Pages:
Author

Topic: Decentralized Banking 🏦 - page 2. (Read 320 times)

sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
January 21, 2020, 01:12:29 AM
#11
Grabe naman yan choice nang mga user nila kung gusto magdonate sa mga nangangailangan bakit hindi nalang nila gamitin yung jinita ng banko sa mga gumagamit nito para mapondohan ang mga nangangailangan hindi yung umaasa mga tao may mga pangangailangan din yung iba hindi sa pagdadamot ah pero mali ata yung ginagawa nila may iba pa naman sigurong paraan pero hindi ganyan.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
January 21, 2020, 01:10:48 AM
#10
Di ko nga alam na meron ngang ganyan kasi yung payroll bank account ko dati di naman nagkaka ganyan na bigla-bigla nalang binabawasan ng walang konsente galing sa kanilang users.
Siguro sa ibat-ibang Banking Institution ay iba iba din ang paraan ng kanilang pag mamanage ng funds sa user, ngayon kulang nalaman to.

Mas mabuti kung i consult mo tong issue sa bank. Baka kasi nalulugi sila kaya ginagamit pera ng mga tao para makapag bayad sa debt. Kagaya nalang ng US federal reserve.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
January 21, 2020, 12:23:39 AM
#9
I think OP should inquire with the bank, kung irregularities pwede naman siguro gawan ng paraan ng banko yan unless nalang kung voluntary ka talagang nagpapakaltas. Ang mahirap din kasi kapag money donation you’ll never know kung charity talaga or sa bulsa ng bankers napupunta ang pera, not ideal IMO.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
January 20, 2020, 11:51:12 AM
#8
Laging nagpapadala ng letter of consent/authorization ang isang banking entity bago nito galawin ang funds ng kanyang mga user. Else, subject sa legal consequences ang banking entity na ito sapagkat ito ay isa na mismong akto ng pagnanakaw sa hindi niya pera. Marahil nga e nakasubscribe ka, o nag-pledge ka without knowing at humihingi na lang ng request yung mismong charity sa iyong bank account ng payment every month. Pero no, knowing UNICEF wala naman silang ganon, at hindi rin sila namimilit manguha ng donation sa mga tao.

Better check with your bank kung ganyan. Maling pamamalakd na kuhaan ka ng pera ng bangko mo nang hindi mo alam.
hero member
Activity: 1498
Merit: 586
January 20, 2020, 11:50:06 AM
#7
Mukha ngang nakasubscribe ka sa monthly deduction para automatic na Magbabawas sa iyong account,  mas mabuti kung unsubscribe kana contact mo yung bank mo para matagal yang montly deduction sa iyo.

Para walang mabawas sa account mo kung saiyo iyan. 
At kung hindi  naman maari mo itong maipayo.
Ako before bank user ako pero nung nagtaas yung singil sa charge at nagkaroon na ng bayad ang pagdeposit tinigilan ko na tsaka never ako umutang gamit ang bank account ko kasi malaki sila magtubo parang di makatarungan. Mas prefer ko na lang magimpok ng bitcoin sa account ko dito at magconvert na lang into peso kapag kailangan ko.
hero member
Activity: 1273
Merit: 507
January 20, 2020, 11:15:25 AM
#6
Mukha ngang nakasubscribe ka sa monthly deduction para automatic na Magbabawas sa iyong account,  mas mabuti kung unsubscribe kana contact mo yung bank mo para matagal yang montly deduction sa iyo.

Para walang mabawas sa account mo kung saiyo iyan. 
At kung hindi  naman maari mo itong maipayo.
hero member
Activity: 1148
Merit: 504
January 20, 2020, 10:29:32 AM
#5
Mis informed yata si OP.

May kakayahan mag auto deduct mula sa ating account ang mga banko pero kailangan muna ng ating authorization.

Ang sample nito ay yung mga automatic na transfer para sa savings o automatic na pagdeduct ng bayad sa mga bills ng kuryente, internet o mortgage ng bahay. Pero kailangan mo muna ienroll ito para mangyari.

Hindi maaring basta na lang kumuha ng pera sa account ang isang bangko na walang pahintulot mula sa account owner. Pagnanakaw na yun

Sa kaso sa OP, mukhang tama si lionheart78.
jr. member
Activity: 560
Merit: 4
January 20, 2020, 10:28:48 AM
#4
Pasensya napo at hindi ko nabangit na ito ay meron ngang fifill up-an bago mag automatic na mabawasan ang ating nga account.  Sorry po

Ang gusto ko lang iparating e " Maraming salamat sa Crypto dahil walang magdedekta sa atin kung ano ang gusto nating gawin sa ating mga pera dahil ito naman ay decentralized "

legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
January 20, 2020, 10:22:08 AM
#3
Baka naman nakasubscribe yung sinasabi ni OP sa monthly donation para sa unicef.  As far as I know ang mga banks kinukuha muna ang consent ng mga client nila bago magprocess ng kung anu-ano.  Kahit na nga yung pagbawas kapag hindi natin namimeet ang mimimum balance pinapaliwanag nila.  It is possible na mayroon siyang sinubscriban na isang charity kung saan automatic na magdididuct sa kanyang bank account ang kanyang donation.   Parang tulad lang din yan ng isang service na may auto renew na hangga't hindi tinitigil ay sige lang ng sige ng charge.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
January 20, 2020, 10:13:00 AM
#2
Teka, meron ba talagang ganito? Yung babawasan ang account mo na wala ka man lang consent? Totoo na may control din ang bangko sa pondong nasa "pangangalaga" nila pero ang pagkakaalam ko hindi nila pwede basta-basta galawin ang account without authorization. Baka meron ka hindi nasilip sa terms and conditions bago ka pumirma.

Sa decentralized banking, malaki nga tulong ni bitcoin at ibang crypto dito. Maraming mga "unbanked" pa din sa Pinas at kahit na sa ibang bansa pero hindi na din siguro nila kakailnganin kung matutunan lang nila ang crypto. "Be Your Own Bank" sabi nga.

Maiba konti, hindi ba isang sales pitch din ng Coins.ph ang "My Phone Is My Wallet"? Medyo ironic nga lang din kasi custodial wallet naman sila kung saan may control din sila sa pera mo. 
jr. member
Activity: 560
Merit: 4
January 20, 2020, 09:47:33 AM
#1
Whlile browsing in social media
Hindi naman sa nagdadamot pero mahirap na makitang binabawasan ng ating mga banko ang perang ating pinaghirapan para i donate sa mga nangangailangan.  nakakahiya dahil nga sa mabuti naman ito mapupunta pero hahayaan nalang ba natin ito? Nakontrolin tayo ng mga bangko.  Salamat dahil narito ang crypto currency tayo ang mga hawak ng ating pera tayo rin ang mag dedesisyon kung magbibigay ba tayo o hindi  o kung magkano ang ating ibibigay at hindi automatikong binabawasan ang ating nga account.
Pages:
Jump to: