As expected, 500 + na sya at mas tataas pa yan dahil simula ng bumalik ang mga resulta ng mga nakaraang tests for COVID-19. Tipid tipid muna hindi natin alam kung hanggang kelan to lalo pa pumalo na sya sa 501. Naka pag unload na akong ng Bitcoin ko kasi mauubos na yung food sa bahay, mas magastos pala pag kumpleto sa bahay compared sa nasa work.
tama kabayan mas magastos na kumpleto sa bahay at mas magastos pag nakakulong lang sa bahay kasi bawat galaw eh kakaen or mag hahanap ng makukotkot.
mga anak ko na halos hindi maubos ang niluluto ni misis noong may pasok ngayon halos doble na ang prepare ni misis eh kulang pa,plus mga stocks na chips,biscuits ,crackers and cookies grabe ubos.
pero masaya ako dahil nakikita namin ang Bonding nila kasama na din kaming mag asawa.bagay na pinagpapasalamat ko na din na nagkaron ng ganitong pangyayari though hindi ibig sabihing masaya ako dahil maraming namamatay at nagkakasakit dahil napakahirap at sakit ng isa tayo sa mga mahawa.
Dalangin kong lahat ay makinig,sumunod at makisama muna kahit sa Lockdown season lang para malabanan at mapagtagumpayan natin ang Corona Virus na ito.
Medyo halang ang opinyon ko dito, kung sabagay kasi depende pa rin yun, ako kasi sanay ang katawan ko sa once or twice na pagkain and bago pa lang din uuwi asawa ko dahil bago lang nagissue na wala silang pasok sa bangko.
Matipid ako dahil tamad. As long as na may internet ako sa cellphone solve na ako, or may mga anime ako sa laptop. Medyo hindi din ako bored kasi may mga naka handa akong ebooks about programming, kaya once na sinipag basa basa aral kunware.
Pero kung madami kayo sa bahay tapos ikaw lang nagtatrabaho nakakastress at nakakasira talaga ng budget. Wala tayong magagawa, kesa naman mahawaan tayo, mas lalong perwisyo.