Pages:
Author

Topic: COINS.PH wallet limit ano masasabi nyo dito? - page 2. (Read 605 times)

full member
Activity: 431
Merit: 108
February 09, 2018, 09:51:59 PM
#46
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?
okey lang naman yung cash in at out nila ,hnd ko naman kasi kailangan mag withdraw ng sobrang laking pera in 1 day, pwede ka naman mag withdraw ng  partition eh, wag kana humanap ng ibang walllet mas trusted pa rin ang coins.ph .
full member
Activity: 218
Merit: 110
February 09, 2018, 04:52:47 PM
#45
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?
Mas madali kung mag pa level3 na lang kesa humanap ng ibang wallet ang tanong pag nag cashout ka coinsph pa din ang gagamitin diba kahit ako level 2 palang wallet ko pero dipa ko nakakaranas ng limit dahil di naman ganun kalaki ang kinikita ko at nailalagay ko sa btc wallet ay di kalakihan.
jr. member
Activity: 135
Merit: 2
February 09, 2018, 04:40:37 PM
#44
maganda narin siguro ang may limit. kahit papano another level of security narin yun para sa atin na mga coinsph user. tsaka hindi ko naman talaga problema yung limit kasi kahit nga kalahati dun di ko pa mareach hahahaha.
jr. member
Activity: 224
Merit: 2
Pastel Network
February 09, 2018, 04:23:24 PM
#43
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

no need to change bro, legit naman e. saka magpalevel 3 ka nalang para mas mataas na yung cash out mo. trusted naman na tong coin.ph e. kya no need to palit na Smiley
jr. member
Activity: 434
Merit: 2
February 09, 2018, 10:56:31 AM
#42
parang bank na pala yung coins.ph kasi meron na wallet limit? kasama na ba doon yung withdrawal? siguro meron na limit sa kanilang wallet baka mawala malaki yung babayaran nila.
full member
Activity: 224
Merit: 101
February 09, 2018, 09:58:16 AM
#41
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Madali lang naman magpalevel 3 ah? Anung problema? Unless yung ID na ginagamit mo ay hindi talaga sayo. May mga kakilala na akong level 3 gamit lang ang baranggay clearance. Medyo mahigpit nga daw ang coins pagdating dito kaya nakailang balik sila sa kani kanilang baranggay hall para dun. Simpleng rason lang tulad ng malabong seal ng baranggay hindi nila papayagan ehh. Pero ok naman dahil nga sa regulation ng bitcoin ngayon sa bansa, natural lang na maghihigpit talaga sila para iwas tayo sa mga taong nangagamit ng ibang ID.

Tingin mo ok lang ba kung xerox copy lang ang brgy clearance ko tatangapin din kaya nila? Nagamit ko na kasi ang brgy clearance ko noon sa pag apply ko ng work kya ang natira cerox nlng.

Dito sa lugar namin madali lang makakuha ng Baranggay Clearance and since napakahigpit na ng Coins pagdating sa mga verification, sa tingin ko hindi tatanggapin ang photocopy. Mas mabuti pa kung kukuha ka na lang ng bago, siguraduhin mo na lang na malinaw ang mga words lalong lalo na ang seal para maaprubahan agad nila.
full member
Activity: 390
Merit: 157
February 09, 2018, 08:29:04 AM
#40
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Gumagamit ako ng coins.ph pero gamit sa papa ko dahil level 3 na iyon level 2 lang kasi ako pero trusted na po kasi ito sa madaming kababayan nating Pilipino , saka sasusunod pa ako mag papasa ng requirement para sa level 3. Kaya sir/mam payo ko sainyo at ilevel 3 niyo na po yan para mas maayos ang sunod ko po kasing wallet at ang blockchain , pero ang trusted po talaga sa Ph o pilipinas at coins.ph.
newbie
Activity: 4
Merit: 0
February 09, 2018, 07:35:19 AM
#39
Okay lang naman yun eh..may dahilan naman kaya ginagawa nila yun para hindi mascam .
member
Activity: 182
Merit: 10
Business Driven CryptoCurrency based on Assest
February 09, 2018, 07:00:46 AM
#38
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Ang pangunahing goal ng coins.ph ay mastore natin ang pera natin para mag cash out at mag cash in. Ngayon, sa pag ca-cash in or out natin, nilalagyan nila ng limita para hindi tayo at sila maging biktima ng scam.

SECURITY
Ang seguridad ng pera natin sa coins.ph ay mahigpit nilang binabantayan. May mga level tayo upang mgaing ganap na na maging legal sa pag cash out. Para sa akin, walang kaso iyon. Kung tutuusin mas nakikinabang tayo duon. Tiyak na tayo lamang ang may access sa account natin at wala ng iba.

LIMITS
Ang pag lalagay nila ng limit ay maaring dahil ang pagcacash out ng malaking halaga ng pera ay maging kataka-taka. Kung halimbawa, ikaw ay 20-25 na taon pa laman at nag cash out ng 50k agad, magiging  malaking tanong ito sa branch na pagkukuhan ng pera. Dapat lang na magkaroon ng limits para hindi rin tayo nagiging kabilang sa mga scam victims.

VERIFICATION
Ang pag titiyak na tamang tao ang nag cacash out ay mahalaga. Bukod sa may sariling identity ay kilala din tayo ng pinagkukuhanan natin. Kung may komplikasyon, maari nila tayong matawagan or malapitan. Gasnun din sa kanila. Kung may glitch ay maari natin silang makausap.

Sana naging malaking tulong itong mga ito para maintindihan ang purpose ng mahigpit na patakaran ng coin.ph. Para din ito sa atin.
member
Activity: 227
Merit: 10
February 09, 2018, 06:55:44 AM
#37
Kung wala ka namang problema sa identity mo, madali lang magpa level 3. Kuha ka nalang brgy certificate para ipasa mo sa coins ph para maka lvl3 ka. Safety din kasi yan para di lang kung sino sino nagamit ng coins.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
February 09, 2018, 06:51:56 AM
#36
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Mas madalas syang ginagamit ng karamihan, mas convenient pati. SObrang accessible nya para sa ating mga nag BBTC. Para sakin ayos lang talaga yung higpit nila sa limit. Iwas scam na rin yun at hindi kaduda duda pag nag ccashout. Sa higpit naman ng security, nag bebenefit din naman tayo duon kasi sure tayo na tayo lang ang may access sa mga account natin. 
full member
Activity: 868
Merit: 150
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 09, 2018, 06:16:14 AM
#35
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Sa totoo lang di naman mahirap ang magpalevel 3.  Kailangan mo lang naman ay proof of billing or kapag hindi nakapangalan sa iyo ang mga bills nyo pwede kang kumuha ng certificate of residency sa  barangay nyo at iyon ang ipasa mo.  Maghihintay ka lang ng ilang araw at maaupgrade na ang account mo.  Sa akin tama lang ang ginagawa nila kasi sumusunod lang sila sa kYC at AMLA.

Tama at kahit naman di tayo sang ayon wala rin naman tayo magagawa kundi sumunod and this is the only way now to cash out. I heard may mga lumalabas na ibang wallet like coins.ph and it's just a matter of time na lang para magamit natin ito ng maayos. Maybe this kyc and limit is all part of the regulation of BSP.
full member
Activity: 546
Merit: 107
February 09, 2018, 05:31:47 AM
#34
Coins.ph na ang gamit ng karamihan dito kaya recommended at trusted na ito, okay lang naman kung may limit. Ganun lang talaga ang patakaran nila depende at depende ito sa level.
Tama. Mahirap din kasi pag walang limit, baga abusohin ng ibang tao ang coins dahil unlimited. Baka gagamitin nila ito sa mga masama o illegal na gawain like pang scam. Yan ang mahirap, kaya mahigpit si coins, dapat lang talaga ito pra din sa security ng mga coins.ph users.

Pag may ganitong limit, iwas scam talaga para maiwasan ang ang isang one time bigtime na na pag cashout ng isang tao na di natin alam kung saan galing ang pera na ipinasok nya sa coins.ph . Maganda rin ang may ganito o verification sa identity mo at residences para malaman kung sino at kung saan nakatira ang isanv naakusahang scam.
member
Activity: 295
Merit: 10
February 09, 2018, 05:24:04 AM
#33
Ang masasabi ko dito ay ok naman kung meron limit kasi d naman ako nag papa labas ng malaking pera . Pero sa malaking na papalabas ng pera ay mahirap kapag may limit yung cash out sa coins.ph.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 09, 2018, 04:57:33 AM
#32
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Sa totoo lang di naman mahirap ang magpalevel 3.  Kailangan mo lang naman ay proof of billing or kapag hindi nakapangalan sa iyo ang mga bills nyo pwede kang kumuha ng certificate of residency sa  barangay nyo at iyon ang ipasa mo.  Maghihintay ka lang ng ilang araw at maaupgrade na ang account mo.  Sa akin tama lang ang ginagawa nila kasi sumusunod lang sila sa kYC at AMLA.
newbie
Activity: 68
Merit: 0
February 09, 2018, 04:51:40 AM
#31
sumusunod lang naman ang coins.ph sa batas  ng ating bansa (anti money laundering law)kaya kailangan nila magkaroon ng limit on their cash in and cash out transaction. pero kung maipapasa mo naman ung mga needed nilang documents tataas din naman ang wallet limit mo..... the most important thing about coins.ph is registered exchanger siya sa SEC compare sa ibang exchanger ...
newbie
Activity: 5
Merit: 0
February 09, 2018, 02:50:39 AM
#30
para sa akin hindi ito maganda.kasi hindi siya convenient sa mga bitcoin users. Paano na lang kung may emergency at pagkatapos nasa coins.ph ang pera hindi nila ito makukuha agad-agad sa kadahilanan na may limitasyon.
member
Activity: 318
Merit: 11
February 09, 2018, 02:34:24 AM
#29
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

i thinking about that kabayan. tama rin naman may limit pero atleast naman kung may reason sila kung bakit may limit. baka hindi lang nila kaya imanopulate ang pag labas at pag pasuk ng pera kaya ginawa nila iyan. so just understand nalang. ang importante may lkmit nga pero makaka cush out kanaman ng paolit olit.
newbie
Activity: 150
Merit: 0
February 09, 2018, 02:09:07 AM
#28
Sa palagay ko mas ok na wala nalang limit ang amount na pwede macash in and out everymonth. mahirap kasi lalo na kung emergency gagamitin ang pera. for example, 10,000 nalang ang amount na pwede mo macashout sa month na to. tapos meron ka importante na pag gamitan ng pera na kulang ang 10k mo, pasasakitin pa ulo natin sa kakahagilap kung saan kukuha. yung iba mapipilitan pang mangutang sa 5/6 kahit may pera naman sa coins.ph. sana alisin na yung limit nila after magsend ng proof of verificationwhich is level 3. 
member
Activity: 252
Merit: 14
February 09, 2018, 01:52:20 AM
#27
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?
Wala na akong masusugest pa na wallet Coins.ph lang talaga maganda. Iupgrade mo yang Coins.ph acc mo sa level 3 para mas mataas ang limit kasi akin Level 3 na at I can withdraw 200k daily kaya yung earn ko sa mga bounty ez withdraw nalang kasi naiipon yang 200k daily pag hindi ka nagwithdraw.
Pages:
Jump to: