Pages:
Author

Topic: Dapat pa bang pagkatiwalaan ang mga Pinoy? - page 12. (Read 1901 times)

full member
Activity: 378
Merit: 101
October 28, 2017, 01:51:26 AM
#21
lahat naman ng tao di makapag titiwalahan kapag di natin kilala eh kahit ano payan pinoy oh ibang lahi hindi lahat ng scammer ay pinoy madaming din scammer sa ibang lugar kung sabihin mo lahat ng pinoy di makipag tiwalahan parang sinabi mo narin pati ikaw di pag katiwalahan nasa tao talaga yan
newbie
Activity: 7
Merit: 0
October 28, 2017, 01:47:37 AM
#20
Maliban na ang mga Pilipino ay magkaroon ng tama at totoong relasyon sa Diyos, mapagkakatiwalaan mo sya. Bagama't talaga namang talamak sa mga Pinoy ay corrupt at mandaraya peru meron pa ring mapagkakatiwalaan lalo na kung alam niyang laging may nakamasid sa kanya at hindi pwedeng itago ang ginagawa nya. Marami pa ring Good Samaritan sa Pilipinas kahit naghihirap. At ang bitcoin pwedeng maging dahilan upang ang mga Pilipno ay mapagkatiwalaan, basta gamitin ito o ung kita sa maayos na paraan o paggamit.
member
Activity: 112
Merit: 10
October 28, 2017, 01:38:54 AM
#19
Dumarami na ang nababalitang sariling kababayan iniiscam, ganyan na ba talaga tayo? sariling kababayan pa ang sisira sa ikauunlad ng kaparehong lahi? So dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang sarili nating mga kababayan?

Para saakin, mas maganda kung ibibigay mo lang ang iyong tiwala sa isang tao kapag nakasama mo na ito ng matagal. Ngayon kung hindi mo pa nman ito maysadong kilala o maliit na panahon pa lamang kayo nag sasama , mas maganda kung di mo muna sya pagkatiwalaan, alam naman nya siguro ang dahilan mo dahil magkababayan kayo, alam nya ang hirap , alama nya na mraming nang iiscam na pinoy. Kung matalino syang tao, maiintindihan ka nya.
member
Activity: 100
Merit: 10
October 28, 2017, 01:01:19 AM
#18
Dumarami na ang nababalitang sariling kababayan iniiscam, ganyan na ba talaga tayo? sariling kababayan pa ang sisira sa ikauunlad ng kaparehong lahi? So dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang sarili nating mga kababayan?
Totoong maraming naiiscam pero siguro di iyon sapat na dahilan para di pagkatiwalaan ang mga pinoy. Di na mawawala ang mga taong may masasamang intension sa kapwa. Mas marami parin sa mga pinoy na mapagkakatiwalaan. Kailangan lang natin na mas magingat para di tayo maloko. At mas maraming pinoy ang nagnanais na umunlad ang bawat isa kesa sa nangiiscam.
jr. member
Activity: 238
Merit: 1
October 28, 2017, 12:41:06 AM
#17
Oo dapat pang magtiwala tayo hindi naman lahat ng kababayan natin e mangloloko o scam lang ang alam
na trabaho. kung sumira na sayo ang isang tao o gumawa ng hindi maganda sayo wag mo ng pagkatiwalan
pa ito. Sumalit wag ka madala na magtiwala dahil ang tiwala ay hindi natutumbasan ng pera o nabibili
ito ay daan pa sa maraming oportunidad.
full member
Activity: 392
Merit: 100
October 28, 2017, 12:16:31 AM
#16
Minsan dahil sa matinding pangangailangan nagagawa ng tao na mandaya. Pero hindi po ito sapat na dahilan para lokohin ang kapwa. Napapatanong ako minsan, bakit ba hindi umuunlad ang bansa natin? Bakit ang daming naghihirap dito sa Pinas? Dahil sa mga taong gahaman, hindi lang sa pera pati sa kapangyarihan. Pero hindi po ito sa pangkalahatan kasi marami pa ring pinoy na mabuti at mapagkakatiwalaan. Hindi lang din pinoy ang gumagawa ng scam, kahit yung ibang nationalities. Mag-ingat lang po tayo at piliing mabuti yung sinasalihan natin.
sr. member
Activity: 658
Merit: 250
October 28, 2017, 12:03:38 AM
#15
Hindi naman siguro lahat ng pinoy scammer marami rin namang scammer na ibang lahi mapa pinoy man o hindi dapat hindi ka basta basta naniniwala basta involve ang pera lahat pwedeng magbago kahit trusted person pa yan pwede rin syang maging scammer kaya dapat doble ingat talaga gawin natin.
newbie
Activity: 30
Merit: 0
October 28, 2017, 12:01:46 AM
#14
Piliin nalang siguro ang mga pinoy na ating pagkakatiwalaan dito sa pagbibitcoin. Kung sa labas nga mismong mga pinoy ang binibiktima ng mga pinoy dito pa kaya sa pagbibitcoin.
sr. member
Activity: 714
Merit: 260
October 27, 2017, 11:57:19 PM
#13
Sa usapang pangkalahatan,OO dapat pa din pagkatiwalaan,matanong ko lang.NA SCAM KANABA NG PINOY?kung oo sagot mo.may karapatan kang magpost ng ganito.pero kung hindi pa.,mabuti na wag mong sirain ang lahi mo,nagsasalita ka in general in which PINOY..meaning IKAW HINDI DIN DAPAT PAGKATIWALAAN NG KAPWA PINOY MO?

Ang nababasa lang naman natin sa mga post ay yong mga COMPLAINTS na na scam sila na isolated lng naman..bakit TUWING SUCCESSFUL BA ANG TRANSAKSIYON IPINOPOST DIN NG LAHAT?kaya hindi mo masasabing hindi katiwa tiwala ang pinoy..dapat nga tayo ang sumuporta sa kapwa natin.,SA BAWAT KAHON NGBKAMATIS HINDI MAIIWASANG MAY BULOK.PERO HINDI NA NGANGAHULUGANG BULOK NA LAHAT NG NASA KAHON...hindi ko pinagtatanggol ang mga scammers na yan.dahil ako mismo magagalit ako pag na scam,pero sinasabi ko to para sa karamihan ng pinoy na andito sa crypto..na hidni tayo ma scam.KUNG MAG IINGAT TAYO..wag ka amkipag deal ng ikaw ang mauuna,,kung ayaw ng ka deal mo,,eh di wag,mahirap ba gawin un?MAGING SIGURISTA TAYO,,MAGING MATALINO..ANG HIRAP KASI PAG NAAKKITA NG PAGKAKATAONG KUMITA NG MALAKI,NABUBULAG NA .NAGIGING CARELESS NA,,TAPOS PAG NA BIKTIMA NG MGA LESTENG SCAMMERS.MAGWAWALA.

TANDAAN MO PINOY KA DIN,KUNG HINDI DAPAT PAGKATIWALAAN ANG PINOY.,ISALI MO NA ANG PANGALAN MO DUN..
full member
Activity: 196
Merit: 100
October 27, 2017, 11:57:13 PM
#12
Dumarami na ang nababalitang sariling kababayan iniiscam, ganyan na ba talaga tayo? sariling kababayan pa ang sisira sa ikauunlad ng kaparehong lahi? So dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang sarili nating mga kababayan?

Oo nga eh. Nakakalungot lang kasi na kapwa natin pinoy tinatalo pa nila, yung mga taong ganyan sila y7ng mga walang asenso kasi umaasa sila sa isang pandaraya na hindi naman dapat gawin. Kapwa mo pilipino gagaguhin mo . Nakakabilib naman yun. Kaya bibihira nalang ang mga tao ngayon na mapapagkatiwalaan, dahil sa mga scammer na yan. Di na sila naawa, pareparehas lang naman naghahanap buhay eh gaganunin pa.
newbie
Activity: 29
Merit: 0
October 27, 2017, 11:49:04 PM
#11
Ehh bakit hinde.?  Pinoy naman nagtutulungan sa oras ng kagipitan
member
Activity: 490
Merit: 15
PARKRES Community Manager
October 27, 2017, 11:33:53 PM
#10
Dumarami na ang nababalitang sariling kababayan iniiscam, ganyan na ba talaga tayo? sariling kababayan pa ang sisira sa ikauunlad ng kaparehong lahi? So dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang sarili nating mga kababayan?
Dipendi sa kong pag kakatiwalaan mo siya dahil di lahat nang tao parepareho nang ugali kaya. Kong sa side ko kc mas maganda pag hindi mo kamag.anak kisa sa mga kamag.anak meron kasing nag kakainggitan,tapos magagalit pa kc di pinag kakatiwalaan, kaya ganun pag kakilala kc pwde mo mung siyang eh try makaka pag icip kapa kong pwde ba siyang pag kakatiwalaan or hindi.
member
Activity: 335
Merit: 10
October 27, 2017, 09:12:59 PM
#9
Depende pa din po sa tao may mga pinoy kasi n kukunin lng yung tiwala mo sa una pero pag nakuha na tiwala mo tsaka ka gagaguhin madami dito nyan
full member
Activity: 175
Merit: 100
E-Commerce For Blockchain Era
October 27, 2017, 09:06:35 PM
#8
Oo meron naman na katiwatiwala sa mga kababayan natin, hindi naman lahat lolokohin tayo, at naniniwala ako na may part tayo kung bakit naloloko tayo kasi nagtiwala agad agad to the point na lahat ng importanteng bagay ay binibigay natin sa ibang tao. Yes magtiwala tayo pero wag naman lahat ng bagay na importante lalo na ibibigay natin. Dun naman sa mga manloloko hindi man sila mahuli ngayon darating at darating din ang panahon na mahuhuli ka, may karma tayong tinatawag, remember ang karma ngayon ay digital na din mabilis . hehehe
sr. member
Activity: 644
Merit: 252
I'm just a Nobody.
October 27, 2017, 09:01:51 PM
#7
Dumarami na ang nababalitang sariling kababayan iniiscam, ganyan na ba talaga tayo? sariling kababayan pa ang sisira sa ikauunlad ng kaparehong lahi? So dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang sarili nating mga kababayan?

Kapag pera na pinag-uusapan nag-iiba ang ugali ng isang tao. Nasa nagdadala kasi yan or gumagawa ng ikasisira niya. Yung iba kasi mas gusto ng easy money ayaw nila yung pinaghihirapan. Ika-nga Trust No One, pero nasa tao parin naman yan. Maging matalino na lang tayo sa lahat ng bagay para maiwasan ang ma-scam dahil ang masamang budhi gagawin lahat makuha lang niya ang gusto niya.
member
Activity: 105
Merit: 10
October 27, 2017, 08:43:38 PM
#6
Depende sakin ang sagot dito. Marami pa rin Pinoy ang mapagkakatiwalaan pero totoo rin na kapwa mo Pinoy, iniiscam pa. Crab mentality bites tawag dun. Basta para sakin, dapat parin pagkatiwalaan ang taong alam mo namang mapagkakatiwalaan lalo na kapamilya mo.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
October 27, 2017, 08:07:43 PM
#5
Dami kasing mandurugas na pinoy sa totoo lang kahit dito sa forum marami nagpapangggap jan jan na scammer kaya ingat kayo naglipana na ngayon ang mga ganyan lalo na malapit na pasko naghahapit sila haha kaya wag makipagtransaction sa hindi sigurado.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
October 27, 2017, 07:52:36 PM
#4
Dumarami na ang nababalitang sariling kababayan iniiscam, ganyan na ba talaga tayo? sariling kababayan pa ang sisira sa ikauunlad ng kaparehong lahi? So dapat pa nga bang pagkatiwalaan ang sarili nating mga kababayan?

sakin sa totoo lang kapag pinoy nag aalangan ako makipag transact unless sila una mag send or hindi man lang gagamit ng paypal or other reversible payment methods. sira na tiwala ko kapag pinoy na ang ktrade ko, napakadami kasi patay gutom dyan kesa sa mga matino na tao
member
Activity: 182
Merit: 10
October 27, 2017, 07:32:27 PM
#3
Yan ang kapangyarihan ng pera.. kahit na gaano pa katapat ang isang tao.. kung may malaking halaga sa harap nang kahit na sino.. matutukso .. kaya sana paalalahanan natin ang mga kababayan naten na maging tapat.. sana mag tulungan tayo mga idol ..
member
Activity: 72
Merit: 10
October 27, 2017, 07:21:59 PM
#2
Depende naman po kasi yan sa tao kung masama o Hindi Hindi lang po naman ang mga pinoy ang nang iiscam sa kani kanilang kababayan mayroon din naman sa ibang bansa kaya naka depende parin yan sa tao kung kakilala mo talaga o kaibigan at huwag po agad tayong maniniwala sa taong Hindi natin kakilala at naka tayo ay magkaroon ng tiwala kaya tayo na sscam eh magtitiwala kasi ka agad tayo sa Hindi nating  kakilala. Kaya po  maging matalino po tayo sa lahat ng bagay.
Pages:
Jump to: