Pages:
Author

Topic: [Discussion]Business idea gamit ang Bitcoin - page 2. (Read 311 times)

hero member
Activity: 1932
Merit: 546
October 13, 2023, 05:25:11 PM
#8
Mayroon ako na current business which is online shop at AirBNB rental pero hindi ko maiapply ng maayos ang Bitcoin sa business ko since walang interesado gumamit ng Bitcoin as payment method sa mga customers ko kahit na nagbibigay ako ng magandang offer gamit ang Bitcoin.

Naisip ko tuloy na siguro hindi lang akma yung market ng business ko Bitcoin kaya nagiisip ako na magestablish ulit ng additional business na ngayon ay iikot mainly sa Bitcoin. Pinaplano ko ngayon na magtayo ng small lending service sa local board natin and at the same time dito sa lugar namin pero in Bitcoin ang loan so obligated sila na bayadan ako in Bitcoin at pagaralan kung paano gumamit ng Bitcoin. Medyo may savings kasi ako sa Bitcoin na hindi ko nagagalaw kaya balak ko na dito nalang ilagay.

May mga business idea ba kayo na maganda iapply ang Bitcoin? Any idea even insane idea. Walang criticism but make sure na tanggap nyo na maaaring gamitin ng kabayan natin dito yung shared idea nyo.

Kung talagang balak mong iaplay ang lending business dyan sa lokal na kinalalagyan mo, siguro bago mo gawin yan  pag-aralan mo muna yung lugar mo dyan, alamin mo muna kung marketable ba siya kahit papaano. Dahil kung wala naman na mga bitcoin enthusuiast dyan ay sa tingin ko ay parang hindi rin uubra yang bagay na yan. Pero kung meron naman na mga Bitcoin fanatic dyan kahit konti lang ay i go mo or magkaroon ka muna ng dry run muna.

Kung dito naman sa ating lokal forum, medyo kahit papaano ay mas maganda kasi kita muna kung sino mga prospect clients mo. Pero Bitcoin lang ba ang gagamitin mo dude na ipapautang mo? meron kapa bang iba na gustong ipahiram tulad ng usdt? oh kaya subukan mo din sa p2p merchant sa isang exchange din dito.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
October 13, 2023, 04:16:07 PM
#7
Bitcoin lending here in the forum can be a good idea, so far ito lang den ang naiisip kong idea to do a business since yung iba is required ng malaking capital and need magfocus ng attention.

Though you can also try to adopt if meron ka nang existing business, the only risk here is the volatility of the price at syempre yung mga uutang.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
October 13, 2023, 03:04:53 PM
#6
Risky na kase talaga ang investment sa Bitcoin dahil na rin sa volatile na market price neto kaya hindi din talaga siya applicable lalo na kung gagamitin mo pa siya sa isang business as a payment method dahil ang isang business ay risk din so maaaring tumaas ang risk ng business mo kung gagamit ka rin ng Bitcoin sa isang business, sa isang business sobrang mahalaga talaga na mayroon kang liquid or cash na pwd mong magamit, kaya kailangan talaga mayroon kang malaking capital sa isang business para incase magkaroon ka ng problema ay madali mo rin marerecover dahil pwd mong iabono muna ang capital dahil may capital ka pa.

Pero kung ipapasok mo ang Bitcoin ay hindi mo na pwedeng gamitin ang capital na yun lalo na kung bumagsak na bigla ang presyo neto sa market dahil kapag ginawa mo yun ay maluluge ka dahil sa pagbenta ng mababang presyo sa market. Kaya kapag mayroon nagbayad ng Bitcoin ay kailangan mo na lang siyang ihold, which is risky talaga sa isang business. Kaya para saken hindi pa talaga applicable ang cryptocurrency sa isang business lalo na as a payment method lang, siguro magwowork siya kung iba ang model mo like cryptocurrency platform then sa fees ka kumikita tulad ng mga exchanger, pero kahit naman exchanger kapag bumagsak ang market ay bumabagsak din talaga ang kanilang business at sobrang risky pa rin para sa kanila kaya madalas nirerestric talaga nila ang trading kapag bagsak.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
October 13, 2023, 02:14:53 PM
#5
Mayroon ako na current business which is online shop at AirBNB rental pero hindi ko maiapply ng maayos ang Bitcoin sa business ko since walang interesado gumamit ng Bitcoin as payment method sa mga customers ko kahit na nagbibigay ako ng magandang offer gamit ang Bitcoin.
I'm not sure kung gaano kaganda ang mga discount na ino-offer mo, pero nasubukan mo na bang mag bigay ng mga freebies sa Bitcoin users?

May mga business idea ba kayo na maganda iapply ang Bitcoin? Any idea even insane idea. Walang criticism but make sure na tanggap nyo na maaaring gamitin ng kabayan natin dito yung shared idea nyo.
  • Anonymous parcel forwarding service
  • Bitcoin [lightning network (layer 2)] vending machine
  • Gumawa ng mga online courses at ibenta ang mga ito for fractions of a Bitcoin
sr. member
Activity: 1932
Merit: 370
October 13, 2023, 01:58:22 PM
#4
Mayroon ako na current business which is online shop at AirBNB rental pero hindi ko maiapply ng maayos ang Bitcoin sa business ko since walang interesado gumamit ng Bitcoin as payment method sa mga customers ko kahit na nagbibigay ako ng magandang offer gamit ang Bitcoin.
Isa siguro sa dahilan kung bakit walang gumagamit ng bitcoin as currency dahil mas ginagamit sya as commodity. Mukang mahirap talaga sya iintegrate sa business kabayan, pero ang isa sa mga pwede mo gawin is ilagay yung crypto as optional mode of payment.

Naisip ko tuloy na siguro hindi lang akma yung market ng business ko Bitcoin kaya nagiisip ako na magestablish ulit ng additional business na ngayon ay iikot mainly sa Bitcoin. Pinaplano ko ngayon na magtayo ng small lending service sa local board natin and at the same time dito sa lugar namin pero in Bitcoin ang loan so obligated sila na bayadan ako in Bitcoin at pagaralan kung paano gumamit ng Bitcoin. Medyo may savings kasi ako sa Bitcoin na hindi ko nagagalaw kaya balak ko na dito nalang ilagay.
Sa lending business din mukang mahirap sya iapply kasi masyadong volatile ang bitcoin, unless magkaron ka ng fixed na contract sa amount na ibabayad siguro which is dalawa lang yung magiging result, either profit ka or in loss then wait again para maging profit.

May mga business idea ba kayo na maganda iapply ang Bitcoin? Any idea even insane idea. Walang criticism but make sure na tanggap nyo na maaaring gamitin ng kabayan natin dito yung shared idea nyo.[/b]
Matagal tagal ko na din iniisip magtayo ng business na iikot din sa bitcoin, yung idea ko naman is mini grocery store na nagbibigay ng discount pag gumamit ng crypto as payment, ang maganda sa ganito is maraming tao ang pagaaralan pano gumamit ng crypto to get a discount at the same time nagkakaron ka ng crypto which you can sell if the market goes up. Ano sa tingin nyo sa idea na tulad nito?
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
October 13, 2023, 01:48:08 PM
#3
Bitcoin lending din yung isa sa unang naisip ko, though I doubt na may manghihiram sayo locally if bitcoin ang ipapaloan ay bitcoin din kapalit given na icoconvert agad nila ito into cash if locally, assuming na need nila ng fiat. Lending dito sa local board natin is pwede I guess sa mga taong need bitcoin. Pwede rin pagaging merchant ka ng physical goods like phone, sneakers or anything, bitcoin payment yung preferred mode of payment mo. Mostlikely during bull market ka makakakita ng maraming tao na gusto bumili ng gamit using bitcoin kasi ready na sila mag release ng bitcoin, pero ngayon halos accumulating yung mga tao eh at ayaw nila magpakawala ng bitcoin.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
October 13, 2023, 01:03:21 PM
#2
Yung sa Bitcoin lending mo sa lugar niyo, tingin ko mas okay kapag i-focus mo nalang dito sa forum pero magandang ideya yan na magintroduce ng Bitcoin para sa mga kapitbahay mo. Ako naman ang naiisip ko ay coffee shop tapos pati lightning network puwedeng tanggapin. Yung sinabi mo naman na airbnb, monthly rental na apartment naman ang naiisip ko. Kasi karamihan sa mga payment ngayon parang puro gcash at e-wallets na nangyayari kaya para maiba lang din ay kung may tenant kang nasa crypto sigurado gustong i-try nun yung pagbayad ng Bitcoin.
Siguro nga wala ka lang sa mga target market mo pero try mo yung airbnb mo kumontak ng mga pinoy crypto pages at bigyan mo lang siguro ng kahit papano o kung magkano ang offer nila kung afford mo para ma-feature yung unit mo tapos ang payment ay Bitcoin. Tingin ko may mga gustong itry yan kapag nakita for the sake of paying airbnb in bitcoin lang.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 13, 2023, 11:34:31 AM
#1

Jump to: