Ok lang naman ang investing kaya lang sa mga taong gusto kumita sa mabilisang paraan invest lang in invest kahit na di lubusang kilala at pinag aaralan ang pag iinvest-an nila kaya marami ang na i-scam pag dating jan dahil na eengganyo agad sa ganyang paraan dadaanin ka sa sales talk ng mga scammers..
Actually nagtanong ako about jan sa NewG na yan. Dalawang friend ko sa facebook ang sumali jan. (pareho silang naglaho bigla nung ayaw na lumantad nung Arnel err)
Sabi nung isang tinanungan ko, buy and sell daw ng kotse, motor etc. So walang kinalaman sa bitcoin.
Yung isa naman, pinangrerenta daw ng bitcoin mining rig ung pera. Pero di ako naniniwala e. Kasi isipin mo. 50k mo gagawing 55k in 16days.
E mismong mga miner na kilala ko sinasabing 6months ang madalas na ROI sa mining e.
Yun ang madalas na problema sa ating mga Filipino.
Kulang sa research, gusto lagi mabilis na pera. Hindi na tayo natuto sa totoo lang.