Ang mangyayari gagawin na naman pang scam ang pangalan ni bitcoin, ang mga baguhan madaling mabiktima kung kulang talaga sa kaalaman..lalo ngayon at nakaka akit ang bilis ng pagtaas
Dito naman tayo papasok, dapat tayong alam or marunong na ang bitcoin hindi scam ay magkaroon din nang time na i-educate ang ibang baguhan. Maraming gustong magtry pero hindi lang nila alam kung saan magsisimula. Pero sana naman wag lang sasabihin na pwede ka kumita sa bounty at signature campaign, kasi kapag yan agad ang bungad mo, nawawala ang essence ng bitcoin or blockchain itself. Hindi ang bitcoin for signature campaign lang and bounty hunter, ito ay ang future.
Maraming pumupunta dito para agad sumali sa bounty or signature campaign, dahil dito nawawala ang purpose ng forum na ito. Aminin naman natin na karamihan andito para dyan, pero sana naman educate pa rin natin sila, at sila ang magiging susi sa pag-grow nang bitcoin or cryptocurrency sa Philippines. Hindi natin masisi ang iba kung bakit sila na-scam, hindi na natin hawak buhay nila, ang part lang natin is to educate them at to redirect them sa tamang landas ng bitcoin.
Ang bitcoin sa Philippines ay sobrang layo pa sa ibang bansa. Magsalita ka lang nga nang bitcoin sasabihin agad sayo scam yan. Kaya sa atin pa lang dapat na nating isipin ibang tao, na ma-educate sila. Bitcoin has many things to offer, it is just a matter of time, sabi nga "it is not a matter of what if, it is a matter of when?" Kelan ka magsisimula na turuan ang ibang tao? Start ka lang nga sa coins.ph na i-share ang link mo kikita ka na nang 50php, start small muna to educate them at lalago din yan. Helping other people will generate positive feedback sayo din. Malay natin yang mga naturuan mo biglang naging bigtime and balikan ka sabihin "ito ang 100,000php para sa tulong mo saken", you never know what tomorrow
might bring.