Pages:
Author

Topic: [Filipino Guide] Ang Bitcointalk Merit System - page 3. (Read 1734 times)

legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
Mga kabayan huwag naman natin i quote yung buong post, panatilihin nating malinis ang thread para madali nating maintindihan. I quote lang yung nag attract sa inyo na topic na gusto niyong replayan. We should maintain the cleanliness of the thread.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Basing on the post itself, it would really be beneficial to the Filipino people to understand where to post, how to increase merit, and importantly what is a Merit. Eto talaga ay magandang guide na karapatdapat na i-pin para at least hindi na mahirapan mag hanap yung ibang kababayan natin.


Paraan para makakuha ng Merit

1.   Pagbutihin ang iyong wikang Ingles, ito ay hindi lamang spelling at grammar, ito ay kasama ang paggamit ng mga salita tulad ng Sir at Mr, bilang Filipino ito ay tanda ng paggalang natin sa ibang tao lalo na pag hindi natin kilala, ngunit sa ibang lahi dito sa forum ay ayaw nila tawagin ng ganito at gusto nila pantay pantay ang turingan sa forum na ito.
Yup, napansin ko yan sa Beginner's and Help board may nagpost doon ng "how to get merits", tapos ang reply ng mga moderators ay huwag ng gamitin ang word  na "sir" kasi ayaw nila at galing sa 3rd World Countries daw. Iwasan natin yan kasi hindi naman nila alam yung kultura natin, baka makantiyawan lang tayo.
Hindi ko alam na may ganito paang nangyayari, ayaw nila ng sir? I didn’t know that.

By the way, added na sa watchlist ‘to. Haha.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563

Paraan para makakuha ng Merit

1.   Pagbutihin ang iyong wikang Ingles, ito ay hindi lamang spelling at grammar, ito ay kasama ang paggamit ng mga salita tulad ng Sir at Mr, bilang Filipino ito ay tanda ng paggalang natin sa ibang tao lalo na pag hindi natin kilala, ngunit sa ibang lahi dito sa forum ay ayaw nila tawagin ng ganito at gusto nila pantay pantay ang turingan sa forum na ito.
Yup, napansin ko yan sa Beginner's and Help board may nagpost doon ng "how to get merits", tapos ang reply ng mga moderators ay huwag ng gamitin ang word  na "sir" kasi ayaw nila at galing sa 3rd World Countries daw. Iwasan natin yan kasi hindi naman nila alam yung kultura natin, baka makantiyawan lang tayo.

2.   Gumugol ng oras na mag-improve ang iyong Written English, magsimula sa youtube,  mayroong higit sa 3002 iba't ibang mga video tungkol sa pagsusulat ng Wikang Ingles.

3.   Gumawa ng isang watchlist para sa mga boards na gusto mo, at bisitahin ang mga board madalas.

4.   Magbasa ng ilang mga aklat sa wikang Ingles, maaari mong i-download ang libreng Ebook bilang isang starter, tingnan kung paano ang mga pangungusap ay nakabalangkas na karaniwang mga salita atbp.
These ebooks are worth sharing. I am also helping my fellow men to improve their English writing here in forum. This will give us an upperhand when posting in international boards. Para hindi tayo puro local section, limited lang an matututuhan natin sa locl board kaya lumabas kayo at bisitahin yung ibang section. Matututo na kayo gagaling pa kayo sa English.











PS: Requesting sa ating mga masisipag na moderator, pwede bang i pin ito sa ating local board? Para mabawasan ang spoonfeeding sa merit system. At least may reference na sila kung ano ang merit. Thank you
jr. member
Activity: 252
Merit: 8
Para sa lahat ng baguhan or yung medjo matagal nadin na hindi pa masyado naiintindihan ano ba ang importansya ng merit,kung saan?para saan?pano makakuha?baket magbibigay?eto na ang katanungan sa lahat ng tanong tungkol sa merit sistema ng bitcointalk.

Andito na sa post na to halos lahat ng kailangan nyong malaman at  mga paraan para magkaron ka at mabigyan ng merit sa forum nato..MAHIRAP?OO,pro sa pamamagitan ng tyaga at pagaaral walang imposible.tulad ko,2013 pako ngsimula sa mundo ng bitcoin at akala ko lahat ng nalalaman ko noon ay sapat na para mag-survive at kumita sa kalakaran na ito,pero dahil sa forum na ito mas lumawak pa ang aking kaalaman at source ng pagkakakitaan.

Isa itong post nato sa example ng mga dapat bigyan ng merit..bukod sa makabuluhan,detalyado,makakatulong  din ito sa mga filipino users para magsumikap,mgtiyaga at magresearch para  malaman din nila na ang merit ay hindi basta bsta nakukuha..maganda din sana kung ilagagay ito sa pinned message ng local board para sa mga kababayan naten na tanong ng tanong baket sa tagal na nila sa forum nato ay wala padin sila nakukuhang mga merits.
At salamat sa OP NG THREAD nato..maganda ang ginagawa mo kabayan at sana mgtuloy tuloy kalang sa pagshare ng knowledge at ideya na nalalaman mo.madame kang natutulungan at nabibigyan ng ideya kung ano ba talaga ang bitcoin at ang silbe ng bitcointalk forum.
sr. member
Activity: 375
Merit: 1021
Just in case no one loves you, I love you 3000.
Napapansin ko na maraming mga Filipino ang hindi pa alam ang Forum Merit System, sa pagsisikap na mahikayat ang Filipinong komunidad na maging maayos at maging maganda ang kalidad ng kanilang post na sa tingin ko ay magresulta sa isang mas malinis na Philippines local board, kaya nagpasya akong gumawa nitong guide at lahat ng pwedeng katanungan about sa Merit System. Inaasahan ko na ito ay magiging malaking tulong para sa mga Filipino para madagdagan ang kanilang merit at kaalaman sa mundo ng Bitcoin. Sa tingin ko ito ang mga posibling rason bakit walang sapat na kaalaman ang mga Filipino tungkol sa Merit System:

- Kakulangan ng kaalaman sa mga alituntunin ng forum merit.
- Sapat na Oras.
- Hirap ang iba sa pagbabasa ng English.
- Tamang post lang para makahabol sa limit nang signature campaign.
- Hindi alam ang importansiya ng merit system sa kanilang rank at paglaki ng kita.

Umaasa ako na ang topic na ito ay tutulong sa mga Filipino forumer. Bukod dito, ang mga nagmamalasakit sa Forum ay umaasa ako na ang ibinigay na impormasyon sa thread ay magresulta sa isang malinis na Philippines local board.

Disclaimer: Bawal ang hindi constructive na reply dito, ang lahat na sa tingin ko ay isang shitpost reply ay i-dedelete



Table of Contents

Requirements
Paano mag-aplay bilang Merit Source
Merit stats
Paraan para makakuha ng Merit
Additional tools
Pagbigay ng Merit
Frequently Ask Questions (FAQ)
Kahalagahan ng Merit



Requirements

Rank    Required activity    Required merit     minimum months*    merit / month needed**
Brand new0000
Newbie1000
Jr Member30010
Member601025
Full Member120100425
Sr. Member240250831
Hero Member4805001631
Legendary775-10301000 28 - 3735

* nagpapakita ng pinakamababang oras sa mga buwan na kinakailangan upang tumaas ang ranggo.
** nagpapakita ng pinakamababang average na merit na kinakailangan bawat buwan upang tumaas ang ranggo sa pinakamababang oras o panahon.

Activity
Paano kinakalkula ang aktibidad ng forum?
Kinakalkula ang aktibidad sa pamamagitan nang formula:
Code:
activity = min(time * 14, posts)

Ang aktibidad ay tumaas sa pamamagitan ng pagpapanatiling naka-log in o sa pag-post at ina-update tuwing tatlumpung minuto. Mayroong maximum na 14 na aktibidad na puntos bawat dalawang linggo.

Merit
1. Makakakuha ka ng mga merito point kapag may nagbigay sa iyo ng ilan para sa isa sa iyong mga post. Bukod pa rito, kapag may nagbigay sa iyo ng mga merito point, kalahati ng mga puntos na ito ay maaaring ipadala mo sa ibang tao.

2. Ang ilang mga forum users ay itinalaga bilang "merit sources". Maaari silang lumikha ng bagong merito mula sa wala, hanggang sa isang limitadong bilang bawat buwan (na naiiba sa bawat pinagmulan). Hindi ilalabas ang mga pangalan ng merit sources (upang ang mga tao ay hindi masyadong mangulit sa kanila), bagaman malalaman mo sa lalong madaling panahon kung sino sila kung maging mapagmatyag ka lang.

3. Sa kasalukuyan ay walang ganoong bagay bilang "demerit". Pwedeng idagdag ang demerit kung kinakailangan itong ipatupad.

4. Para sa kasalukuyang mga miyembro, ang inyong unang marka ng merito ay katumbas ng minimum na kinakailangan sa iyong ranggo. Ang isang tiyak na halaga (mas mababa kaysa sa karaniwang kalahati) ay maaaring ibigay sa ibang tao. Ang halaga ng spendable merit ay kinakalkula batay sa iyong kasalukuyang ranggo at ang bilang ng mga puntong aktibidad na kinita mo noong nakaraang taon. Ang isang Legendary na miyembro na hindi naka-post sa nakaraang taon ay magiging Legendary, ngunit hindi magkakaroon ng anumang spendable merit.

5. Kung ang isang tao ay nagpadala sa iyo ng 1 merito, ang 0.5 sMerit ay hindi nasayang; hindi lamang ito ipinapakita hanggang makakuha ka ng isa pang merito point.

6. Makakahanap ka ng buod ng isang tao sa pamamagitan ng pag-click sa link na "Merit" sa kanilang profile.



Paano mag-aplay bilang Merit Source

1.   Maging isang established na miyembro.

2.   Mangolekta ng SAMPUNG mga post na nakasulat sa huling ilang buwan ng iba pang mga tao na hindi nakatanggap ng halos sapat na merito para sa kung gaano kahusay ang kalidad ng kanilang ginawa, at mag-post ng mga quote para sa lahat ng ito sa isang bagong Meta thread. Ang punto nito ay upang ipakita ang iyong kakayahang magbigay ng karapat-dapat na merito.

3.   Titingnan ang iyong kasaysayan at baka pwede kang gawin na isang merit source.

Lalong nagnanais na magkaroon ng mga merit source sa mga sub-komunidad tulad ng mga lokal na seksyon o local board.



Merit stats

•   Recent merits. Dito mo makikita ang mga kasalukuyan o bagong galaw ng merit. Kung sinu at ilan ang binigay nilang merit sa isang tao at kung anung topic na iyon.

•   Top-merited recent topics. Dito mo naman makikita ang kasalukuyan o bagong top-merited na paksa. Tumatagal lamang ito ng isang buwan simula ng pagkagawa sa isang topic.

•   Top-merited topics, all-time. Makikita mo dito ang pinakamataas na mga paksa, all-time, kung baga ito yung all time na paborito na paksa. Wala pang tagalog na Paksa ang nakakapasok sa level na ito, pero meron nang topic na ang Author ay isang Pinoy ang pasok sa level na ito.

•   Top-merited recent replies. Makikita mo naman dito ang kasalukuyan o bagong top merited replies at kung anu ang sagot nila sa isang paksa bakit sila na bigyan ng ganung karaming merit.

•   Top-merited replies, all-time. Makikita mo dito ang pinakamataas na mga reply, all-time, kung baga ito yung all time na paborito na reply sa isang topic. Wala pang tagalog na Paksa ang nakakapasok sa level na ito, pero meron nang reply na ang Author ay isang Pinoy ang pasok sa level na ito.

•   Top-merited users, recent merit. Dito matatagpuan ang mga kasalukuyan o bagong top level merit users sa buong bitcointalk forum. Unti unti ito nababawasan depende sa panahon ng pagkabigay ng merit o isang buwan simula nang pagbigay sa poster.

•   Top-merited users, all-time. Dito naman matatagpuan ang mga all-time top level merited users sa buong bitcointalk forum. Ito yung mga merit na kung saan ang bilang ng merit ay magsisimula noong ipinatupad na ang Merit System hindi kasama ang minimum requirements na free nung unang mga member. Kung ang merit ay equal sa profile ng isang user ang ibig sabihin nun nagsimula siya sa zero, wala siyang libreng merit na nakuha.

•   Most generous recent merit senders. Ito naman ang karamihan sa mapagbigay nang merit sa kasalukuyan, ito ay sa isang buwan lang ang basihan.

•   Most generous merit senders, all time. Dito makikita ang pinakamapagbigay na bitcointalk member at pwede mo dito matantiya kung sinu ang possible na merit source.

•   Merit sources. Mayroong 83 merit sources na may kabuuang husay na hanggang sa 19100 sMerit bawat 30 days.



Paraan para makakuha ng Merit

1.   Pagbutihin ang iyong wikang Ingles, ito ay hindi lamang spelling at grammar, ito ay kasama ang paggamit ng mga salita tulad ng Sir at Mr, bilang Filipino ito ay tanda ng paggalang natin sa ibang tao lalo na pag hindi natin kilala, ngunit sa ibang lahi dito sa forum ay ayaw nila tawagin ng ganito at gusto nila pantay pantay ang turingan sa forum na ito.

2.   Gumugol ng oras na mag-improve ang iyong Written English, magsimula sa youtube,  mayroong higit sa 3002 iba't ibang mga video tungkol sa pagsusulat ng Wikang Ingles.

3.   Gumawa ng isang watchlist para sa mga boards o mga posts na gusto mo, at bisitahin ang mga ito ng madalas para makakuha ng idea at matuto.

4.   Magbasa ng ilang mga aklat sa wikang Ingles, maaari mong i-download ang libreng Ebook bilang isang starter, tingnan kung paano ang mga pangungusap ay nakabalangkas na karaniwang mga salita atbp.

5.   Maghanap ng mga paksa na may ilang mga reply. Ang ilang mga katanungan at mga paksa na nilikha ay talagang madali lang sagutin. Ngunit kung gusto mo maaari kang magbigay ng mahusay na mga sagot sa mga tanong na iyon! Maaari ka ring matuto habang sumasagot sa isang madaling tanong.

6.   Tandaan na ang kalidad ng post ay hindi kinakailangang isang mahabang post, gamit ang mga salita na nagpapaalala sa iyo tulad ng iyong kinain ng isang buong thesauras ay hindi makakatulong sayo para makadami ng merit. Kahit kaunti lang ang reply mo at nasa punto pwede ka makakuha ng merit, maliban na lng kung gumagawa ka ng isang guide tulad nito.

7.   Basahin din ang mga panuntunan sa forum, NO spoon-feeding dapat matuto kang magresearch at ito ang magbibigay sa iyo ng maraming kaalaman. Kailangan mong matutunan na gamitin at pindutin ang search button, sa sandaling napagkadalubhasaan mo ang pag-andar ng forum search button, magagawa mong suriin kung ang iyong paksa ay nai-post na dati pa.

8.   Ugaliing magcheck ng mga profile ng mga members, lalo na yung mga merong matataas na merit at kumuha ng idea sa kanila. Kung magbibigay ka naman ng merit dapat dun lang din sa mga quality poster para maingganyo naman sila na gumawa pa ng madaming magagandang post at magiging rewards to sa kanila lalo na ang mga newbie. Naging newbie din ako tulad ninyo na merong zero merit, kayang kaya niyo yan.

9.   Huwag over quote, kung gagamitin mo ang quote para sa isang topic or reply dapat yung specific na gusto mo lang sagutin at bigyan nang punto/idea. Bigyan mo nang halaga/respect ang reply/comment mo at mga taong nagbabasa ng replies, kung puro quote lang nakikita nila nawawalan sila nang gana magbasa at mostly nilalagay ka sa ignore list ng mga members na meroong merit. Isang dahilan ito kaya hindi nakakakuha ang ibang members ng merit kasi nasa ignore list na sila. Isang sample ng tamang pag quote: Quote



Additional tools

•   Grammarly add-on for Firefox (mayroong isang bersyon para sa sneaking Google Chrome browser) – Ang add-on na ito ay maganda. Ito ay mas mahusay kaysa sa browser native diksyunaryo, dahil ito ay gumawa ng mahusay na mga mungkahi na lampas sa spelling mistakes. Ang pangunahing problema sa add-on na ito ay ang buong bersyon ay hindi libre.

•   Pro Writing Aid . Libreng bersyon ng Grammar ay medyo basic, at ang bersyon na ito ay mas kumpleto. Ang nakakabagabag ay kailangan mong ilagay ang iyong post sa website na iyon, gawin ang mga pagwawasto, at i-paste muli ito sa bitcointalk.

•   Microsoft Word. Ang salita ng Microsoft ay mas mahusay kaysa sa native diksyunaryo ng browser, dahil gagawin nito ang mga pagwawasto na lampas sa pagbabaybay.

•   Google Translator. Ito ay simple at madaling gamitin kung nahihirapan ka intindihin ang isang statement sa English.

•   Duolingo May ilang bagay para sa maraming wika. Kung ang wika ng isang tao ay wala doon, dapat na gawin nila ang isang simpleng paghahanap sa Google.

•   Bitcointalk Merit Dashboard. Useful tools para makita ang buong overview ng merit system na ginawa ng aking kaibigan na si DdmrDdmr.



Pagbigay ng Merit

i-Click lamang ang +Merit sa gusto mong bigyan na paksa or reply ng isang tao. Walang tinatawag na standard para sa isang merit kasi nagdedepende ito sa mood ng isang tao at sa kung sinu ang meroong hawak nito, pero dapat kalidad ang paksa o reply na bibigyan mo.



Frequently Asked Questions (FAQ)

Ano ang Merit?
Ang Merit ay isang bagong sistema na nilikha upang gantimpalaan ang mga kontribusyon na kalidad sa forum. Ngayon, upang tumaas sa pamamagitan ng mga ranggo ay kailangan mo ring makakuha ng Merit bilang karagdagan sa Aktibidad.

How do I receive merit?
Ikaw ay iginawad ng merito ng mga tao ng komunidad kung nakita nila ang iyong post na kapaki-pakinabang o nagbibigay-kaalaman.

Ano ang pagkakaiba ng Merit at sMerit?
Mayroong dalawang uri ng Merit. Hindi mo maipadala ang iyong mga merito, sMerit lang. Para sa bawat Merit na natanggap mo ay magkakaroon ka ng 0.5 sendable merit. Ang merit ay hindi pwedeng ipamigay, ang sMerit ang pwedeng gamitin para mabigay sa isang Quality Poster.

Pwede ba ako manghingi nang merit?
Hindi na kailangang gawin ito at ang pag-uugali na ito ay karaniwang makikita bilang “merit begging” na kung saan ayaw ng bitcointalk community at maaaring humantong sa iyong pagtanggap ng mga negatibong feedback. Patuloy na gumawa ng kalidad, nakabubuti na mga post at tiyak na gagantimpalaan ka sa paglipas ng panahon.

Pwede ko bang ibenta ang merit?
Hindi pinayagan ang pagbebenta ng merito.

Pwede ko bang bigyan ang aking alt accounts?
No, ito ay ayaw ng kumonidad at tiyak na humantong sa iyong pagtanggap ng mga negatibong feedback kung natuklasan.

Mayroon bang limitasyon ang pagbibigay ko ng merit?
Oo. Maaari kang magbigay ng max na 50 na merito sa isang member tuwing 30 days.



Kahalagahan ng Merit

1. Requirements ito sa pagrank up mo dito sa bitcointalk forum.

2. Pinipilit ang mga tao na mag-post ng mga de-kalidad na bagay upang mag-ranggo. Kung mag-post ka lamang ng basura, hindi ka makakakuha ng kahit na 1 merit point, at hindi ka na magagawang maglagay ng mga link sa iyong signature, atbp.

3. Para linisin ang bitcointalk forum sa mga shitposter and spammer.

4. Matuto ang mga tao na maging constructive forum user at tumulong sa mga tao lalo na ang mga baguhan sa forum na ito.

Makikita ang mga post na merong merit sa pamamagitan ng "Merited by".


Credits to: theymos, hilariousandco, bitmover1, bitmover2, DdmrDdmr, TMAN, and xtraelv

Good Luck! See you around.
Be Positive
Pages:
Jump to: