Anyway, allow me to share my opinion regarding the topic, maaring taxable ang income natin pero personally hindi ako mag reremit gaya ng karamihan sa atin, kung baga, maghihintay nalang ako na mas matackle pa ang signature campaign income para mas klaro. Sa tagal ko na dito sa forum, never kung naisip na kailangan mag remit ng income natin dahil kung sa work, yung HR na mismo ang mag deduct ng tax sa sahod natin, so kung tayo ang mag remit nito, parang business na rin, or self employed tayo gani ng sabi ni Bttzed03... ayaw kung isipin ng ganyan dahil pag tinanong ako dito sa amin about anong work ko,,anong sasabihin ko, signature campaigners? hehe.. sorry guys, medyo complicated lang on my part.
Marami akong nababasa na mga articles pero di ko sure kung totoo ba na pati ang mga youtubers or streamers ay magkakaroon na rin ng tax na alam naman din naten ay kumita din sa ads lalo na ang mga youtubers. Tingin ko sa forum naten mukang agree din ako sa ibang mga members na malabong malagyan ng tax ang mga signature campaign dito. Sa tingin ko magfofocus ang Tax sa mga malalaking company na kung saan maraming tao na ang kumikuta tulad na lamang ng Facebook at youtube. Kung ikukumpara nga naman ang ang mga website or social mediai sites na ito ang tila mukang malaking pera ang makukuha ng gobyerno dito.
Hirap din kasing mag verify ng BIR dito sa forum kasi anonymous tayo, unlike sa youtube pwedeng maging partner ng BIR ang youtube at humingi ng information about their partners or mga youtubers sa pilipinas. Sa crypto naman, yung coins.ph lang ang sakop ng BIR dahil regulated ito ng government natin, kaya lang, mahabang process kung iisahin nila transaction natin dahi hindi naman lahat ng pumapasok sa coins.ph ay income na lahat yun.