Hindi ko pa nasubukan pero interesado ako. Nagdadalawang isip lang ako baka kasi magkaroon ng issue same scenario sa mga nababasa ko sa ibang user na naranasan nilang issue sa coins.ph. Nakakatukso itong 10% interest per annum, na halos pumantay na sa interest rate ng Maya.
Yang 10% for February lang yan at normal niyan 5% per annum. Kung takot ka naman ok lang yan at ihold mo nalang yung pera mo o crypto mo na pambili niyan. Ako kasi may USDC na talaga akong galing sa Binance at trinansfer ko lang din.
Example 10k USDC ang ilagay, malaki agad makukuha weekly.
Ganito naman talaga sa mga staking at interest products, mas malaki ang deposit mo, mas malaki din ang earn mo pero yung risk nandun pa rin.
I just checked itong investment program ng coins.
Buy - 56.46
Sell - 55.67
Kung bibili ako ng USDC worth Php20k, ang USDC na makukuha ko ay $354.23
Sell value ng $354.23 = Php19,719.98
(loss agad ng Php280.02 dahil sa spread)
Ang 10% interest annually ng $354.23 is $35.42 or $0.68 (Php 37.81) weekly ang marereceive mong interest.
Para mabawi mo ang Php280.02 dahil sa spread, it will take around 7 to 8 weeks or 2months and 2weeks. Ang nakakalungkot pa, ang 10% interest annually na promo is only valid until Feb 29, 2024. Meaning, mas hahaba pa ang holding mo para mabawi ang lugi mo sa pagconvert palang ng USDC to PHP dahil sa layo ng spread.
If this is the case, much better ilagay ko nalang sa Maya savings or Gothyme, no need to convert to USDC, and walang fee sa pag cash-in.
Please correct me if may mali sa computation ko
After naman ng February, balik lang siya sa 5% kaya tuloy tuloy pa rin ang kita mo weekly. Ideal lang naman ito kung gusto mo natutulog lang pera mo at hindi mo gagamitin sa pag trade o pag spot ng mga bagong coins na bibilhin mo. Kung peso to USDC ang gagawin, may lugi ka talaga kasi may conversion. Ang advantage lang kasi ng may mga meron na talagang hinohold na USDC, no need to convert na at kung may natutulog kang USDC, dedeposit mo lang din naman. Pabor din ako sa gotyme at meron akong naka go save dun at 5% per annum din dun. Sa Maya kasi parang may limit yung mataas na rates nila.