Pages:
Author

Topic: Comelec Eyes Mobile App for Voting - page 3. (Read 489 times)

full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 20, 2020, 11:47:01 AM
#5
Sa dami ba naman ng downtime ng PCOS machine dati, tapos isama pa natin ung data breach ng COMELEC[1] nung 2016, tingin ba nila kakayanin nilang i-handle ung ganito? I don't think so. Probably i-outsource nila sa isang reputable na foreign company ung development(though may malaking risk rin to of course). Very risky move to be honest dahil sa nakikita ko ngayon mejo incompetent parin ang IT ng gobyerno.

[1] https://en.wikipedia.org/wiki/Commission_on_Elections_data_breach

Tama. Idagdag mo na din yung pinaggastusan nilang alleged mobile app ng mga info nung 2019 SEA Games.
Source: https://www.philstar.com/headlines/2019/11/23/1971224/alleged-sea-games-mobile-app-design-hit-amid-ceasefire-call

Madaming magagaling na IT ngayon sa bansa ngunit walang nakakaalam bakit ganoon kapangit at kaluma yung inilalabas na products and output ng gobyerno. Hindi naman ako naniniwala na walang kagalingan ang pinoy, sadyang masyado lang tinitipid ng gobyerno yung bagay na dapat pinatutuunan nila ng pansin paunlarin - ito yung modern technology. Basically kaya naman nilang gumawa ng mobile app at may mga pinoy namang mastered ang paggawa nito pati na rin ang security, ngunit sadyang tingin padin ng gobyerno is "makatipid" despite na anlaki ng pondong hinihingi nila sa bayan.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 20, 2020, 08:32:56 AM
#4
Very risky move to be honest dahil sa nakikita ko ngayon mejo incompetent parin ang IT ng gobyerno.

[1] https://en.wikipedia.org/wiki/Commission_on_Elections_data_breach

100% agree on this.  At isa pa lalong magkakaroon ng dayaan dyan.  Tataas lang ang bentahan ng mga mobile phones at mamahal ang presyo nito dahil obligado na ang lahat na bumili ng mobile phone.  Mas madali na ring manipulahin ang result ng halalan.  Sa ngayon, with the capacity at capability ng Technology ng Pinas, hindi pa kayang iimplement ang ganitong mga proyekto.   Kahit na ioutsource nila ito sa mga capable na company sa ibang bansa,  hindi pa rin tayo nakakasiguro sa credibility na mangyayari sa halalan, like dun sa possible na dayaan na ngyari noong nakaraang halalan, in just a simple script nabago resulta ng election.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
February 19, 2020, 10:59:40 PM
#3
Sa dami ba naman ng downtime ng PCOS machine dati, tapos isama pa natin ung data breach ng COMELEC[1] nung 2016, tingin ba nila kakayanin nilang i-handle ung ganito? I don't think so. Probably i-outsource nila sa isang reputable na foreign company ung development(though may malaking risk rin to of course). Very risky move to be honest dahil sa nakikita ko ngayon mejo incompetent parin ang IT ng gobyerno.

[1] https://en.wikipedia.org/wiki/Commission_on_Elections_data_breach
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 19, 2020, 09:19:03 PM
#2
~
Dahil nga hindi pa lubos na napag aaralan ito, may mga nakikita pa akong cons nito kaya mahirap siyang iapply dito tulad ng hindi lahat ay kayang gumamit ng technology, hindi lahat kaya makabili ng sariling cellphone, at yung sa cellphone ka lang boboto, sa tingin ko hindi papayag ang karamihang Pilipino. Unless yung comelec ang makapag provide ng material para makaboto sila. Kayo, ano ang stand nyo?
Hindi naman mag-full transition yan from physical electronic voting into 100% mobile app voting kaya huwag ka maging concern sa kung sino ang may cellphone o wala. Option lang yan para mas tumaas ang bilang ng mga boboto at gaya ng nabanggit, ang aim nito ay para sa mga OFWs na hirap magpunta sa mga polling precincts overseas.

After yung mga flaws na na-expose about Smartmatic at yung pilit na pagtatanggol sa kanila ng Comelec, I can't say I'm happy to read this news. Yes, it will be convenient and faster for people to cast their votes pero mas prone ito sa cheating/hacking lalo na at walang nasabing paper back up to verify votes later on kung kakailanganin.

Two years pa bago eleksyon (siguro may mahigit isang taon pa to complete testing at makuha approval ng Pangulo), pero huwag na nilang madaliin. Pwede pa siguro yan sa 2025 with blockchain voting na.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
February 19, 2020, 08:13:26 PM
#1
Nakaraang araw lang ay gumawa ako ng topic patungkol sa India na kung saan nagbabalak silang gumamit ng blockchain technology sa botohan sa kanilang election. Alam naman natin na pwede talaga magamit ang blockchain sa ganitong purpose pero hindi parin alam ng lahat ang tungkol dito.
https://bitcointalksearch.org/topic/m.53865449

So habang nag sesearch ako ng information about sa topic na ito, nakita ko ang balitang ito.
Source:
https://newsinfo.inquirer.net/1223141/comelec-eyes-mobile-app-for-voting

Ayon dito, ang comelec ay nag aaral sa posibilidad na mag develop ng mobile app kung saan pwedeng makaboto Ang mga tao. May mga developers na nag offer para matest ang kanilang application pero pag naaprubahan ito, kailangan pa gumawa ng panibagong batas para dito.

Hindi ko lubos na maisip kung ano ang kahihinatnan nito. Pero sa ngayon mukhang malabo pa mangyari ito dahil wala pang binabalita tungkol sa specific details ng app. Hindi rin nabanggit ang paggamit ng blockchain technology pero mataas pa rin ang chance na magagamit ito.

Jump to: