May bago nanamang pautot itong taong ito, yung virtual real estate. Dahil tapos na yung hype nya sa xian coin niya, meron nanamang surreal real estate parang inspired ng land ng Axie Infinity. Kawawa ulit yung mga kababayan natin na naha-hype sa mga pinagpopost niya. Entertaining siya sa mga issue pero pagdating sa mga pera at investment mas mainam na iwasan nalang talaga. Tinatandem niya sa Xian Coin kaya paulit ulit nalang yan at pagbenta ng supply na mula sa hangin lang eh.
Actually yung pubs na nirelease niya is kopya kopya yung farmville, talagang parang gusto ng easy money nitong xian na 'to, di man lang pinaghandaan bago iannounce. Tsaka considered as plagiarism yun since existing game yung farmville then kinopya yung pubs non, doon palang dapat hindi ka na magtiwala eh. Tsaka ang nakakapagtaka, ang pwedeng gamitin lang sa pagbili ay ang XIAN COIN which is sobrang sketchy na nga nung coin, centralized then yung game mismo, wala pang masyadong progress pero grabe na sa hype.
Mas oks sana kung progress and beta first bago manghype kaso ginagamit ang social media status para mang-fomo ng mga taong walang kaalam alam sa crypto.
Yun nga eh. Kopyang kopya sa farmville tapos yung way of earning nakakuha din siya ng inspiration sa land ng Axie Infinity. Wala ng magbabago sa taong yan at hanggat may maloloko yan, lolokohin niya kahit na kasentimo ng mga taong nakikinig sa kanya, wala yang pakialam. Kahit magkaroon pa yan siya ng magandang game play at progress, sana walang mag invest kasi kuha na style niyan sa mga taong niloloko niya at mas maraming mga pilipino na ngayon ang matuto sa mga nakaraang pangs-scam ng taong yan.
May bago nanamang pautot itong taong ito, yung virtual real estate. Dahil tapos na yung hype nya sa xian coin niya, meron nanamang surreal real estate parang inspired ng land ng Axie Infinity. Kawawa ulit yung mga kababayan natin na naha-hype sa mga pinagpopost niya. Entertaining siya sa mga issue pero pagdating sa mga pera at investment mas mainam na iwasan nalang talaga. Tinatandem niya sa Xian Coin kaya paulit ulit nalang yan at pagbenta ng supply na mula sa hangin lang eh.
Nakakalungkot isipin ang mga taong naging parte ng hype na ito, dahil kalaunan mauuwi lang sa wala ang kanilang ipinundar na pera dahil yang virtual real estate ay walang katutuhanan. Palabas lang nya ang ganyang proyekto upang paniwalaan ng tao, wala rin itong pinagkaiba sa dating sumikat na kapa investment scam. Malaking dagok ito sa bansa natin lalo na at naka basi itong taong ito dati sa pilipinas at ngayun nagsisimula na rin mangloko sa ibang bansa sa Asia. Kaya dapat lang na malaman ng buong mundo ang tungkol sa taong ito para wag na maka pang biktima ng iba pang inosente.
Panigurado, bagsak lang din ang kahihitnan niyan tapos baka maglabas pa yan siya ng video para sa mga bashers na as if na napakaganda ng project niya. Kaso nga lang eh, mula palang sa simula style na niya yan at s-scamin lang niya mga investors. Kawawa yung mga naloloko nating kababayan na hindi open ang mindset.