Pages:
Author

Topic: [DISCUSSION] Posting Interval at Burst Posting - page 2. (Read 323 times)

hero member
Activity: 2268
Merit: 789
September 23, 2019, 08:22:24 AM
#6
It actually depends kung paano ka mag construct ng post. Usually kase, kapag really constructed and on-point yung ginagawa mong post, pag-iisipan mo at mag-reresearch ka pa para may matulungan ka dito sa forum. Siguro around 10-20 minutes yun? Pero depende talaga sa gumagawa ng post.

To be honest, dapat hindi iniisip ang interval ng kada post kase may isa ka naman buong araw para mameet mo yung required post (assuming na may campaign signature ka). Nangyayari lang ito kapag nag-hahabol ka pero yun nga, magiging sakripisyo dito is yung quality ng post mo.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
September 23, 2019, 07:36:43 AM
#5
Mostly after work ako nag cocomment, or gabe and yung pattern ko is every hour. 5 post lang ako everyday or lumalagpas minsan lalo na kapag hinde ako masyadong busy.

Dapat talaga imonitor naten ang mga post naten at wag mag burst post kase maaari kang ma ban at maaari kapa matanggal sa campaign na meron ka. Mahigpit ang forum, dapat lagi tayong sumunod sa mga rules.
legendary
Activity: 2506
Merit: 1394
September 23, 2019, 07:22:58 AM
#4
Wala naman siguro yan kung ilang minuto o oras ang pagitan, basta kalidad mga post mo at di halata na for the sake of post count para sa iyong signature campaign.
Kasi siguro yung iba, may specific hour lang sila free na makapag browse sa forum edi lubos lubosin na nila yun, halimbawa lunch break ng may mga work, isang oras.

May iba din kasing ibang tao(most are sig. camp spammers) dito na parang pre-generated na mga posts nila, baka dun nakikita ng mga campaign manager na burst posting, halimbawa ng pre-generated ay yung nagawa mo na mga post mo tapos paste mo na lang at click post.
Kasi makikita sa oras ng post yan, halimbawa seconds lang pagitan sa dalawang post na mahahaba ang mga sentence mo.

Masasabi ko na considered na 'post bursting' pag siguro 5 posts in just 5 minutes? tapos mga low quality pa yung mga post, halata na yun. Tapos yung 5 posts mo na yan ay may kahalintulad araw araw, parehong oras or any oras sa araw pero yung time frame ng bawat posts ay magkakalapit. Pero overall para sakin, sa QUALITY parin yan ng post mo malalaman.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
September 23, 2019, 01:31:21 AM
#3
Quote
Sakin kasi para makaiwas sa burst posting hinahati ko ang max weekly post ng signature campaign ko sa limang araw.

Pareho po tayo ng diskarte ganyan na ganyan din ang ginagawa ko 5 post per day ako ng 5days tapos yung 2days petiks nalang paisa-isa nlang ang post ko, natatakot din kasi ako na malagay sa listahan ng mga burst posters.

Quote
If  a user is a burstposter then they can be burstposters not in campaigns unless the posts are super constructive and on point. Most times that's not the case though

Pero ng mabasa ko itong post ni Sir. YAHOO62278 nalaman ko na ok wala palang problema sa burst posting kung yung sinasabi naman ng napopost eh constructive naman at angkop.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
September 23, 2019, 12:55:08 AM
#2
Walang specific pattern yung posting interval ko. Nakadepende kung may makita akong topic na gusto ko din replyan. Mga five minutes yata yung pinaka-short interval tapos ilang oras naman yung mahaba. May mga pagkakataon kasi na pamilyar na ako sa isang topic kaya mabilis at may mga oras din na binabasa o kaya naman inaaral ko muna para mas maayos yung reply kaya natatagalan.

Tungkol naman sa posting frequency per day, yung normal is three to five. Kung may magandang discussion, inaabot sa sampo o mahigit.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
September 23, 2019, 12:34:12 AM
#1
Para sa mga matagal na dito sa forum, ilang minuto o oras ang tamang posting interval?
-Sa case ko nakadipende to sa schedule ko sa isang araw. Pag busy atleast 40mins at pag hindi naman more than hour ang interval.

Ilang post ang ginagawa mo kada araw? At ilang post ba ang considered as burst posting?
-Sakin kasi para makaiwas sa burst posting hinahati ko ang max weekly post ng signature campaign ko sa limang araw.

Share your thoughts mga mam/sir!  Cheesy
Pages:
Jump to: