Pages:
Author

Topic: Fake Airdrops on Facebook (Read 463 times)

sr. member
Activity: 644
Merit: 252
July 12, 2020, 01:16:23 AM
#38
Ingat tayo sa mga crypto-related facebook pages na follow natin kasi may mga scammers na ginagamit ang mga ito.

Ganito ginagawa nila para mukhang kapani-paniwala:
  • Gagawa ng pekeng facebook page
  • Kukunin mga profiles ng mga naka-follow
  • Tapos i-share nila profile photo mo sa kanilang page with a message na isa ka sa mga nanalo (see image below)

Kahit saan na lamang ang pang-iScam na yan. Nakakasawa na din, nakakadismaya, at nakakagalit kasi lahat na lamang ay alam nilang gamitin sa masama. Kung mayroon mang mga tao na naloko nito sana ay kapulutan na nila ng aral ito. Ako, halos hindi na ako sumasali sa mga airdrop. Madami akong karanasan sa mga scam na yan noong 2018. Nasayang lamang ang oras. Buti na lamang hindi nahack ang account ko dahil sa airdrop na yan. Sana lang din hindi nila nagamit sa masama ang mga information na nakuha nila sa akin.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
July 09, 2020, 08:08:52 PM
#37
Hindi talaga ako nagtitiwala sa kahit anong bitcoin related na hindi galing sa bitcointalk forum. Masyadong madaming scam na nagkalat sa internet reagarding bitcoin at dahil ganon nga ang sitwasyon doon parin ako nakuha ng impormasyon sa mas mapagkakatiwalaan. Madaming forum about sa bitcoin at mas maganda kung sa kanila ka lamang kukuha ng impormasyon o kahit anong bagay patungkol sa bitcoin.

Ok lang sana kung katulad natin yung makakakita dun, alam na nating kaagad na scam yung mga yun. ang masama lang kapag yung mga newbie nating kababayan ang ma-engganyo sa mga click bait na pinopost ng mga scammers. kawawa talaga sila dahil hindi nila alam kung ano pinasok nila, minsan tsaka palang malalaman nilang scam ito kung naubos na ng scammer nakuha mga pera nila. Kaya dapat lang talaga magbahagi tayo ng ating mga kaalaman dahil hindi natin alam sa simpleng post natin ay meron tayong masasalbang tao.
hero member
Activity: 1106
Merit: 501
July 06, 2020, 06:36:39 PM
#36
Hindi talaga ako nagtitiwala sa kahit anong bitcoin related na hindi galing sa bitcointalk forum. Masyadong madaming scam na nagkalat sa internet reagarding bitcoin at dahil ganon nga ang sitwasyon doon parin ako nakuha ng impormasyon sa mas mapagkakatiwalaan. Madaming forum about sa bitcoin at mas maganda kung sa kanila ka lamang kukuha ng impormasyon o kahit anong bagay patungkol sa bitcoin.
member
Activity: 1120
Merit: 68
June 30, 2020, 05:19:19 AM
#35
Sa tingin ko hindi lang facebook ang may fake airdrops na katulad niyan dahil sa dami ng tao na gumagamit ng iba't ibang social media, madami din silang pwedeng mapain sa ginagawa nilang fake airdrops kaya ang dapat sa mga yan ay maireport ng maaga ng walang taong maiscam.
Hindi lang talaga sa Facebook nagaganap ang pagkakaroon ng scam sa airdrop dahil halos lahat ng social media platforms ay may mga ganitong scam kang makikita dahil ina-advertise nila ito. Naranasan ko lang ang fake airdrop sa isang telegram group at nakaipon ako dito ng mahigit 0.09 btc buti nalang nalaman ko ito sa aking kaibigan na isa pala itong i-scam, kaya naitigil ko din ito at ni-report ko din.
member
Activity: 501
Merit: 10
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
June 28, 2020, 03:37:36 AM
#34
Sa tingin ko hindi lang facebook ang may fake airdrops na katulad niyan dahil sa dami ng tao na gumagamit ng iba't ibang social media, madami din silang pwedeng mapain sa ginagawa nilang fake airdrops kaya ang dapat sa mga yan ay maireport ng maaga ng walang taong maiscam.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
April 30, 2020, 10:24:03 PM
#33
so far wala pa naman ako naeencounter na mga airdrop sa mismong facebook talaga kasi karamihan nasasalihan ko sa mga airdrop at galing sa messenger. payo ko lang sa mga mahilig sumali sa airdrop galing sa facebook ay suriin nalang nang mabuti yung link lalo pa at direct link yung binibigay nila magbasa nang comment dahil malamang may mga feedback yan panigurado...
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
April 21, 2020, 08:43:38 PM
#32
Ginagawa ko plagi para makasigurado kung legit ang Airdrop nila eh nag research muna ako para maka sigurado ako na legit at di sayang ang aking effort sa pag participate sa isang airdrop.

Mga steps na ginagawa ko
1. Googles search
2. Check sa other social media
3. Check kung legit ang website hanap (hanap ng review)

Para narin sa safety eh never invest sa isang airdrop kasi ang airdrop ay bigay lang yan na kapalit ay mga madadaling task
Ung effort na gagawin mo ikaw din naman ang magbebenefits kaya mas magandang magsimula ng nakapag research ka para hindi sayang ung oras at efforts mo, gaya ng ginagawa mo dapat talaga intindihin at siyasatin ung nagpapa airdrops kadalasan dinuduplicate ng mga fake scammers yung mga legit groups or legit na mga business kaya dapat mas malalim na research ang gawin para hindi mabiktima.
copper member
Activity: 392
Merit: 1
April 21, 2020, 02:21:20 PM
#31
Ginagawa ko plagi para makasigurado kung legit ang Airdrop nila eh nag research muna ako para maka sigurado ako na legit at di sayang ang aking effort sa pag participate sa isang airdrop.

Mga steps na ginagawa ko
1. Googles search
2. Check sa other social media
3. Check kung legit ang website hanap (hanap ng review)

Para narin sa safety eh never invest sa isang airdrop kasi ang airdrop ay bigay lang yan na kapalit ay mga madadaling task
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 18, 2020, 04:47:17 PM
#30
Maraming mga scammer talaga ito sa facebook dahil na rin madaling gumawa ng account or madaling pikiin ang account dito. Sobrang daming user sa facebook kaya perfect sa mga ganitong scam.

For sure mangungulang ng information tong mga ito para magspam sa email or kay mangscam ng mga user. Nakakatawa lang yong mga crypto groups sa fb dahil maraming mga scammer or affiliate.

Kahit saan ka naman na tumingin ngayon makikita and makikita mo yan mga scam na yan hindi lang Facebook. Youtube, Twitter, and Telegram makikita and makikita mo halos linggo linggo may thread sa mga scams na nagaganap dito. Kaya hindi mo talaga mapipinpoint sa isang website lang may mga nanloloko kasi halos lahat covered nila and lahat may kaya silang mabiktima. Let's just always practice scam awareness lalong lalo na sa mga high traffic sites kasi dito sila madalas mang target ng tao.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
April 17, 2020, 01:33:08 PM
#29
Di na yata yan bago sa facebook, dati yung account ko na nagfollow sa waves sa facebook bigla nalang nanalo ng waves, I think that was 2017 pero hindi ko na rin pinansin dahil takot ako baka mahack lang account ko. Careful lang talaga tayo, lalo na kung need na talag in input ang private details natin like wallet seed or passwords, daming kalokohan sa crypto.
Maraming mga scammer talaga ito sa facebook dahil na rin madaling gumawa ng account or madaling pikiin ang account dito. Sobrang daming user sa facebook kaya perfect sa mga ganitong scam.

For sure mangungulang ng information tong mga ito para magspam sa email or kay mangscam ng mga user. Nakakatawa lang yong mga crypto groups sa fb dahil maraming mga scammer or affiliate.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
April 17, 2020, 09:12:23 AM
#28
Di na yata yan bago sa facebook, dati yung account ko na nagfollow sa waves sa facebook bigla nalang nanalo ng waves, I think that was 2017 pero hindi ko na rin pinansin dahil takot ako baka mahack lang account ko. Careful lang talaga tayo, lalo na kung need na talag in input ang private details natin like wallet seed or passwords, daming kalokohan sa crypto.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
April 14, 2020, 02:59:05 AM
#27
Napansin ko din yan sa facebook shinare profile picture at may nanalo na daw kaya report agad para block ng facebook mukhang madami na naman bots ang mga scammer hacker na yan
full member
Activity: 821
Merit: 101
April 13, 2020, 07:24:42 AM
#26
marami na nga talagang nag kalat sa facebook na mga ganyan at marami narin nag report. kaya ginagawa nalang nang facebook ngayon ay parang binaban na yata nila yung mga crypto currency pag tungkol sa mga pa airdrop or mga giveaway.
jan nasisira ung imahe ng crypto dahil sa ginagamit nila ang cryptocurrency para makapanloko ng ibang tao, imbes na i adapt nila ung crypto ,lalo p nilang sinisira.
Yun nga ang problema kaya marami din ang hindi naniniwala sa crypto akala nila scam. Ang dami kasi nagkalat sa facebook na maling info at panloloko ng mga scammers. Marami ka makikita na paraan para kumita gaya nga ng mga giveaways na yan pero majority sa kanila hindi talaga reliable at panloloko lang.

Hindi ito about sa crypto pero recently lang may nagpapasa sa messenger ng link free access daw sa netflix for 2 months. Another scam para ma hack ang facebook kaya ingat mga kababayan.
gagawin lahat ng hacker para makuha ung private information katulad ng fb, email kung san nakalagay ung private details mo kagaya ng bank info at kung ano ano pa. Kaya naman dapat maging maingat n talaga ngayon.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
April 13, 2020, 04:00:57 AM
#25
marami na nga talagang nag kalat sa facebook na mga ganyan at marami narin nag report. kaya ginagawa nalang nang facebook ngayon ay parang binaban na yata nila yung mga crypto currency pag tungkol sa mga pa airdrop or mga giveaway.
jan nasisira ung imahe ng crypto dahil sa ginagamit nila ang cryptocurrency para makapanloko ng ibang tao, imbes na i adapt nila ung crypto ,lalo p nilang sinisira.
Yun nga ang problema kaya marami din ang hindi naniniwala sa crypto akala nila scam. Ang dami kasi nagkalat sa facebook na maling info at panloloko ng mga scammers. Marami ka makikita na paraan para kumita gaya nga ng mga giveaways na yan pero majority sa kanila hindi talaga reliable at panloloko lang.

Hindi ito about sa crypto pero recently lang may nagpapasa sa messenger ng link free access daw sa netflix for 2 months. Another scam para ma hack ang facebook kaya ingat mga kababayan.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
April 13, 2020, 03:51:11 AM
#24
Nung isang araw muntikan pa akong mahulog sa trap ng phishing link dahil sa ganda ba naman ng offer aakalain mo totoo.
Nako kabayan! mag-iingat palagi dahil yung ganito ngayon ay parang legit na talaga yung tipong kuhang-kuha na yung lahat ng detalye kaya hirap tayong idistinguish kung legit ba o hindi. Ang facebook ay isa mga social media site na puno ng mga fake airdrop/giveaways at kung baguhan ka palang sa ganito panigurado maloloko ka nila. Kahit naman sino maaring mabiktima ng phishing link lalo kung tulad ito ng lehitimong project pero kung ikaw naman masipag sa pagresearch panigurado agad-agad mo rin malalaman kung ito ba ay tunay o hindi. At, sobrang hirap na ngayon magtiwala sa internet dahil talamak na yung mga fake aidrop at alam naman natin na ang iba satin ay gustong-gusto agad kumita kaya minsan ay nahuhulog sila sa ganito.

Marami na akong nakitang ganito pero hindi ko naman ito binibigyang pansin dahil nakakatakot na kung makukuha nila ang inyong mga importanteng impormasyon tulad nalang ng password,email at private key, at kung sasali man ako/tayo sa ganito ichecheck muna natim ito sa forum dahil pagdating sa ganyan malalaman agad natin kung tunay or hindi.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
April 13, 2020, 01:21:43 AM
#23
Nung isang araw muntikan pa akong mahulog sa trap ng phishing link dahil sa ganda ba naman ng offer aakalain mo totoo. mabuti nalang meron tayong experience sa mga katulad ng mga ganong pangloloko. kaya agad naman itong naiwasan ko, salamat na rin sa mga kababayan natin na walang sawang nagshashare nga mga bagong kaalaman upang maiwasan ang mga scams na katulad nito. pero sa kasamaang palad ay marami pang nabibiktima na mga walang alam kaya mas makakabuti rin sa atin na ishare din yung ating mga kaalaman sa ating mahal sa buhay at sa mga kaibigan na hindi miembro ng Bitcointalk para naman magka ideya sila kung ano ang ibig sabihin ng phishing.
full member
Activity: 821
Merit: 101
April 13, 2020, 12:42:50 AM
#22
marami na nga talagang nag kalat sa facebook na mga ganyan at marami narin nag report. kaya ginagawa nalang nang facebook ngayon ay parang binaban na yata nila yung mga crypto currency pag tungkol sa mga pa airdrop or mga giveaway.
jan nasisira ung imahe ng crypto dahil sa ginagamit nila ang cryptocurrency para makapanloko ng ibang tao, imbes na i adapt nila ung crypto ,lalo p nilang sinisira.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
February 29, 2020, 08:57:29 AM
#21
Naranasan ko na rin ito.
Pero Stellar Lumens (XLM) naman shinashare nila yung picture ko sa Facebook Tapos ganyan din nanalo daw ako etc.  Tapos kailangan ko mag log in gamit private keys ko kaya naman alam ko agad na fake dahil ito at Phising Website.
Grabd naman yan naexpose yung identity mo diyan kabayan nakakatakot baka mamaya gamitin yung name at mukha mo para sa pangiiscam sa ibang mga tao at baka mamaya sisihin ka pa nung naloko nila. Kaya next time huwag na nating hayaan na magjoin kung saan dahil lahat ng mga website o anu man nasa online ay maraming scammer at hacker.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
February 29, 2020, 08:18:37 AM
#20
Naranasan ko na rin ito.
Pero Stellar Lumens (XLM) naman shinashare nila yung picture ko sa Facebook Tapos ganyan din nanalo daw ako etc.  Tapos kailangan ko mag log in gamit private keys ko kaya naman alam ko agad na fake dahil ito at Phising Website.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 22, 2020, 04:10:08 AM
#19
~
May gumagamit pa pala ng Facebook ngayon? ~

Una palang wala nakong pinagkakatiwalan sa mga ganyan. Maigi ng wag magfacebook o sumali sa mga group na puro ganyan kaysa mamroblema pa. Hindi naman sapat na gamit ang fb para maturuan yung ibang nagrereply ng "paano po pm sent".
Marami pa actually. I would guess na FB pa din ang most used app dito sa Pinas. I wouldn't argue na maraming trash contents dun pero marami pa din mga crypto projects ang gumagamit kaya sinusundan pa din ng mga hackers.

Sad to say na kahit pauli-ulit tayo at parang sirang plaka na kakabigay ng babala, meron pa din nabibiktima. I personally know someone na muntik ng mabiktima ng same method kagaya ng nasa OP pero fake coinsph page naman ang ginamit ng scammer. Mabuti na lang naisipan muna magtanong sa akin bago magtuloy.



Brand new sa paningin ko ang ganitong modus ahh, Sobrang creative ng mga scammer mag isip ng mga idea para manglamang ng sa kapwa nila tao. Really didn't expect na gagamitin pa nila ang airdrop to execute their scam scheme.
This isn't the first time na nakita ko ganitong style. Kung hindi ako nagkakamali around 2018 pa yung una at fake Waves giveaway naman. Nagkataon lang siguro na wala kang followed or liked crypto fb page. Parang yung mga ginagaya nilang pages ay yung may legit giveaways din.

Parang low budget scam lang din kasi to, Gumamit lang ang scammer ng free domain which is webhost. Dun palang sa link ay mahahalata ko na as an IT na scam website yun. Pero for most of the people na hindi masyado aware sa domain names ay pwedeng mabiktima ng ganitong modus.
Oo nga eh. Sa mata ng newbies, high level na yan kaya napapaniwala at nabibiktima.
Pages:
Jump to: