Mabigat na ang buhay sa lockdown dapat magamit ng tama yung mga dagdag kapangyarihan para makatulong sa mga nangangailangan.
With almost a week of lockdown masasabi ko na walang pa silang maayos na plano, dapat last week palang mayroon na tayong roadmap sa gustong gawin ng administrasyon pero wala. Isang ebidensya na hindi nila alam yung gagawin is nung nagkaroon tayo ng Enhanced Community Quarantine and after nun madaming variations ng LGUs na hindi tugma sa gusto ng pangulo. Doon palang alam mo na wala ng maayos na plano para labanan itong epidemia na ito.
Ang nakaka-asar kasi dito masyadong busy ang gobyerno natin magkaroon ng mas malakas pang power sa crisis na ito sa sobrang busy nila wala pa silang binabanggit about mass testing and how they will provide basic goods para naman sa mga nawalan ng kabuhayan. Ito dapat ang inu-una nila hindi yung pag-dagdag ng power sa presidente. Pero sige i'll give them the benefit of the doubt kung paano nila gagamitin yung funds na ito and kung ito nga ay gagamitin para sa pag-bigay ng basic goods at mass testing.