Regarding job opportunity, isang halimbawa rin nito ay ang pagsali natin sa mga signature campaigns or any services na pwede nating lahukan kung saan ay binabayaran tayo gamit ang cryptocurrency na ibebenta naman ng karamihan sa atin para maging Piso (PHP). Sa pamamagitan nyan ay nakatutulong din tayo sa ekonimiya natin sapagkat nakatutulong tayo kahit papaano sa paglakas ng value kontra iba pang fiat currencies gaya ng USD.
I don't take signature campaign as a job since short term lang naman kadalasan ang nag e-exist dito so to bad for us if we really on this at tsaka di din naman kalakihan ang pay rate so maganda lang talaga sya as side income. Siguro kung makakakuha tayo ng mas malaki pang project gaya ng makakapag trabaho tayo sa isang bigating platform at babayaran tayo ng desenteng halaga siguro dun palang talaga tayo makakatulong sa ekonomiya ng bansa since required na siguro tayo nyan magbayad ng tax.
Yung pag exchange ng usd to php ay maliit lang impact nun at yung other job type na nagbabayad talaga ng malaking halaga ang may malaking impact.
And sa tingin ko naman ay wala (o wala masyadong) member dito na nagrerely sa sigcamps as one of their main source of income.
Depende lang naman talaga ito kung ano ang tawag mo dito at kung mag focus ka dito ay choice mo rin yun since ikaw lang talaga ang nakakaalam kung sustainable ito sayo o hindi. Pero yung sa mga baguhan palang dapat hindi sila mag expect ng malaki dito since una walang katiyakan na magtatagal ang isang campaign at madami kang ka kompetensya kaya may times na mahihirapan ka talaga makahanap ng pamalit kung nag close na ang campaign mo. Kaya maganda rin na maliban sa sig campaign ay maghanap kapa ng iba pang pagkakakitaan dahil kung sustainable na talaga ito siguro ito na ang best time na umalis ka sa traditional job mo at mag focus na mapalaki pa ang iyong kita online.