It's just the same kabayan on our crypto earnings way back years. Wala silang hahabulin dahil in the first place, crypto games is not regulated. Different from the case of tax evaders na ang business genre already have an associated regulations dito sa atin like iyong sa mga artista, personalities, malaking company etc.
Pero don't worry. Malabo talaga nila ma-implement yang tax na yan. Basta kalma lang din iyong mga nag-fflex. Ang mangyayari nyan baka pag-initan sila since bulgar na kumikita sila ng malaki.
Marami akong kontra sa gobyerno pero I think naman it won't reach that far. They will just allow it just like bitcoin. Then si SEC magpapaalala lang na DYOR sa mga ganyang scheme.
Pero yung binabasehan nila right now ang mga na cash-in earnings sa Coins PH, Abra, PDAX, etc., so baka pati past earnings from 2017, 2018, etc., na over na sa P250k ang income. Yung mahirap lang na i track ang P2P transactions.
No disrespect sa mga Axie players nga na feature ni KMJS, but they are the real reason why Axie, P2E games at cryptocurrencies ang nasa hot seat na ngayun ng BIR at SEC, at na stream na din sa mga media networks.
For years, we are under the pandemic called "Income Flexing Virus" kaya daming Pinoy na-adik sa pag flex ng income, bahay, etc., instead of staying low key. Sigurado yung mga na featured sa KMJS, dami nang galit at nang bash sa kanila lalo na mga toxic players.