Pages:
Author

Topic: Crypto airdrop seminar - page 3. (Read 464 times)

hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
May 04, 2024, 07:15:25 PM
#5
Ngayon ko lng nakita itong post https://www.facebook.com/1557586484/posts/10232156531806843/? sa facebook regarding crypto airdrop seminar. Natawa lang ako ng mabasa ko na kahit pala airdrop ay sineseminar na din and mostly ay nagbibigay lang sila ng referral code para tumaas yung reward nila.

Sobrang effective nito sa bansa natin since madaming sunod sa uso kahit walang further verification sa link na pinoprovide.

May mga sumasali ba dito sa ganito? May mga ganito pa dn ba?  Grin

Para sakin lang wala namang problema talaga sa ganitong seminars kahit manghingi pa sila ng bayad basta ba hindi generic information ang ituturo nila at may 1 on 1 back up teaching sila dun sa mga nag avail ng services nila para may matutunan talaga ang mga tao.

Kasi paghihirapan din ng mga taong nagturo yun at kakainin ang time nila tsaka magbabayad din sila sa venue  kaya goods parin if mag ask sila ng bayad basta ba maganda lang yung return nito sa mga nag avail at wag nila pabayaan dahil once natuto din naman yung mga tinuroan nila ay kikita sila ng mas higit pa.

Pero kung basic information lang at ang intensyon nilang ituro ay kabulastugan lang talaga yun. At hindi pa ako na impress sa mga taong nag conduct ng ganyang seminars since yung mga nadaluhan ko which is free lang din naman ay puro basic information lang talaga ang tinuturo. At nasayang lang oras ko sa pagdalo sa mga yun.
member
Activity: 532
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
May 04, 2024, 06:00:03 PM
#4
Ngayon ko lng nakita itong post https://www.facebook.com/1557586484/posts/10232156531806843/? sa facebook regarding crypto airdrop seminar. Natawa lang ako ng mabasa ko na kahit pala airdrop ay sineseminar na din and mostly ay nagbibigay lang sila ng referral code para tumaas yung reward nila.

Sobrang effective nito sa bansa natin since madaming sunod sa uso kahit walang further verification sa link na pinoprovide.

May mga sumasali ba dito sa ganito? May mga ganito pa dn ba?  Grin

     Ngayon lang yan dahil kumg sino man may pakana nyan ay isa lang ang dahilan, at yun ay samntalahin ang bull run na ating hinaharap ngayon ilang buwan mula sa mga oras na ito. Sinasabay lang nila sa hype, at sinasamantala lang nila.

     Dahil alam kasi nilang madaming mga pinoy sa Facebook ang mga gullible at mangmang parin sa crypto na madaling maniwala sa ganyan lalo na kung libre ang front nila then in the end  gagawin nilang way yun para pagkaperahan nila ang mga bibiktimahin nila.
legendary
Activity: 2884
Merit: 1258
Up to 300% + 200 FS deposit bonuses
May 04, 2024, 01:37:04 PM
#3
Ok lang sana magpost ng referral and then iyong mga instruction but airdrop magkakaroon ng seminar?  Parang isang malaking gimik yata ito para pagkaperahan.  In a sense as source of income, isang malaking diskarte ito para pagkunan ng pera, hindi ko lang alam kung maraming tao ang kakagat sa ganitong klase ng seminar dahil ang information tungkol sa airdrop ay nagkalat sa internet.

Hindi ko mapicture out kung paano nila bibigyan ng content ito ng may additional information at knowledge besides sa mga instructions ng mga nagbibigay ng airdrop.   I read na 3k pesos ang ticket...  natawa nga ako sa mga comment dun sa link and then ang daming nagpost ng mga libreng seminar about airdrop panira ng diskarte hehehe.

Kayo guys aatend ba kayo ng airdrop seminar for Php3k?  Magtiyaga na lang ako ng kakasearch sa YT at kay google, sayang din iyang Php3k pang gas na rin yan.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 425
May 04, 2024, 12:44:01 PM
#2
Nakita ko na rin ito sa Facebook at sa mga social media in fact naging issue pa nga ito kung hindi ako nagkakamali dahil airdrop na lang ay ginagawan pa siya ng seminar, I mean sa opinyon ko naman wala naman talagang problema sa mga seminars about airdrop in fact magandang tulong pa nga yun para maturuan ang mga kababayan naten dahil alam naman naten dito na malaki rin talaga ang pera sa airdrop kung alam mo lang ang ginagawa mo at matagal kana sa cryptocurrency space, malaki na rin siguro ang nakuha mo sa mga airdrop, kaya maganda rin ito kung ituturo naten kahit na research research lang itong airdrop pero pera talaga ito kung suwertehin ka, ang pinkaissue lang naman talaga dito ay sa mga seminars, dahil yung mga seminars na yun ay mayroon pang bayad which is sobra rin naman talaga sa tingin ko dahil research lang naman talaga yun at kelangan mo lang din maging updated sa mga nangyayari sa mga bagong projects.
hero member
Activity: 1022
Merit: 525
🇵🇭
May 04, 2024, 10:44:23 AM
#1

Jump to: