Basta merong high return in short period of time, sosmeyo marimar na yan, huwag na kasing sumali. Ang titigas din kasi ng ulo ng mga naloloko, at mas inuuna pa ang magpauto kesa magsaliksik muna, Hindi naman mahirap na gawin yung icheck muna bago maglabas ng pera, walang pinagkaiba naman kasi yan na bumili tayo ng isang item na tignan muna natin kung may problema yung bibilhin natin.
Yung ganyan kasi, parang lumalabas magbayad ka muna kahit hindi mo pa nakikita yung product na binili na hindi mo alam may sira pala or pinakita lang sayo yung harapan na maganda hindi buo binayaran muna agad at wala na yung nagbenta nakaalis na, so resulta naisahan ka.
Yung iba naman ang ginagawa ay hinihintay muna maginvest yung karamihan tapos titignan kung paying talaga, after few months na paying, tyaka papasok sila at kadalasan, sa ganung time din nag exit scam ang mga P2e, kaya sila yung madalas na hindi nakakabawi.