Author

Topic: DefaultTrust Changes by theymos [FILIPINO VERSION ] (Read 224 times)

legendary
Activity: 2520
Merit: 1233
Hello there mga KABAYAN,

snip-. (can I make a thread regarding this?)

Naisip kung gumawa ng thread na to dahil na challenge ako sa sinabi ko ni nakamura12 sa kanyang thread na ginawa na ang topic ay Paano mag add ng isang miyembro sa iyong "TRUST LIST".
Medyo nabitin kasi ako sa link lang na papunta sa thread ni theymos(which is English), kaya naisip kung i translate sa wikang Pilipino ito para mas maintindihan pa ng mabuti sa ating mga kababayan dito tungkol sa DefaultTrust Changes.

Source:
snip-

Sa mga nagdaang taon, ako ay hindi nasiyahan sa kung paano natapos ang DefaultTrust bilang isang sentralisado at malawakang autoridad, sobrang bigat ng loob kong baguhin to dahil ang mga alternatibo nito'y mistulang magulo. Sa kabila ng lahat, ako'y nakapag desisyong subukan ang mga pagbabago, at makikita natin kung paano ito tumatakbo.

#1
Bilang isang espesyal na pagbubukod sa normal algorithm sa pag tukoy ng trust network ng isang user, kung ikaw ay nasa default trust list ("DTI") at may ibang miyembre ng DT1 ang nag distrust sayo,  ikaw ay hindi ma didistrust ng iba pang miyembro.
DT1- at ito ay makikita sa sa iyong profile.

Kung mayroong isa sa DT1 ang gumawa ng hindi katanggap tanggap, maari mong tanungin ang ibang mga miyembro ng DT1 para siya ay i distrust.

Dito lahat makikita ang mga imporamsyon patungkol sa "DT voting" Dito

#2
Maari mong tignan lahat ng pahina kung ikaw ay gumagamit ng default trust setting. Sa paglalagay ng ";dt" sa dulo ng
URL lahat ng pahina ay makikita mo na. Halimbawa :

#3
Mamadalasin kong (maaring buwan buwan) babaguhin, aayusin ang listahan ng default trust upang maisama ko ang lahat
nang tumutugma sa criteriang sa pagpili:

- Kung ang iyong rank ay nakuha mong mag-isa sa pamamagitan nang pagkita mo ng merit, at hindi bababa sa member rank.
- Dapat ikaw ay laging nakabukas/naka-online sa loob ng mga huling tatlong araw
- Ang iyong listahan ng trust ay dapat may sampung kataong nakalista, hindi kasama ang mga na entry ng distrusted mo.
- Dapat ikaw ay hindi natanggal, tinanggal o mano manong nakablack-list.
- Dapat ikaw ay nakapagpost sa kahit anong oras/araw sa loob ng 30 araw
- Dapat may sampung taong direktang nagtitiwala sayo na kahit mayroong sampung merit kada isa, hindi kasama ang
merit na naibigay mo sa iyong sarili. Ang mga vote na to ay "limitado"
- Dapat ay mayroon kang  dalawang taong direktang nagtitiwala sayo na mayroong kinitang hindi bababa ng 250 na merit, hindi kasama ang mga naibigay mo sarili mo. Ang mga botong ito ay "limitado"

Hindi tulad nang huling patakaran, hindi ko buong susubuking luminang ng  magandang listahan; at ito ay maiiwan na lamang sa pasya ng mga miyembro ng DT1. Gayunpaman, ako ay mag-iiwan padin ng kaunting karapatan upang tanggalin at i-blacklist kayo sa mga hinaharap na pagpipili kung kayo ay sasali sa mga kapansin pansin at halatang pag aabuso, at kung kayo ay nakilalang mayroong higit sa isang accounts sa pagpipilian.

Sa ngayon, hindi ganon karami ang karapat-dapat na mga user. Kung may isang daang tao ang mapipili sa hinaharap, planong kong pumili na lamang ng random na subset na isang daang karapat-dapat kada oras. Ang reconstruction ng DT1 na ito ay maaaring kusang mangyare sa schedule sa hinaharap, ngunit hindi pa sa ngayon.

Pagwawakas

                                                                                                                                                                                                                   

Dito niyo rin makikita kung  Paano mag add ng isang miyembro sa iyong "TRUST LIST". Dito by: nakamura12

PS: Para sa mga kababayan nating newbie o feeling newbie feel free to ask kung meron man kayong hindi naintindihan tungkol sa DefaultTrust changes.
Sana nagbibigay ito na malaking tulong sa mga kababayan natin na hindi pa alam ang tungkol dito.
Jump to: