Hindi naman ganon karami ang alam ko sa deepweb, share ko na lang.
Yung sa internet natin ay may levels. Yung kina google, facebook and others is surface web. Surface websites can be searched via normal search engines.
Pag magdadive ka (dive is usually yung term nila sa pag pasok sa deepweb, diver naman yung sa tao), dapat ayos ang gamit mo. Eto ang mga dapat / hindi dapat gawin:
1. Setup ka ng PC na di mo na ginagamit, preferably is yung wala talagang laman, blank slate.
2. Download ka ng tails na OS. Yan ang gamitin mo. Pwedeng iinstall sa flash drive (gawing bootable, para in case na magkanda loko loko e hugot ka lang sa OS, wala na). Huwag gumamit ng Windows OS, since universal OS to, parati syang napagpapraktisan ng kung anu-ano. Mas safe si tails (di ko na tanda kung kaninong OS sya based. Probably Linux)
3. Pwede ka ring gumamit ng virtual machines. Dun mo iload si tails. Tails nga pala is preferred OS for diving.
4. Gamit ka ng TOR browser. Dito kasi para kang naka in cognito, pero anonymous ka talaga. Sa pagdadive kasi, lalo yung iba na intense ang ginagawa, papalit palit sila ng IP.
5. Huwag daw i-maximize yung TOR browser. No-no.
6. Gumamit ng wiki. Yung wiki is categorized na yung mga pwede mong puntahan. Using the wiki - para safe. Kasi kung click ka lang ng click ng mga onion sites, wala na.
7. Do not download anything from the deepweb. Sa surface web nga maraming sumasabit na virus and malwares, dun pa kaya?
8. Magbasa basa lang for additional info.
Information about tails and tor (magkasama pala sila XD):
https://tails.boum.orgKung ayaw mo magdive pero gusto mo malaman ang mga bagay tungkol sa deepweb, meron sa youtube. May mga stories from the deepweb, and some e yung talagang pagdadive nila sa deepweb - try SomeOrdinaryGamers. (namention na sya dito sa thread)
Mga nabasa kong meron daw sa deepweb:
1. Bilihan ng drugs (Silk Road)
2. May bilihan rin ng mga armas.
3. Mga hitman for hire.
4. Red rooms - which is until now, hindi ko alam kung proved na ba. Red rooms contains live feeds na may nagsusuiced, may pinapatay and so on (please do correct this, kung mali)
5. Basically, pwede kang bumili ng kung anong meron sa marketplace nila. Dito ko nakilala si bitcoin. Ito yung main way of transactions nila.
6. Pahabol, meron din dito yung mga weird experiments - human experiments. Halimbawa, ano ang mangyayari sa tao kapag nilagay sya sa isang napakalamig na kwarto ng x days.
7. Huling pahabol. Yung iba dito naglalaman din ng mga secrets from NASA, at kung ano pang agency.
...meron din ditong mga sites na for research purposes only, for programmers and stuff, and conspiracy theories about anything.
Mga theory na nakakatakot din:
1. Once na matrace nila IP mo, lalo sa mga so-called red rooms or any links na di dapat nabibisita ng kung sinu-sino, pwede ka nilang puntahan. And who knows kung ano ang pwede nilang gawin sayo.
2. They can see you. Well, oo, lalo na nga pag nagawa nila yung nasa taas, pwede nila iaccess yung PC mo, kaya preferably talaga na blank lang PC mo. OS at si TOR lang laman.
3. Alam ito ni FBI and kung sino pang nasa mataas.
Nakakacurious nga ang deepweb. Kung magdadive ka, wala namang masama, basta magbasa ka muna at huwag padalos dalos sa mga gagawin.
Bakit ko alam to? HAHAHA Curiosity. Di pa ako nagdadive. Nagbasa at nanuod lang ako. Isa pa, CS kasi tinapos ko.
Note: Kung may mga mali sa mga nailagay ko sa taas, please, feel free to correct me. Thanks!!!