Pages:
Author

Topic: [Discussion] Image ng Bitcoin sa mga tao - page 2. (Read 519 times)

sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
April 07, 2020, 12:53:41 PM
#8
kung napapanood mo yung john wick ginamit din nila yun...

Kung tama ung pagkakaalala ko e physical gold coins[1] ang gamit nila sa John Wick movies. Or is there something I missed?


[1] https://johnwick.fandom.com/wiki/Gold_Coin
Inakala ko rin na bitcoin yan dati kasi nga underworld transactions and ung halos pagkakakilala sa bitcoin before eh about sa mga illegal na transactions.
Salamat sa link para na rin sa mga taong katulad ko na nag akala at nagbigay agad ng conclusion.
Patungkol naman sa thread ni OP, masyado talagang naihype ng mga illegal activities ang bitcoin nuong mga naunang pagkakataon pero sana nga magkaroon ng mga ibang write ups and mga documentaries na positive side naman ang kilingan.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 07, 2020, 12:03:22 PM
#7
Unfortunately, wala talaga tayong magagawa dahil isa talaga sa pinaka unang use-case ng bitcoin ay gamitin sa Silk Road gaya ng sabi sa documentary. If anything, ung Silk Road mismo ung nagdala ng Bitcoin sa limelight. Kumbaga un ung nagbigay ng early boost sa publicity. Though hindi naman 100% na binebenta sa Silk Road e illegal na bagay, dahil meron ring mga bagay na nakakahiya bilhin sa personal(e.g. viagra, sex toys, etc), safe to assume talaga na mostly e illegal.


The publicity they got from Silk Road isn't even good publicity, instead it slowed things down for it by dragging it's name and use because of the first impression it had. Yung sinasabi mong "limelight" about Bitcoin hindi ito yung magandang klase kasi ito yung tinatawag nilang "infamy" na nadala ng Bitcoin dahil sa pagiging first choice nya as a payment option in Silk Road. Yes Silk Road has done a lot on Bitcoin's early price increase but considering the cons it brought like several years of delay regarding mass adoption? Mas pipiliin ko pa din yung mas nagagamit na yung Bitcoin ngayon compared sa early price increase.

But then again, though unfortunately masyadong negative ang naging initial impression ng karamihan(Silk Road, MtGox, 2018 price drop, etc), by time marerealize rin ng mga tao. Unfortunately, I'd say marerealize ng masa ung importance ng Bitcoin once tumaas na masyado ung pera. Madali lang kasing iignore ng masa ang Bitcoin dahil maganda ang takbo ng fiat economy ng U.S., at least sa ngayon. As for countries like Venezuela, safe to assume na dumami ang taong nakarealize ng importance ng Bitcoin. Most people learn the hard way ika nga. On the bright side, madali lang naman i-rebut ung mga typical criticisms ng Bitcoin.

Opportunities are always there kahit sa labas pa ng crypto industry, yung mga nagsasabi na kung nalaman nila yung Bitcoin dati pa mayaman na sila ngayon, sila yung matatawag mo na "hindsight is always 20/20" dahil gumagawa sila ng mga dream scenarios na wala naman talaga sakanila. If they want to invest then they better star by educating themselves not with what ifs.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
April 07, 2020, 03:45:46 AM
#6
kung napapanood mo yung john wick ginamit din nila yun...

Kung tama ung pagkakaalala ko e physical gold coins[1] ang gamit nila sa John Wick movies. Or is there something I missed?


[1] https://johnwick.fandom.com/wiki/Gold_Coin
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
April 06, 2020, 10:00:05 PM
#5
Wala naman kasi atang bitcoin related movies o docu na walang illegal activities na ipinapakita kasi yun na talaga ang nakatatak sa kanila kaya ganito na lang ang image ng bitcoin sa iba. Pero sana marealize at mas maintindihan nila kung ano talaga ang totong pakay nito, hindi dahil sa ilegal na gawain kundi para mapabilis at makatipid sa mga online transactions na ito naman talaga ang isa sa mga layunin kung kaya ito denivelop ta patuloy pa rin...
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
April 06, 2020, 09:36:31 PM
#4
kaya kasi ito pangunahing ginagamit sa pelikula as illegal kasi iniisip din kasi ceguro nila na ang bitcoin kasi is nontraceable at akma naman kasi sa mga gumagawa nang illegal kung napapanood mo yung john wick ginamit din nila yun... pero sa mga nakaintindi dependi din naman kasi sa kanila yun kung paano nila gagamitin. hindi naman natin sila masisis dahil sa mga nakikita din nila...
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
April 06, 2020, 05:33:15 PM
#3
Unfortunately, wala talaga tayong magagawa dahil isa talaga sa pinaka unang use-case ng bitcoin ay gamitin sa Silk Road gaya ng sabi sa documentary. If anything, ung Silk Road mismo ung nagdala ng Bitcoin sa limelight. Kumbaga un ung nagbigay ng early boost sa publicity. Though hindi naman 100% na binebenta sa Silk Road e illegal na bagay, dahil meron ring mga bagay na nakakahiya bilhin sa personal(e.g. viagra, sex toys, etc), safe to assume talaga na mostly e illegal.

But then again, though unfortunately masyadong negative ang naging initial impression ng karamihan(Silk Road, MtGox, 2018 price drop, etc), by time marerealize rin ng mga tao. Unfortunately, I'd say marerealize ng masa ung importance ng Bitcoin once tumaas na masyado ung pera. Madali lang kasing iignore ng masa ang Bitcoin dahil maganda ang takbo ng fiat economy ng U.S., at least sa ngayon. As for countries like Venezuela, safe to assume na dumami ang taong nakarealize ng importance ng Bitcoin. Most people learn the hard way ika nga. On the bright side, madali lang naman i-rebut ung mga typical criticisms ng Bitcoin.

As for Bitcoin discussions, meron akong thread na ginawa dati ng mga listahan ng mga napanood kong Bitcoin/crypto debates. Kung wala ka ng mapanood na documentary, check mo pag interesado ka. Tongue https://bitcointalksearch.org/topic/video-list-debates-about-bitcoin-cryptocurrencies-updated-aug-23-5110878
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 06, 2020, 03:15:39 PM
#2
One thing to get out of this is the people are so gullible when it comes to what the government is trying to say to them. Kaya ganun nalang yung first impression ng karamihan sa Bitcoin na kahit hindi pa nila alam kung ano talaga ito ay alam na kaagad nila na connected ito sa deep web and ito yung ginagamit ng mga kriminal sa pambili ng droga. Ganito din yung nangyari sa alak noon na illegal dati and sa cannabis na illegal pa din in most parts, just someone in the government declare it is illegal or bad for your health tatatak na ito sa karamihan at madami ng maniniwala, kaya ito din yung mga rason bakit biglang nag-stop yung growth ng Bitcoin eh dahil na din sa first responses ng mga gobyerno sa buong mundo and how they are mislead with their first impression.
full member
Activity: 658
Merit: 126
April 06, 2020, 10:58:47 AM
#1
Hi! I’m into watching videos, documentaries, at films tungkol sa Bitcoin ngayon. Madami akong oras dahil sa quarantine. Kaya nag-search ako sa local board baka may nagpost na about sa napanuod nila para mapanuod ko din. Nakita ko ‘tong thread na ‘to: [DISCUSSION] Full Movie that BITCOIN related as a concept

Tungkol siya sa pelikulang “Unfriended”. Napansin ko na kadalasang mga usapin sa thread ay pagkadismaya kasi bukod sa hindi maganda ‘yung pelikula, ginamit pa ang bitcoin sa masama. Hindi ko pa napanuod pero ginamit daw na parang illegal? Una kong naisip ‘yung latest documentary na napanuod ko, “Banking on Bitcoin”, ginawan ko ito ng topic last week. Ito ang link: [Discussion] Banking on Bitcoin Documentary Highlights

Sa documentary kasi narealize ko kung bakit may ganoong problema sa image ang Bitcoin. Laging ginagamit sa mga illegal transaction, pang hacker, pang masama, ganoon lang. Siguro kung may kakilala kayo tapos walang alam sa bitcoin ganoon din ang tingin sa Bitcoin no? Hindi ko masisisi ang pelikula kung bakit nila ganoon ginamit ang bitcoin, ang dami kasing history sa bitcoin na ginamit siya sa illegal na paraan. At ang laging naaalala lang ng mga tao ay ang nagawang masama sa Bitcoin.

Napagdesisyunan kong i-translate ang thread ko sa “Banking on Bitcoin”. Pinili ko lang ang mga highlights na inilipat ko sa tagalog. Iyong mga highlights lang na naging dahilan kung bakit ganoon ang image ng Bitcoin sa ngayon.

Umaasa ako na magkaroon ng magandang discussion tungkol sa kung paano natin maipapakilala ang Bitcoin sa mas marami pang tao, hindi bilang gamit sa illegal na transaction, ngunit bilang isang safe na alternative sa Fiat currency. Sana rin ay makacontribute itong thread para mas mabuhay pa ang Local boards natin, napansin ko na wala na kasing mga bagong topics dito. At feeling ko ang ilan ay nag-uumpisa palang maging fluent sa Ingles.

“Highlights on Banking on Bitcoin”

  • Ipinakilala si Charlie Shrem, co-founder at CEO ng BitInstant(Bitcoin exchange site),  2011 niya ito binuo. Naniniwala siyang babaguhin ng Bitcoin ang financial infrastructure ng mundo. Ang tingin niya sa bitcoin, perang may pakpak. Lumilipad at mabilis na nakakarating kung saan mo man ipapadala. Ipinakilala din si Eric Voorhees na nagtrabaho bilang Director of Marketing sa BitInstant.

  • Ipinakilala rin si Jed McCaleb, ang gumawa ng Mt. Gox, isa ring Bitcoin Exchange site, ginawa niya ito kasi nahihirapan daw siyang bumili ng bitcoin ng mabilis. 2010 naman ito nabuo.  Hindi kalaunan ay nalunod si Jed sa technicalities at legal risk ng isang kumpanya ng crypto. Ibinenta niya ito kay Mark Karpeles, na walang kaalam-alam sa Crypto at hindi responsible bilang owner.

  • By May 2013, nararamdaman ang growth ng BitInstant. Kasabay din nun ang pagtaas ng Bitcoin. Nag-invest sa kanila ang Winklevoss twins, iyong kilala natin dahil sa facebook ownership issue. Marami rin silang naging partnerships, gaya ng sa Coinapult at BitcoinSpinnermobile app.

  • Sumikat sa black market ang Silk Road website. Isang online drug market sa internet na mas kilala sa pagbebenta ng illegal drugs. Ang ginagamit sa pagbili? Bitcoin.

  • Nagkamali si Charlie Shrem ng pakikipagpalitan ng Bitcoin kay BTCking Robert Faiella, napatunayan daw na alam ni Charlie Shrem na ang binibiling Bitcoin ni Robert ay ibinebenta nito sa mga costumer sa Silk Road. May mga email na nakitang alam ni Charlie kung para saan gagamitin ni Robert ang malaking halaga ng mga Bitcoin.

  • Ang founder ng Silk Road na si Ron Ulbricht ay convicted on seven charges kasama ang narcotics at money laundering sa manhattan court room. Inauction ng Feds ang 13.5 million dollar’s na halaga ng silk road bitcoins.

  • Dahil dito, ang tingin na ng mga tao sa Bitcoin ay Ilegal. Isa lang itong currency para sa illegal na mga gawain sa internet. Bumagsak ng kaunti ang bitcoin price pagkatapos ng event pero tumaas din naman.

  • December 2014, naging convicted si Charlie Shrem dahil sa money laundering sa Silk Road Market. Ang sabi ni Charlie Shrem, isang kostumer lang iyon sa libong costumer ng BitInstant. Bakit daw pinagmumukhang masama ang kumpanya niya at ang Bitcoin dahil sa isang kostumer(thoughts?).

  • Isang araw matapos arestuhin si Charlie Schem, nagkaroon ng Bitcoin hearing sa new york na pinamunuan ni Benjamin Lawsky. Balak nilang bumuo ng license framework na mag-reregulate sa mga virtual currency firms na nag-ooperate sa New York.  Kumbaga gusto nilang ma-regulate ang bitcoin.

  • Ayon kay Eric Voorhees, Bitcoin ay labanan ng ideya kung hahayaan ba ng gobyerno na maging free sa paggamit ng pera ang mga tao kagaya ng kung gaano sila kalaya sa paggamit ng speech at religioin. Ang sabi nila para daw maging mainstream ang Bitcoin, kailangan mong hayaan ang regulators na timbangin ito. Si Lawsky ang intresado para dito, gusto niyang makabuo ng license para sa mga bitcoin companies, tinawag niya itong BitLicense.

  • Isang linggo pagkatapos ng hearing na iyon, 750,000 btc ang nawala o ninakaw sa Mt. Gox. 6% ng total total circulation nung time na ‘yun. Sinisi ng Mt. Gox ang mga hackers. Isa na namang pangyayari na nagpapangit ng imahe sa Bitcoin. Pero sabi sa documentary, ang pinakaimportanteng lesson lang sa insidenteng iyon ay talagang hindi mapagkakatiwalaan ang third party sa pera mo. Sabi ni Eric Voorhees, ito yung aral na dapat natutunan ng mga tao noong financial crisis pero hindi pa din nila natututunan sa ngayon.


ENDING NG PELIKULA


Quote
As of the completion of the film(early 2016), Charlie Shrem is still serving out his sentence at Lewisburg Federal Prison. No wall street executives have served time for the 2008 meltdown. No major bank executives served time for money laundering charges.

Itong ending statement ay may gustong sabihin, naging unfair kay Charlie Shrem at sa buong Bitcoin community ang nangyari. Nag-init ang mata ng mga tao at gobyerno sa Bitcoin dahil lamang sa ilang pangyayari, mga pangyayaring nangyayari din naman sa Fiat Currency. Wala daw nakulong noong 2008 meltdown, walang banker na nasisi. Pero dahil nangyari sa Bitcoin, gusto na nilang pigilan ang rising technology na ito. Kinilala na nila ang bitcoin bilang isang currency na para lamang sa illegal activities. Ganoon na ito kilala ng mga tao ngayon, ganoon na ito i-portray sa pelikula. Sabi sa docu, Ang bitcoin ay hindi lamang iyon, isang maliit na part lang ‘yun ng ekonomiya ng Bitcoin. Unfair ito para tignan lamang na ganun. Ginagamit din sa drugs ang Fiat currency. Ang mga taong gumagawa ng masama ang may kasalanan sa mga illegal na activities sa Bitcoin. Sana ay hindi nila ikinakahon sa ganoong image ang Bitcoin.

Ang gusto ko sa docu na ‘to ay ang pagiging honest nito. Bukod sa ikinweto nito kung paano nagsimula ang Bitcoin, sinabi rin nito ang malaking risk ng Bitcoin, mga hindi katanggap-tanggap na kaganapang kinaharap nito. Sana ay magustuhan niyo ding mapanuod ang docu, napagusapan dito kung sino si Satoshi nakamoto at paano ito nagsimula, sino ang mga developers na tumulong sa kaniya. Ang tingin ng mga regulators sa Bitcoin, ang tingin ng bangko sa Bitcoin, at iba pa. Ito ang link: Banking on Bitcoin

Kung may alam pa kayong mga kaganapan sa bitcoin na maaring maging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong image, comment niyo lang. Or kahit mga films and docus na connected sa Bitcoin, malaki na iyong tulong. Kapag may nakuha akong worth pag-usapan sa ilang docus ay puwede ko ring gawan ng ganitong summary/write-ups.



Ingat kayo!


-GDragon
Pages:
Jump to: