Ano ano ba talaga ang mga kailangan para mas maintindihan ng ibang tao or Non crypto people ang Cryptocurrency..?
Alam mo, ang mga kapwa kasi natin, hindi lahat ha pero karamihan ay takot sa risk. Kaya hindi natin sila mapipilit kung ayaw nilang mag-invest o alamin man lang ang tungkol sa cryptocurrency. At kung mayroon ng parang taboo sa isipan nila na scam ang bitcoin, et. al, ay hindi yun basta basta magbabago. Kaya kung ako sayo, hayaan mo nalang ang curiosity nila mismo ang mag-kick in para sila mismo ang gagawa ng paraan para mag-research.
Pero gusto ko sana malaman paano ba talaga maiiwasan ang disadvantage ng cryptocurrency.
gaya nlng ng Madali lng i compromise ang isang account na mayroong cryptocurrency using click bait or Pishing site.
Hindi ito disadvantage ng cryptocurrencies. Ito ay nangyayari rin sa iba, lalong lalo na sa mga bank accounts. Hindi pa kasi lubos na educated ang mga kababayan natin patungkol sa cyber security. Kaya may malaking role dito ang government natin na dapat sila mismo ang mag initiate. Pero katulad nga ng sinabi ko kanina, tungkol sa curiosity. May mga kababayan tayo, madami dami din sila na wais. Ma hack o ma scam ng isang beses, hindi na uulit at natututo na mag-activate ng 2FA thru Google Auth o Authy at pati na rin SMS at email 2FA. Meron naman na wais din na natututo sa experience ng iba at hindi nila hinahayaan mangyari yun sa kanila. Kung kaya nagtatanong sila at ginagawa yung mga payo sa kanila ng mas nakakaalam kung paano umiwas sa mga ganyang website at tulad nga ng quote sa GMA 7, "think before you click".
pangalawa sa side ng gobyerno natin isa din siguro sa iniisip nila bakit hindi maipasa ang adoptation ng cryptpcurrency dito sa atin ay baka kasi pde din itong magamit ng mga corrupt na official ang blockchain and cryptocurrency sa pag tatago ng Mga ill gotten wealth nila. Since almost anonymous ang trasAction sa Cryptocurrency..
Para sa akin lang, kung tutuusin yung mga corrupt officials, wala silang pakialam sa technology na ito at hindi nila iniisip kung maitatago nila yung kayamanan nila sa pamamagitan ng cryptocurrencies. Kasi may teknik din silang ginagawa na ipapangalan lang sa ibang tao yung bank account nila. Basta sa corruption na yan, bihasa talaga sila kaya hindi na nila iniisip yung ganyan pero posible ngang mangyari yung sinasabi mo. At para sa adoption naman, aprub naman si BSP sa crypto kaya nga may license ang mga exchanges na nago-operate sa bansa natin kasi sila ang nagbibigay nun.