Siguro malaking dagdag sa kalamangan ng coins.ph kay abra ay yung sobrang dami nilang features.
Unang-una na dun yung sa load, tsaka yung bills payment nila na sobrang dami mong pwedeng bayaran katulad na lang ..... ~~ snipp ~~
At napakarami pang ibang features na inooffer ni coins.ph.
Pero ansabe ni abra?
"Kapag hindi mo hawak ang private keys ng coins mo, hindi mo sila pagmamay-ari."
At yung mga Bitcoin maximalists/purists sa atin dito eh talagang ayaw sa mga wallets na walang private keys.
Yes, in my case, kaya coins ang gamit ko ay dahil sa efficiency. Almost lahat pwede mo nang ma-process/bayaran sa iisang app. Ultimo prepaid load and game credits pwede mo na ma-process dito at ang importante ay yung utility bills na hindi mo na kailangan pumila o lumayo pa. SSS, NBI and such ay pwede mo na rin mabayaran using Coins.
Kapag umoorder ako ng goods sa kabilang ibayo from here in Luzon to Gen San, mabilis ko lang nababayaran kahit midnight ko pa ipa-process ang payment. Napaka-efficient nito.
Yun ang primary use ng Coins.PH for me.
---
On the other side, kapag may BTC holdings ako or may malaking amount tulad dati wayback 2017, itinatabi ko ito sa "blockchain.com" para hindi ko rin magalaw.
I haven't used Abra pa kasi hindi ko pa ganun ka-gamay, ang impression ko lang nung una ay matagal ang withdrawal di gaya sa Coins.PH na may cardless (noon) at iba pang options for instant withdrawal. Maaasahan din ang Coins for emergency purposes.