This is my new year's resolution.
Wala na akong hinahangad na
pang-sarili lamang sapagkat
lahat ng personal na kagustuhan ko ay nakamit ko na. At sa tingin ko wala ng papantay sa samahan dito sa isang community kesa sa bagay na materyales lang. Ang punto ko dito, ang samahan na nabubuo sa pamamagitan ng pag-post ay siyang palagahan natin ng sobra.
Kaya ang tanging new years resolution ko lamang ay mas lalo ko pang pagbubutihin ang pagpopost ng mga magaganda at may kalidad na post dito sa forum. Paninimulan ko ang pagpapalaganap ng mga magagandang post upang karamihan sa atin ay ma-inspire at mamotivate na mas maging active at gumawa ng may kalidad na posts. Nasimulan ko na ang paggawa ng mga magagandang thread at may kalidad na content pero sa tingin ko ay hindi pa sapat yon at kailangan pa nating pagbutihin para ma-attain ang international quality dito sa ating local.
Isa rin ay ang pakikisama sa ibang tao, dahil karamihan dito ay kakilala ko lamang pera 'no string attached' talaga, kausap lang sa forum ang turing ko. Kaya sisimulan ko na rin ang ugali na makisama lagi sa ibang tao. Mas narerealize ko na tayo tayo nalang din andito, mas masarap kung tayo tayo din nagtutulungan para mas umangat pa ang ating local. Pero syempre hindi ko kakalimutan na ang regulasyon ay dapat pa rin sundin, at sana ibang tao ay di rin makalimutan ito para mas ma-maintain ang kaayusan sa forum.
Aminado ako na, marami pa akong bagay na hindi alam dito at kung may malalaman man akong bago, agad agad kong ilalathala sa local natin para mas dumami ang kaalaman natin. Marami na akong nagawang tutorials, guide, at experiences na nai-share simula 2018 at hanggang ngayon ay gumagawa pa rin ako ng mga quality threads at ipagpapatuloy ko pa lalo ngayong padating na 2020. Expect more, quality contents ang habol natin, we should level up always, huwag magstick sa mga nakagawian kasi hindi tayo mag iimprove. We need to develop and develop kasi nga yolo, minsan lang 'to at para mas marami tayong ma-experience sa buhay. Mas palaganapin natin ang paggamit ng cryptocurrency at ang makabagong teknolohiya kasi ito ang magtataguyod sa atin!
Gusto ko rin na lahat tayo ay magkaroon ng pagkakakilanlan pagdating sa mga international sections, may naiisip akong idea na gumawa ng isang grupo at makikilala yun ng mga sikat ding tao sa international, upang magsilbing magandang reputasyon natin yon. Sa pamamagitan non, mas mapapadali ang ating mga magagandang agenda sa forum lalo na sa ating local. Kaya sana pagbutihin pa ng lahat ng pinoy dito, iwas politika, huwag gamitin ang posisyon para ituring na mataas ng ibang tao, magpakatotoo at maging karesperespetado na member ng forum na ito.
Happy Holidays sa inyo! <3