Pages:
Author

Topic: Diamond feel? - page 2. (Read 971 times)

hero member
Activity: 1764
Merit: 584
April 22, 2017, 11:18:18 AM
#4
Hindi ko alam na 17 ka pa lang pala HatakeKakashi! Anyway, wala akong idea sa diamond peel pero ang alam ko ang ginagamit nila sa pagtanggal ng acne scars ef "rescarification". May ipapahid sila sa mukha mo na parang polymer something, then papasadahan nila paulit-ulit ng rollers na may mga maliliit na karayom. Bale ang siste eh inoopen nila yung mga acne scars para this time naman eh mapagheal ng maayos. Di ako sure kung gaano ka-effective yun.

Sana ganyan yung problema ko... yung may pera at hindi alam kung itutuloy ba.  Grin Ako galit na lang kami nung acne scars ko, kunwari di ko sila nakikita.  Grin Ito, pahid-pahid na lang nung i-White na masks.
hero member
Activity: 672
Merit: 500
April 22, 2017, 09:44:03 AM
#3
Kung ako sa'yo gumamit ka nalang ng natural na pamamaraan, iwasan at huwag gagamit na mga hindi kilalang produkto dahil makakasira lang ito sa mukha.

Sa akin kasi hereditary, nasa dugo ko na ako ay tigyawatin, pero na manage ko na man maging malinis ang mukha ko kahit hindi kaputihan.

Tip ko lang sa'yo gumamit ka ng honey at kalamansi, sobrang bisa nito, bago ka maghilamos sa umaga magpahid ka ng honey sa buong mukha gawin mong facial after 5 - 10 mins doon ka lang maghihilamos. Sa gabi naman gumamit ka ng kalamsi mga 3 - 5 mins after then hilamos, vice versa.  Iminom ng paraming tubig araw-araw, kumain ng masustansyang pagkain, at exercise. Sobrang basic pero hirap gawin.
hero member
Activity: 910
Merit: 500
April 22, 2017, 09:05:38 AM
#2
Wag ka muna mag paganyan pre promise magagaya ka parang kay jose Manalo na butas butas ang muka gumamit ka ng sabong perla alam mo ung pablaba ganun ginamit ko as in ang dami kong pimples nun at talagang sugat sugat face ko ngayun okay na sya ay normal nalang pero kapag tuloy tuloy ang pag gamit mawawala din try mo lang. pangit kasi ung mga beauty product di mo alam di hiyang muka mo sa ganun
hero member
Activity: 1274
Merit: 513
April 22, 2017, 04:11:29 AM
#1
Karamihan sa mga teenagers ay namomoblema sa pagkakaroon ng tigyawat o pimples sa mukha. Ang pinoproblema ko naman ngayon ay ang naiwang bakas o peklat sa mukha ko . May mga butas na maliliit at maraming whiteheads. Marami na akong product na sinubukan para matanggal ang butas at mga whitehead pero hanggang ngayon hindi  pa rin natatanggal. Pwede na kaya magpadiamond feel ang 17 years old kagaya ko at matatanggal kaya ang mga butas na maliliit sa mukha ko kasi hindi naman masyado malaki tiyawat ko dati. at magkano kaya ang kada session iyon. May nakaranas na ba sa inyo magpa diamond feel ano ang result?
Pages:
Jump to: