa tingin ko iinvest ko na lang ito sa cryptocurrency na talaga dahil alam natin na lalago ang pera natin nang malaki kumpara sa ibang investment.
Oo meron na dun ngayon, need mo ata atleast ₱5 para magsimula or magumpisang magkaroon ng savings account sa gcash,  pero sa coinsph wala pa atang bagong feature na pwede ka magkaroon ng savings don. Di ko lang sure. Sa coinsph kasi maganda talaga magimpok ng btc and other altcoins sa gcash naman di pa pwede e.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
December 18, 2019, 06:19:31 AM
#6
Hindi ko alam na pwede pala mag-invest sa gcash at pwede pala kumita doon? At sino naman ang napakagtry na legit ba talaga? Kasi ako kung mag-iinvest sa gcash if mayroon ba talaga sa tingin ko iinvest ko na lang ito sa cryptocurrency na talaga dahil alam natin na lalago ang pera natin nang malaki kumpara sa ibang investment.
sr. member
Activity: 644
Merit: 256
HiringPinas
December 18, 2019, 05:57:36 AM
#5
Ang ganda ng pagkakapaliwanag mo tungkol sa gcash at hindi ko pa masyadong naexplore na pwede palang mag invest sa seedbox kasi ang pagkakaalam ko meron sila rin mismong parang bank style. Yung sa strategy mo na compounding interest, ganyan ginagawa ng mayayaman kaya mas lalo silang yumayaman kasi yung natutulog nilang pera mas lalong lumalago. Ang kinakatakot ko lang, meron kasing mga post sa facebook na biglang dinidisable yung mga gcash account nila.

May possibilities po talagang madisable o ban yung account, if nilabag nila ung TOS, ussually ang mga nababan lang naman ay nageenter ng details na di tumutugma sa KYC at if ung pera kinacash in ay may link sa money laundering. If ikaw ay may malinis na hangaring sa tingin ko wala kang need ikatakot. Isa pa pala sa pinaka importante bagay need mo ingatan ay ang iyong Globe sim kung saan nakalink ang iyong GCASH account. incase mawala o manakaw mainam ko ireport at magpapalit ng bago sa Globe stores or office.
sr. member
Activity: 644
Merit: 256
HiringPinas
December 18, 2019, 05:52:42 AM
#4
Please merit me incase you found this thread informative  Wink
Well, this is on the forum rule no begging merit. Hayaan mo sila kusang magbigay.

Sa thread mo na ito nagpapahiwatig na lamang ang GCASH kay sa COINS.PH pagdating sa kitaan? Maari din po ba ilagay ang link kong saan nakahayag ang anonsyo tungkol dito? Indeed, maraming salamat sa pag share. At kong meron lang ako deserving ito bigyan.

Wala pong official anonsyo tungkol dito, ito po ayon sa sarili kong experience using both apps. at napatunayan ko GCASH ang higit na mas pagtuunan ng pansin dahil sa kanilang INVEST features. if gusto nyon malaman more about GCASH at Coins.ph pede po nilang tingnan directly from their official websites.

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
December 18, 2019, 05:46:19 AM
#3
Ang ganda ng pagkakapaliwanag mo tungkol sa gcash at hindi ko pa masyadong naexplore na pwede palang mag invest sa seedbox kasi ang pagkakaalam ko meron sila rin mismong parang bank style. Yung sa strategy mo na compounding interest, ganyan ginagawa ng mayayaman kaya mas lalo silang yumayaman kasi yung natutulog nilang pera mas lalong lumalago. Ang kinakatakot ko lang, meron kasing mga post sa facebook na biglang dinidisable yung mga gcash account nila.
sr. member
Activity: 1932
Merit: 442
Eloncoin.org - Mars, here we come!
December 18, 2019, 05:44:05 AM
#2
Please merit me incase you found this thread informative  Wink
Well, this is on the forum rule no begging merit. Hayaan mo sila kusang magbigay.

Sa thread mo na ito nagpapahiwatig na lamang ang GCASH kay sa COINS.PH pagdating sa kitaan? Maari din po ba ilagay ang link kong saan nakahayag ang anonsyo tungkol dito? Indeed, maraming salamat sa pag share. At kong meron lang ako deserving ito bigyan.
sr. member
Activity: 644
Merit: 256
HiringPinas
December 18, 2019, 05:32:42 AM
#1
Hi Everyone,

Siguro marami nang nakakaalam nito, peo halina't talakayin if papano tayo kikita ng pera gamit ang dalawang app na ito Coins.ph at GCASH.
Halina't ating ikumpara at alamin kung asan mas mainam iinvest ang ating pera.

Coins.ph
- isa sa pinaka unang platform na nagproprovide ng serbisyo na may kinalaman sa crytocurrencies.
Maari kang magtrade ng bitcoins or any other alt coins at kumita sa buy low and sell high strategies.
Maari rin kumita gamit as bayad center for paying your bills or others bills.
Maari rin kumita sa pagbenta ng load.

GCASH - ay GLOBE CASH, Globe isa sa pinakamalaking kompanya sa pilipinas.
Maari rin kumita gamit as bayad center for paying your bills or others bills.
Maari rin kumita sa pagbenta ng load.
At ngayon maari naring kumita sa PAGIINVEST thru ATRAM or SeedBox but make sure i-fully verified ang iyong account to unlock this features.
sa halagang 50 PHP maari ka nang magstart maginvest at kumita kada taon ng interest mula 3.5% up to 5% or more depende sa service you unlock from survey you going to fill-up.
Imagine if makakapaglagay ka ng 100k maari kang kumita mula 3.5k to 5k yearly without doing noting in legit way.
Globe is one of the big company in the Philippines, so if nagdadalawang isip kang maglagay o maginvest ng pera sa GCASH dahil baka mascam ka, ito ay isang imposibleng mangyari dahil pangalan ng Globe Company ng nakasalalay. Imagine if makakaipon ka ng 1M (in 5 to 10 years or sooner) sa investment mo halos 50K yearly maaring mong kitain ng walang ginagawa. But still remember Investment risk is involve, so only invest you're willing to lose.

Conclusion:
For me mas mainam paring iinvest ang pera sa GCASH kaysa patulugin sa BANK na may interest lamang na 0.3 to 0.5% per annum or year. Mas nakikita ko din itong mainam na way iinvest ang pera kaysa sa Bitcoin or other altcoins dahil sa bilis ng pagalaw ng presyo at if di ka marunong mas mabilis mauubos ung perang iyong ininvest dahil sa pagkalugi.

Kayo anu sa tingin nyo? Icomment ang inyong palagay at magbahagi narin ang experience at katanungan. Halina't mamulat at magtulungan.
Please merit me incase you found this thread informative  Wink
Pages:
Jump to: