Mauutak din yung ibang participants sa sig campaign na to, style nila mag tago sa local boards nila at doon mag bu burst post at mag spam kagaya ng Russian at Turkish boards dahil alam nilang medyo mahirap malaman if spam yung post nila o hinde maliban nalang kung itranslate isa isa sa GT.
May mga reporter every locals, alam mo naman ang mga miyembro dito sa Bitcointalk, very vigilant at nagpapalakas yung iba,then iyong iba naman utak talangka
. Iyon nga lang, kapag nareport ka ng unjust (utak talangka), medyo mahirap patunayan na hindi ka nagsspam kasi nga local language.
Sana very vigilant lahat para sa ikabubuti ng forum at hinde ginagawa para sa pansariling interes lamang at hinde maging utak talangka!
^ Iniiwasan ko mag-kumento dahil nasa parehong signature campaign pero may katotohanan din naman yung tungkol sa basa pamagat at comment agad style.
Totoo yan! Sana pag igihan pa nating lahat makapag post at ilahad ideya o opinyon natin ayon sa topic.
@bitsurfer2014 pwede ka mag-report ng kahit sino sa amin na sa tingin mo ay burst posting, spam, o kaya naman ay necro-bumping na ang ginagawa.
So far wala pa naman ako nakitang ganun dito sa local board, napansin ko lang dun sa Russian at Turkish local board natin.
Maaring di malaman nila Yahoo na spam iyon pero tingin mo ba walang reporter na Pinoy? Tandaan mo maraming gusto umangat if na-gets mo ang ibig kong sabihin hehe. Kahit tayo-tayo nandito at nakakausap natin ang isat-isa na akala mo ok kayo iyon pala nareport ka na.
Ganyan ang galawan dito sa locals kahit nung time na wala pa kayo. Kapwa Pinoy ang nagrereport.
Wala pang own section ang Pinas nangyayari na yan. Kaya yang sinasabi mong mautak iyong iba dahil dito nagpopost eh di yan ubra dahil maraming mata at CCTV dito.
Haha! Tama yan! Sana hinde naman maging utak talangka tayo kagaya sinabi ni @serjent05. Don't get me wrong pero wala akong sinabi dito sa local board natin kundi sa Russian at Turkish boards
Kung may mang rereport man, sana maging objective yung report at fair din.
Mauutak din yung ibang participants sa sig campaign na to, style nila mag tago sa local boards nila at doon mag bu burst post at mag spam kagaya ng Russian at Turkish boards dahil alam nilang medyo mahirap malaman if spam yung post nila o hinde maliban nalang kung itranslate isa isa sa GT.
Don't be so harsh to our fellow kababayan. Actually, wala naman akong nakikitang masama kung most of Filipino Cryptotalk campaign's participants choose to post here more often because they are not violating any rules first and foremost. About sa tingin mo naman na nagsisilbing safe haven itong local board natin para sa mga spammers/sh*tposters/burstposters, free to report them since it's our obligation as members of this forum to not tolerate such kind of act. Just make sure lang talaga na nasa katwiran ka hindi lang dahil sa naiirita ka sa mga nagkalat na signatures ng cryptotalk. Besides, we have moderators here and I'm sure naman na hindi sila nagpapabaya.
Haha, Guys kung nabasa niyo previous post ko wala akong nabanggit patungkol dito sa local boards natin na ganyan kaya pano ako magiging harsh eh hinde nman kapwa Pinoy tinutukoy ko? Binangit ko dun Russian at Turkish boards. At tsaka bilib naman ako sa kakayahan nating mga kapwa Pinoy na mag English, kaya walang dahilan para magtago sa local boards.
Sana naman wag tayong maging onion skin kaagad. Kung meron mang kababayan nating gumagawa nyan dito, eh sana magsilbi itong babala o hint dahil marami talaga nag rereport at isa pa taga dito yung bounty manager at malalaman at malalaman din nya yan kaagad.