Gusto ko sana malaman kung hanggang ngayon di magkakaroon ng issue pag nag p2p trade ako sa binance papuntang Unionbank account ko. Usually kasi sa coins.ph ako nagcoconvert ng crypto to php kaso napansin ko na napakababa ng rate nila sa USDC/USDT to PHP kumpara sa rate ng binance p2p. Sa mahal ng bilihin ngayon, sayang din yung price difference na 100 pesos kung iipunin mo sa bawat transaction.
At parang ang tugon ng Unionbank nun ay crypto friendly daw sila at meron lang misundestanding sa branch na kung saan parang nabigyan ng red flag yung depositor nila dahil galing nga sa Binance. Ang mainam dyan, tumawag ka sa mismong branch mo para mag inquire.